Chapter 23

252K 4.8K 293
                                    

23. No me atrevo

“Hi! I’m glad you’ve arrived safely JC.” Bungad agad sa amin ni Yvette pagdating na pagdating namin sa hotel na tutuluyan namin. Bakit andito ang babaeng ito? Oh my!

“Thanks Yvette. I believed you were not yet formally introduced. Yvette this is Joanne Zamora, the architect for this project and Joanne , this is Yvette, the only daughter of Mr. Sy, the owner of ABC.”

“Hi Joanne, I’ve seen the plans for the hotel and its very impressive. That’s why I can’t wait for its construction.” I smiled at her and we shook hands. Ugh! Kaplastikan na naman. I don’t know why I hate her. Maybe because she kissed my property? Now, where did that come from? Wake up Joanne! You very well know that Oca is not serious. Wag ka nang umasa. 

“I’ll be waiting at the dining.” My thoughts were interrupted ng matinis at nakakairitang  boses ni Yvette. Kahit ganun siya kalandi hindi pa rin maiaalis ang finesse sa kanya. Everything in her speaks of class, elegance, beauty and sexiness. Dib a gusto ko ngang maging siya? But then  ayaw kong maging kasinglandi niya. Napaismid ang isip ko.

“Hey, stop sulking. She’s a client and nothing more.”

“Nagtatanong ba ako?”  Buti naman at kinlaro mo. 

“Your face says it all.” He said laughter in his voice. Ano ang nakakatawa? Hmp!

Pumasok na kami sa room namin which is magkatabi lang. Buti naman at di niya naisipan na iisang room lang kami. Pero sayang at di niya naisip yun! Hahahaha. Tangna ang manyak ko ata ngayon? Jetlag ba to?

Pagkapasok ko sa room na hindi naman kamangha mangha (Pero maganda, ok na rin) Tumingin ako sa kama at narealize ko na napagod ako sa byahe at pakikipaglandian kay Oca. And besides mag 8pm na rin naman, hindi  na muna ako kakain kasi inaantok na ako. Mahihiga na sana ako  nung may marinig akong katok sa pinto.

Istorbo naman talaga!

“Wut!?”

“Magdidinner na tayo.”

“Pwede bang magparoom service na lang ako?”

“Hindi pwede. Kasabay natin si Yvette.” So ganun? Kung gusto kaming kasabay ni Yvette  hindi na pwedeng tumanggi. Tss! Nagsisimula na namang uminit ang ulo ko.

Huminga ako ng malalim at tinalikuran si Oca. Kainis kasi eh. Okay I am being childish and I’m acting like a spoiled brat pero hindi ko rin alam kung bakit ganito na lang kabigat ang feeling ko para kay Yvette.

Pumasok na kami ng elevator pero hindi ko pa din pinapansin si Oca. Naiinis kasi ako eh. Dahil lang sa sinabi ni Yvette na sabay kaming kakain sasabay na siya agad. Di ba parang uto uto? (Ang immature mo Joanne).

“She’s our client, in a way we need to impress her.” Sabay hawak ng kamay ko. I don’t know why he is explaining to me. Pero dahil sa kanyang ginawa naliwanagan ang puso kong naghihimagsik (naks! Kakapanood to ng Grazilda eh. Lol) At katulad din ni Grazilda, ang aking puso gustong magtatalon sa aking dibdib! Nahanap ko na ba ang aking Prince Charming? 


Hanggang sa makalabas kami ng elevator hindi niya binitawan ang kamay ko. May employer at employee ba naghoholding hands? Inalis ko na lang ang pagkakahawak niya ng kamay ko nung nagiinit na ito dahil sa masamang tingin ni Yvette sa kamay naming dalawa. Wala akong planong ipasunog ang kamay ko sa nag aapoy na tingin ni Yvette.

Kumain na kami pagkatapos at medyo dumadami na din ang tao. Buhay ang Bora pag gabi. Nagyaya si Yvette na magnightswimming kami at pumayag naman itong si Oca. Uto uto nga di ba? Wala akong nagawa. Kliyente namin siya, empleyado lang ako. Goodbye tulog. 

Kahit wala akong planong maligo sa gabi dahil sa lamig, nagbihis pa din ako ng 2-piece swimsuit pero pinatungan ko lang ito ng short at t-shirt. Conservative pa din ako kahit papano. Pero nagsisi ako na pinatungan ko pa ng t-shirt at short ang 2-piece ko nung Makita kong naglalaway si Oca kay Yvette na parang wala nang damit. Gustong gusto kung maghubad sa oras na yun pero magiging masyadong obvious na nagseselos ako.

Naglakad na kami papuntang dagat. Nasa likod ako nina Oca at ni Yvette. Kita mo! Kani kanina lang nilalandi ako ni Oca pero nakakita lang ng flesh ayun hindi na ako pinansin kesyo nakashort at t-shirt ako. Gustong gusto ko nang ilublob si Oca sa buhangin para lunurin. Gigil na gigil ako. At dahil sa gigil ko tumakbo ako at nauna ako sa kanila. At nung makakita ako nung bato. Binuhat ko to at pinukpok ang ulo ni Yvette. Joke lang.   Hinubad ko ang t-shirt at short ko at nilagay sa bato at dumiretso sa dagat. Weeeeeeeeee!!! 

Nung mapagod ako umahon ako at nilatag ang towel ko sa sand at nag moonbathing. . Nakakaidlip na ako nung naramdaman kong biglang may nagtakip ng towel sa katawan ko. I opened my eyes and I saw Oca. Nakatrunks. Naglaway ako! . Umupo siya sa tabi  ko.

“Don’t you dare wear that flimsy thing again.” Huh? And don’t you think masyado nang gabi para magbilad? I ignore him. Bahala siya sa buhay niya.

“Joanne! Nakikinig ka ba sa akin?” Tiningnan ko lang siya at tinaasan ng kilay.

“Sabi ko wag ka na magsuot ng ganyan!”

“Bakit bawal ako magsuot ng ganito? At bakit ka andito? Bakit hindi mo inaatupag yung kliyente mo?” Bitter ba?

“So nagseselos ka na sa lagay na yan?”

“At bakit naman ako magseselos?” Hmp!

“Kahit kailan talaga ang ilap mo!” Sabay akbay sa akin at gulo ng buhok ko. Andyan na naman ang mabilis na tibok ng puso ko! This can’t be happening to me!

“Joanne Phoebe Zamora? Is that you? And what are you doing here?” Napatingin kaming dalawa ni Oca sa nagsalita. Oh my God! This can’t be happening!

“Johann!” Napatayo ako bigla. Now I’m dead. I’m really dead.

“Who is he?” Sabi nung Johann na nanlilisik ang mata at tinuturo si Oca. Kung may tao akong kinatatakutan sa buong mundo, walang iba kundi si Johann. Si Johann Phoebus Zamora. My elder brother and twin of Jeannie Paolo. Kung anong cool ni Jeannie Paolo opposite niya si Johann. He is the serious type. Basta opposite sila kahit na magkamukhang magkamukha sila.

“JC pare, JC Cariño.” Sabay lahad ng kamay niya. Nagshakehands sila. Nagsukatan ng tingin. Nagpaangasan.

“Boyfriend niya.”

“Boss ko.” Nagkasabay pa kami. Tumaas ang kilay ni Johann. Ugh!

“Boss ko siya!” Why can’t Oca cooperate? Just this once?

Tiningnan ako ni Johann tapos tiningnan niya si Oca mula ulo hanggang paa. “Joanne Phoebe, Go home.” He said emphasizing every word.

“Teka lang…”

“Don’t you dare interfere!”

“Aba’t…” I stopped Oca before he could say anything.

“Johann,” Tinangnan niya ako ng masama.  “Kuya, matanda na ako.” See, kung gaano ako katakot sa kanya? I can't call him Johann, in his face.

“I know. I know that you are old and mature enough. And its high time that you face your responsibility. Stop being a spoiled brat. If Paolo tolerated your whims, ibahin mo ako Phoebe!” Tumaas na ang boses niya.

“I won’t go home!” I said half crying. Kaya ayaw kong magkita kami eh. Pipilitin lang niya ako.

“You know that I can. Don’t make me drag you back home. No me atrevo.” And with that , he left. Napaupo ako sa buhangin nung umalis siya. Nanlumo ako.

“Yung Paolo…at yung lalaking yun? Kapatid mo sila? Huh! Akala ko pa naman...Bakit ka niya pinapauwi? Naglayas ka? Stow away?”

“Pwede ba Oca? Iwan mo muna ako! Pwede bang hayaan mo na muna ako? Pwedeng wag ka munang makigulo? Magulo na nga ang isip ko ginugulo mo pa lalo!”

“Bakit ba magulo ang isip mo! At bakit ka pinapauwi ng kuya mo?”

“Iwan mo muna kasi ako! Hayaan mo muna ako. Pwede?”

“Ayoko nga! Ayokong maghintay ulit ng walong taon.”

“Ano?”

“Wala. Tara. IInom natin yan!” At hinatak niya ako  papuntang hotel.

Wanted:Babymaker reposted (Sana di maprivate)Where stories live. Discover now