Chapter Eighteen - Message

42.7K 675 46
                                    

For a digital copy of the book, check the following:

https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ

https://www.smashwords.com/books/view/509824

*********************************

Hindi na ako bumaba nang gabing yon para magdinner. Medyo mahirap kasing maglakad. Pero nag-subside ang swelling ng paa ko dahil sa ice pack na nilagay ni Brian doon. Laking pasasalamat ko sa tulong niya. 

Dahil hindi nga ako bumaba, dinalhan na lang ako ni Rhea nang pagkain. Pagkahatid ay bumaba naman ito para makipaghuntahan sa iba pang IET. Kampante naman siyang iwan ako kasi pagkatapos ng dinner, binisita ako ng mga kaibigan ko. Nauna si Macky. Hindi naman siya nagtagal. Nangumusta lang. Naintindihan ko naman kung bakit. Palagay ko, nagmamadali itong bumalik sa tabi ng girlfriend, ang Haponesang guro na kasama rin namin sa English Camp. Sumunod na bumisita ay sina David at Ricardo. 

"What's the real score between you and Brian?" panunudyo ni Ricardo agad. 

Kumunot ang noo ko. Anong real score?Ni wala ngang score e!

"Yeah. My God, he was so mad at Liam. If looks could kill, Liam would have died already," natatawang sabi naman ni David.

"Nothing. I think he was just concerned," sagot ko naman. Kunwari'y di apektado.

"Concerned? We should have been more concerned than him because we are your friends," sabat naman ni Ricardo.

"Yeah, and why didn't you guys come to my rescue then?" balik tanong ko naman sa kanila. More concern pala, ha.

"Because he was as fast as the speed of light and before anybody could react he was there with you. He was all over you. We wanted to help but he gave us the impression that he was the one in charge with you," pangangatwiran naman ni David na sinang-ayunan ni Ricardo. Itong dalawang to pinagtutulungan ako. Pero deep down ay kinikilig ako. Sana totoo.

"Really?" tanong ko sa tonong walang epekto sa akin ang mga sinabi nila. Pero sa kaloob-looban ko, nagtititili ang maharot kong puso. Sana nga ganun ka-concerned si Brian na lahat ng tao nakakapuna. Dahil ang ibig sabihin nun hindi ako nananaginip lang.

Mayamaya, napatingin kaming tatlo sa pintuan. May kumatok. Siguradong hindi si Rhea dahil hindi yon kakatok. Yon pa. Dahil di naman naka-lock ang pinto, bumukas ito. Sumilip ang kanina pa tampok ng aming usapan.

Nagtinginan nang makahulugan ang dalawa kong kaibigan. Tsaka kinindatan ako. Sinimangutan ko sila. Lalo pa nang sila'y magpaalam na sa akin.

"Hey, I thought you guys are staying for a while," protesta ko. Pero kunwari lang. Siyempre, gusto ko rin namang mapagsolo kami ni Brian.

"Well, you have company now, darling. David and I still have a lot of things to do. Be good, okay?" nakatawang pamamaalam ni Ricardo. 

"See you tomorrow, Alex," si David naman.

Binati nila si Brian tsaka lumabas.

Hinayaan ni Brian na bukas ang pinto. Nilapitan niya ako.

"Sorry to drive your friends away. Just came to check on you," sabi nito. Naramdaman kong medyo naasiwa din ito sa akin. Iniisip siguro na nainis ako dahil umalis ang mga kaibigan ko bigla nang dumating siya. Hindi niya alam na gusto ko ring dalawa na lang kami sa kuwarto.

"It's okay," tanging nasabi ko.

"How do you feel now? Are you still in pain?" tanong nito at naupo sa bandang paanan ko. Itinaas ko ang aking tuhod para mailayo sa kanya ang paa kong may sprain. Gusto ko ring magkaroon siya ng espasyo. Parang nakukuryente kasi ako kapag nasasagi ang ano mang bahagi ng katawan niya.

THE JILTED BRIDE (ALEX AND BRIAN'S STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon