A Long Wait

25.1K 393 5
                                    

TRAVIS's POV~

"Oh Markovska, wag kang mawawala sa sabado ah."- Nakangiting nakakaloko na naman itong si Ackerman.

"Tss. Baka ikaw ang hindi sumipot."- Pamamayabang kong sabi.

"Haha. Ako na nga  naghamon eh. Mukha kasing bahag iyang ano mo kaya hindi mo ko mahamon.  Haha"- Ano raw? Bahag ang ano ko? Gago toh ah.

"Gago! Yung iyo ang pababahagin ko sa sabado."- Inis kong sabi.

Naglalakad kami ngayong sabay ni Ackerman papunta sa kaisa isang klase namin pinagsamahan.

Kung hindi lang major toh, dinarop ko na ito eh.

Pinaguusapan namin ang pagkarera namin sa sabado.

Kung maaalala niyo, binangit niya toh nung nakaraan na nasa bahay nila ako.

Kaagad kong tinanggap ang hamon ng Ackerman na ito. Yabang eh.

Sa sabado ang usapan, sa sports complex na may racing tracks na pagmamay-ari daw nila. Dun daw sila palagi tumatambay ng mga kapatid niya.

Hindi naman kalayuan toh  sa amin kaya pumayag na ko. Pinapasama na rin niya ang mga barkada ko para naman daw may tagasuporta ako. Sira ulo talaga.

Pagkatapos ng klase sa umaga, inaya kong kumain ng lunch sina Dylan at Bricks pero may mga gagawin pa daw sila.

Alam ko naman ang gagawin nila, its either mambababae o nambababae.

Ewan ko bakit ang kati kati ng dalawa nun sa mga magaganda at sexy, akala mo mga gwapo. Eh latak ko lang naman sila.

"Ahm.. Mr. Markovska."- Malambing na tawag sa akin ng hindi ko kilala na boses babae.

Napatingin ako likuran ko para makita kung sino yun.

"Ahm. Hi. I'm Angie."- Nakangiting sabi sa akin sabay haya ng isang kamay sa akin para makipag-shake hands.

Tiningnan ko lang siya ng medyo masama.

Lakas ng loob ng isang toh ah. Sino ba siya sa inaakala niya?

"Ah ano kasi.."- Napayuko siya habang nagsasalita.

"Excuse me."- Sabay talikod ko at alis. Tss.

Mga babaeng yun nga naman.

Hindi ko namamalayang dinala na pala ako ng mga paa ko sa malawak ng field garden ng school.

Naupo nalang ako sa sahig at nagmuni-muni.

Kinuha ko ang phone ko at kinalikot yun.

Hindi ko pa rin pinapalitan ang wallpaper ko ng picture namin ni Shanelle. Hays. Eto na naman ako sa pagka-emo ko.

Pinagmasdan ko lang ang phone ko hanggang sa..

"Paalam muna Shanelle, pero palagi lang ako sa tabi mo."- Sabi ko nalang sa sarili.

Tinanggal ko ang picture namin as wallpaper at napalitan lang ng ordinary wallpaper sa phone.

Napatingala nalang ako sa kalangitan. Ang lamig na. Ang aliwalas ng paligid, pati simoy ng hangin ang sarap damahin.

Maya maya pa ay humilata na ko sa damuhan habang di inaalis ang tingin sa mga ulap.

Ipinangunan ko ang bag ko at pinailalim ko pa ang kanang kamay ko sa ulo ko para mas mataas.

Ang sarap sa pakiramdam ng panahong ito. Sana pala noon ko pa naisipang tumambay dito. Ang sarap matulog. Ang ganda ng paligid at ang aliwalas.

Maya maya pa ay bumibigat na ang mga mata ko at wari'y nakakaramdam na ko ng antok.

Because We're Having a Baby (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ