Chapter Twenty Seven - Unexpected

40.5K 663 14
                                    

For a digital copy of the book, check the following:

https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ

https://www.smashwords.com/books/view/509824

[September 9-15, 2021]: The printed copy is available on Shopee and Lazada. You may also message GRET SAN DIEGO on FB if you want to avail of the discounted rate. From the original price of Php360 bale Php280 plus SF na lang ito ngayon. J&T ang courier namin kaya mura lang ang SF.

**************************

Nakahain na ang almusal pagkagising ko nang umagang yon. Nakaalis na sina Tita at Tito. Maaga kasi ang pasok nila sa kani-kanilang upisina. Kaya tanging si Papa at Yaya lang ang nakasalo ko sa almusal.

Shocked ako nang pagkaupo ko ay tanungin agad ako ni Papa kung kelan babalik si Brian. Ba't hindi ko na lang daw sinabihan na sa amin na tumuloy? Total naman ay iilang araw lang naman daw siya dito sa Cebu. Dapat nga daw ipasyal ko siya sa mga scenic spots sa aming lugar nang masiyahan naman kahit papano.

Nagkatinginan kami ni Yaya Merced. Maging si Yaya ay di makapaniwala. Si Papa ba talaga itong nagsasalita? Sa pagkakaalala ko kasi ni ayaw nitong paligawan ako noon. Halos hindi nga makapanhik ng ligaw ang mga naging boyfriend ko. Lalung-lalo na si Anton dahil hindi niya ito gusto. Anong nakain nito't biglang naisipang patirahin pa sa amin kahit ilang araw lang si Brian?

"M-ma-mabait s-siya," tanging paliwanag nito.

Kung alam nyo lang ang ginawa sa akin ng kumag na yon nung unang araw ko sa Muromachi, babawiin nyo yang sinabi nyo. 

"Mma-maayos ss-siyang pp-pinalaki ng a-ama," patuloy pa ni Papa.

Nagkatinginan kami uli ni Yaya.

"Di wala pong problema, Ser kung hihingin ni Brayan ang kamay ni beybi?" biro ni Yaya.

Tumangu-tango nang mahina si Papa. Ang galing talagang mambola ng lalaking yon. Naawa tuloy ako sa aking ama. Baka mag-expect.

Dahil sa kinauwian ng usapan namin ng nagdaang gabi, feeling ko di na babalik pa ang mokong.  Naasar kasi ako na parang binibitin niya ako. Parang nanliligaw na parang hindi naman. Nagpaparamdam pero kapag nandun na, umaatras. Ayaw ko ng hindi black and white. Kung gusto niya ako, dapat niyang sabihin ng deretsahan. At hindi lang yon, dapat rin niyang sabihin kung may future ba kami o wala. Okay lang naman sana ang style niya kung hindi siya engaged. Pero dahil ikakasal na nga siya in about two weeks kailangan kong makasiguro na hindi niya ako gagawing pang-last adventure bago mag-settle down. Gusto ko lang naman ng may panghawakan.

Nagliligpit na kami ng pinagkainan nang may marinig kaming nagdo-doorbell. Nagkatinginan kami ni Yaya. Sino naman kaya ang bumibisita sa amin ng ganito ka aga?  Ni wala pa ngang alas dies. Napailing ako nang maisip si Brian. May lahi din kayang Intsik yon?

"Mukhang may bisita ka uli, beybi," at sinenyasan akong tingnan ko kung sino. Siya na daw bahala sa pinagkainan namin.

"Hi, Manang!" masiglang bati sa akin ni Kelly at nagbeso-beso pa kami.

"Maayong buntag (magandang umaga), iha," nakangiting bati naman ni Tita Alicia.  "Sorry. Yan lang ang alam kong Cebuano," at tumawa pa ito.

Kung si Brian siguro ang nakita ko, hindi ako masa-shocked. Pero ang mapagbuksan ko ang mom niya at younger sister, sobra akong nabigla. Hindi ko sila ini-expect.

"Sorry to appear on your doorstep unannounced," si Tita Alicia ulit. "Actually, pumunta na lang kami dito lahat dahil balak ni Brian na dito na magstay sa Cebu hanggang sa pagbalik nyo ng Okayama. Kaya imbes na mag-Boracay kami, dito na lang sa beach na malapit sa inyo."

THE JILTED BRIDE (ALEX AND BRIAN'S STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon