Chapter Fifteen - Kislap

41.5K 661 15
                                    

For a digital copy of the book, check the following:

https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ

https://www.smashwords.com/books/view/509824

******************************

Nalungkot kaming lahat nang malaman namin na aalis na sa Muromachi si James, ang tina-target sana ni Rhea. Babalik na raw ito sa Amerika dahil magpapakasal na sila ng nobyang nurse. 

"Hey, how are you holding up?" tanong ko dito nang masolo ko siya sa corner. Nakita ko nga na matamlay siya. Hindi gaya ng dati na tawa ng tawa. 

"I'm fine, sweetie," at ngumiti ito ng pilit sa akin. 

"Are you sure?" paniniguro ko. Inabutan ko siya ng drinks. Tinanggap naman ang binigay ko. Inisang tungga lang. 

"Hey, slowly," biro ko sa kanya at humagikhik ako para pagaanin ang sitwasyon. 

Napabuntong-hininga ito. "I guess, we're just not meant to be," sabi niya na may kabuntot na mapaklang tawa. Tapos ay inakbayan ako. "So do me a favor, will you? Move faster and steal that Brian guy from Maiko so that one of us will end up happy, okay?" at ngitian ako nang may kapilyahan. 

"You're crazy!" 

Mayamaya pa lumapit sa amin si Ricardo. Alam nito ang sekreto ni Rhea. Wala naman itong sinabi basta binigyan lang ng mahigpit na yakap ang huli. 

"You'll be fine, Rei," pampalubag-loob nito. 

"Of course, I will be," natatawang sagot ni Rhea. Tapos pabiro kaming pinagalitan. Parang tinatrato daw namin siyang bata. Tsaka, hindi naman daw niya boyfriend si James. Kaya okay lang. 

Inakbayan ni Ricardo si Rhea at naglakad-lakad sila. Hinayaan ko na lamang muna ang dalawa. Kailangan ni Rhea ng male support. 

Nang mag-isa na lang ako sa corner ay lumapit naman si Macky sa akin. Nagkuwentuhan kami tungkol sa mga estudyante namin hanggang sa napag-usapan namin si James at ang pag-alis nito. Medyo nalungkot nga daw siya dahil isa si James sa mga senior teachers na naging kaibigan niya. Kung ang isang tulad ni James na loyal sa programa ay makapag-isip na umalis na lang nang ganun-ganun lang, parang napapaisip din daw siyang maghanap na ng bagong trabaho. 

"Hey, don't say that," protesta ko. "Actually, when you come to think of it, this job is a lot better than other teaching jobs in this country. They offer better benefits and working condition." 

"Yeah, they do. Only that, this place is boring," at tumawa ito. 

"I love this place!" pagsalungat ko naman. Totoo naman. Tahimik, convenient ang buhay,mababait ang mga tao, at maalalahanin pa ang mga kapitbahay. Para lang akong nasa Pilipinas. 

"Yeah, because you're a country girl," biro nito sa akin. Pabiro ko siyang hinampas sa braso. Paglingon ko, nagtama ang paningin namin ni Brian. Awtomatikong napangiti ako sa kanya. Imbes na ngitian ako, umiwas ito ng tingin. Mukhang iritado. Ano na naman ang pinagsisintir nito? 

Nang naubos ang laman ng hawak-hawak kong plato, pumunta ako sa mesa kung saan nakahain ang mga pagkain. Kumuha ako ng sushi at sashimi. Sinamahan ko na rin ng karaage (fried chicken) at tempura. Pagtingin ko kay Macky, may kausap na itong Haponesa kaya hindi na ako bumalik doon. Nilapitan ako at kinalabit ni Rhea. 

"I saw how Brian looked at you when you were talking with Macky," bulong nito sa akin. Nakangiti. 

"I actually smiled at him when our eyes met but he just ignored me," natatawa kong sagot sa mahina ring boses. 

THE JILTED BRIDE (ALEX AND BRIAN'S STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon