Chapter Thirty-Four - Phone Call

37.9K 651 17
                                    

For a digital copy of the book, check the following:

https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ

https://www.smashwords.com/books/view/509824

************************

Kanina ko pa tinititigan ang text ni Brian pero hindi ako maka-decide kung sasama sa kanila sa Hiroshima. God knows how much I want to be with him, kaya lang natatakot ako.

Tumunog ang telepono. Si Brian. 

"Hey, baby. Are you getting ready now? We will drop by your place in an hour. Is that okay? Will you be ready by then?" 

Ano bang sasabihin ko? My gut-feeling tells me na huwag sumama. Pero ayaw ko naman siyang ma-disappoint. Baka isipin niya na ayaw kong maka-bonding ang kanyang ama. Kahit totoo yon ayaw ko ring mahalata niya. Nakita ko kasi kung gaano ka importante ang dad niya sa kanya.

"Babe, are you still there?" tanong ulit niya nang hindi ako sumagot agad. Tapos narinig ko ang boses ng dad niya na nagsabi ng, "Maybe she doesn't want to go." Sinabi nito sa malumanay na salita na parang walang malisya pero iba ang dating sa akin. Kaya kahit nag-aalangan, napa-'oo' ako sa imbitasyon.

"Sorry, I was trying to get ready," pagsisinungaling ko pa. "An hour is fine. I will be ready by then. Thanks for the invite."

"I'm glad to hear that. See you later then."

Ano ba naman ang sinabi ko? Nainis ako sa sarili sa di pagkakaroon ng kakayahang tumanggi kung ayaw. Hay, for the love of Brian.

Dali-dali akong naligo. Binilisan ko din ang pagpili ng maisusuot. Nag-denim shorts ako na tinernuhan ko ng sleeveless blue blouse na may kwelyo at de butones sa harap. Flat sandals na may maninipis na straps ang pinansapin ko sa paa. Hindi ko na ipinusod ang buhok. Okay naman tingnan. Naturally straight kasi kaya madaling ayusin.

Eksaktong makalipas ang isang oras, dumating sila sa apartment. Si Brian lang ang umakyat.

"Hey," bati nito. Pinasadahan ako ng tingin at hinila ako agad palapit sa kanya. Binigyan niya ako ng light kiss sa labi at hinagkan ako sa ulo. Sakto lang kasing umabot ako sa balikat niya kapag naka-flats kaya sa ulo ako lagi nahahagkan.

Magkaakbay kaming naglakad papunta sa kotse niya. Nakaupo sa harap ang kanyang dad. Nang makita kami, binuksan nito ang passenger's seat at lilipat sana sa likuran pero sinabi kong okay lang sa akin na ako sa back seat. Hindi naman siya nagpumilit. Bumalik na rin siya sa inuupuan kanina. Alam ko namang mas gusto niyang katabi ang anak. Hindi naman ako madamot.

Habang nakikinig ako sa usapan nilang mag-ama lalong napagtanto ko kung gaano nga ka-importante kay Brian ang dad niya. Nakakainggit. Growing up, hindi ako nagkaroon ng ganyang rapport kay Papa. Lagi kasi siyang busy dati. Katunayan, kung kelan nawala ang halos lahat sa amin, kung kelan siya nagkasakit, saka lang kami naging malapit sa isa't isa.

"Alex had been to York, Dad," kaswal na kuwento ni Brian sa ama. Nang marinig ko yon, bumalik sa kasalukuyan ang isipan ko. Naalala niya pa yon? Sinabi ko yon nung iniinterbyu nila ako. That was months ago!

"Really?" at nilingon ako ni Phil.

Tumango ako. "Yeah. But that was years ago. It was my Papa's graduation gift to me."

"Why York?" tanong uli ni Phil.

"I was into cathedrals when I was young. I loved how they were built and the history behind it. I was especially taken by the York Minster. I read a lot about it and I fell in love with its structure," paliwanag ko.

THE JILTED BRIDE (ALEX AND BRIAN'S STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon