Chapter Thirty - One

41K 631 22
                                    

For a digital copy of the book, check the following:

https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ

https://www.smashwords.com/books/view/509824

**********

Sabi ko hindi na ako maniniwala sa kanya. Sabi ko to hell with just have faith... Sabi ko hindi totoong the heart sees what is invisible to the eye. Andami kong sinabi. Na nakalimutan ko rin naman nang kabigin niya ako't hagkan. Naging one-track-minded na ang utak ko. Nakapokus sa nakadeliryong emosyon na pinukaw niya. Habang pinapangko niya ako papunta sa aking silid, naisip ko, bahala na bukas. Saka na lang ako iiyak.

Maingat niya akong nilapag sa kama. Saka tinabihan at hinaplos-haplos ang aking pisngi. Without even thinking, binaling ko ang pisngi sa kanyang mga palad at dinampian iyon ng mumunting halik. Halos nakapikit ang aking mga mata. Nang ako'y dumilat nakita ko siyang titig na titig sa akin. Nag-aapoy ang asul niyang mga mata sa pagnanasa. Parang repleksyon ng sa akin. Nakita ko siyang ngumiti. At bumaba ang kanyang mukha para gawaran ako ng mumunting halik sa mga mata, sa ilong, sa pisngi at sa mga labi.

"I missed you. Oh God! I missed you," anas niya bago niya ako kinuyumos ng halik.

Napakapit ako sa kanyang leeg. At napaliyad nang maramdaman ang kanyang mga haplos sa maseselang bahagi ng aking katawan. Tila nababaliw ako.

Lumayo siya ng kaunti sa akin. Napaungol ako nang mahina. Nagpoprotesta. Napangiti naman siya. Ang akala ko'y titigil na siya pero naghubad lang pala ng t-shirt. Napasinghap ako nang makita ang makinis niyang dibdib. Hindi ko napigilan ang sariling haplusin yon. Ang tigas. Lalung-lalo na ang abs. Napangiti din ako nang maramdaman ang malakas na tibok ng kanyang puso. Parang ako din. Napatingin ako sa kanya nang hawakan niya ang kamay ko. Akala ko ayaw niyang ginaganun. Yon pala dinala lang ito sa kanyang mga labi. This time, kinubabawan na niya ako at hinalikan uli sa labi. Noong una marahan lang pero nang tumagal ay naging mapangahas na lalung-lalo na nang tinugon ko din ito nang ganun din kainit. Panay ang liyad ko at para akong baliw na di mapalagay dahil sa paglalakbay ng mga kamay niya sa maseselang bahagi ng aking katawan.

Mayamaya, naramdaman ko ang kamay niya sa puno ng aking t-shirt. Inangat niya sandali ang kanyang mukha at tinitigan ako na para bang humihingi ng permisong hubarin yon. Napatango ako. Wala siyang inaksayang sandali. Parang in a split second natanggal niya yon sa aking katawan. Siya naman ngayon ang napasinghap. Nakita ko pa ang panginginig ng kanyang kamay nang una itong damhin. At narinig ko siyang napamura nang mahina.

"Shit! You're so beautiful. Even more beautiful than I ever imagined."

Bumaba ang kanyang mukha sa aking dibdib at napaliyad ako nang maramdaman dun ang init ng kanyang hininga. Hindi ko napigilan ang sarili. Napaungol ako nang impit. At nasambit ko ang kanyang pangalan.

"Brian. Brian...Brian." Paulit-ulit lang. Para akong timang.

Napaliyad uli ako nang maramdaman ko dun ang init ng kanyang dila. At nawalan na ako ng ulirat nang madama kong kinulong niya ang isa sa mga labi. Daig niya pa ang sanggol na uhaw na uhaw sa gatas ng ina.

Parang may sarili ding pag-iisip ang aking mga kamay. Naglalakbay din sila sa kanyang katawan. Nang damhin ko ang kanyang pagkalalaki, parang lalo siyang nagwala. Binuksan ko ang butones ng kanyang maong jeans at hinuli niya ang aking kamay. Akala ko'y aalisin niya dun pero dinala lang pala niya sa loob. At diniin pa dun ang palad ko. Sa isang iglap, nahubad niya ang kanyang pantalon. Kaya natambad sa aking paningin ang simbolo ng kanyang nararamdaman sa mga oras na yon. Napakagat ako sa labi. Gosh, kaya ko kaya to? Hinaplos niya ako sa bahaging yon ng aking katawan. Binuksan niya ang butones ng shorts ko at pinasok dun ang kanyang kamay. Nakatingin pa siya sa akin sakaling magpoprotesta ako. Nang hindi ko yon ginawa, lalo siyang naging mapangahas. Hinubad niya nang tuluyan yon. Natambad sa kanyang paningin ang kulay rosas kong cotton panties. Napamura ako nang mahina. Shit talaga! Nahiya akong bigla dahil parang pang school girl ang undies ko. How I wish suot ko ang fancy panties na nakatago lang dun sa drawer.

THE JILTED BRIDE (ALEX AND BRIAN'S STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon