Chapter Fifty-One - Card

34.1K 519 60
                                    

For a digital copy of the book, check the following:

https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ

https://www.smashwords.com/books/view/509824

If you want a printed book, please message Gret San Diego on FB. This is also available on Shopee and Lazada.

**********************************

Naantig ang aking damdamin nang mag-abala pang magsagawa ng maikling programa ang base school ko para makapagpaalam ang mga bata at ang mga guro na nakasama ko sa isang taon. Hindi ko napigilan ang mapaiyak nang isa-isang nagbigay ng mensahe ang mga grade six at grade five students. Sa paputul-putol na English, pinabatid nila sa akin na gusto nila akong pigilan sa pag-alis. Pero sa isang banda, gusto rin nila akong lumigaya kaya kahit na nalulungkot sila na aalis na ako, gusto nilang malaman ko na masaya sila para sa akin. Sana raw ay hindi ako makalimot na bumisita uli sa kanila. Pagkatapos nilang magbigay ng mensahe, isa-isang nag-abot sa akin ng card ang mga bata. Ayon sa kanilang homeroom teachers ang iba daw sa kanila ay nagpuyat pang gumawa ng personalized card para sa akin. Natuwa naman ako.

Nang matapos ang pagbibigay-pugay nila sa akin, binigyan ako ni Kyōtō-sensei (vice-principal) ng isang buoquet of flowers. Maluha-liuha kong tinanggap yon at pumunta sa harapan. Ako naman ngayon ang nagbigay ng maikling speech para sa lahat.

"First of all, I would like to thank Kōchō- (principal) and Kyōtō-sensei for all their generosity and kindness. I wouldn't stay this long in this school if not for their never-ending support." Humarap ako sa dalawa at yumuko. Pagkatapos, hinarap ko din ang English tantou (English Department Head) at nagpasalamat din sa kanya. Binanggit ko rin ang iba pang guro at pinasalamatan din sila. Nang matapos kong bigyan-pugay ang mga teachers and staff, saka ko lang hinarap ang mga bata.

May bumara sa aking lalamunan nang makitang nagpapahid ng luha ang iba sa kanila. Nakita ko pang may umiyak na batang grade two. Naalala kong ito ang nagsabi sa akin noong nakaraang buwan na excited na siyang mag-grade three dahil may English lesson na daw sila. Hindi na daw siya makapaghintay na maging guro niya ako. Sa kanila kasi ako sumabay mag-lunch noong araw na yon. Ganun kasi sa base school ko. Kada araw may naka-assign na klase na sasabayan kong mag-lunch.

Nabigla ito nang banggitin ko ang pangalan niya at humingi ng dispensa. Natigil sa pag-iyak at napatingin sa stage. Parang confused ang bata. Nilapitan siya ng homeroom teacher niya.

"Aya-chan, I'm sorry, I cannot be your teacher next year. But I am sure that whoever will be assigned to your school, she will be just as good or even better," at ngumiti ako sa kanya. Nakita kong binulungan ng homeroom teacher niya ang bata. Tinranslate siguro ang sinabi ko. Tumahan na ang bata at tumangu-tango habang nakatingin sa akin.

Nang bumaba ako ng stage, tumakbo siya at yumakap sa akin. Natawa ang kanyang homeroom teacher. Paborito daw kasi ako ng dalawa niyang ate kaya looking forward daw sana siyang maging guro din niya ako. Ginulo ko ang kanyang buhok.

Pagdating namin sa faculty room, may nakahanda nang meryenda. Nang makapasok na kaming mga guro, tumayo si Kōchō-sensei at nagsalita. Wala akong naintindihan. Siguro nagpasalamat na naman. Pinatayo nila ako sa gitna para tanggapin ang thank you card mula sa bawat guro at staff. Naiyak na naman ako. Di ko sukat akalain na sobra nila akong na-appreciate. Saka lang kami kumain nang matapos na ang bigayan ng card.

Dahil karamihan sa hinain ay sushi at sashimi, nagkasya na lang ako sa dessert. At least yon, gusto ko. Mahilig kasi ako sa chocolate cake.

THE JILTED BRIDE (ALEX AND BRIAN'S STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon