Chapter Forty-Three - Facebook Status

37.4K 586 61
                                    

For a digital copy of the book, check the following:

https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ

https://www.smashwords.com/books/view/509824

**********************************

Marahil naging sobrang daring at gutsy si Mayu sa mga advances niya kay Brian dahil wala rin akong ginawa bilang girlfriend. Iniisip niya siguro na kaya niya akong patiklupin. Kailangan ko rin sigurong ipakita na ipaglalaban ko si Brian. Kaya napagdesisyunan kong kailangan ko itong makausap. Ang problema nga lang, wala akong cell phone number niya. Nahiya naman akong manghingi kay Brian. Baka kung ano pang isipin. Naisip ko si Rhea. 

"What are you up to, sweetie?" tanong agad ni Rhea. 

"I just want to talk to her," paliwanag ko. Mali ba ang gagawin ko? Pipigilan ba ako ni Rhea? 

"That's the best thing I've heard from you in a long time! I'm with you a hundred percent on that," eksaherada nitong sagot nang marinig ang plano ko. "But I don't have her number." 

Pambihira naman itong babaeng to. Nag-mega-react wala naman palang number.  

"But don't despair. That can be easily remedied. I'll ask her friends. I'm sure Liam and Andrew have her number. They often hang out together," sabi niya uli. 

Nagpaalam siya agad sa akin. After five minutes, tumawag siya uli. Meron na siyang number ng bruha. Courtesy of Liam.  

"Thanks, Rei. You're heaven-sent."

"You're welcome, sweetie. And good luck. Update me about it." 

Huminga ako nang malalim nang ilang beses bago ko pinindot ang mga numero ng cell phone niya. Naghintay ako ng eight rings bago ko narinig ang malamyos niyang boses. Ang arte naman. Sino kaya ang iniisip niyang tumawag? 

"H-Hello. This is Alex, Brian's girlfriend," pagpapakilala ko agad. Medyo may diin sa 'Brian's girlfriend.' Walang reaksyon. "There are some things I want to talk to you about," deretsahan kong sabi. Pilit kong pinapatatag ang boses kahit na medyo kabado. Hindi kasi ako likas na confrontational.  

Biglang tumahimik na parang naputol ang linya. Binabaan kaya ako ng telepono? 

"Hello? Are you still there?" paniniguro ko. 

"Yeah," sagot naman niya agad. Pero sinabi yon na parang nayayamot.

"Are you free this afternoon? Can we meet for coffee?" sunud-sunod kong tanong. 

"Warui kedo, jikan ga nai. (I'm sorry but I've got no time)," sagot niya na ikinakunot ng noo ko. Hindi ko kasi siya naintindihan. Ang alam ko lang jikan is time. 

"I'm sorry, but I don't understand," sagot ko. Hinintay kong iesplika niya sa akin sa English ang sinabi pero sa halip ay sinagot ako ng: 

"It's not my problem anymore," at binaba ang telepono. 

Biglang kumulo ang dugo ko. Sinusubukan talaga ako ng babaeng to! Tinawagan ko uli. Hindi na siya sumagot. Tinext ko siya at inulit ang paanyaya pero dinedma din ako. Exasperated and frustrated, initsa ko sa kama ang cell phone. 

Kinagabihan, nang magkita kami ni Brian sa Trattoria para mag-dinner, binanggit ko yon sa kanya. Baka maunahan pa ako ng bruha at kung anu-ano pang kuwento ang ihahabi niya sa nobyo ko. Mahirap na. Mabuti nang malaman ni Brian agad ang bersyon ko. 

"Yeah. She mentioned it to me," kaswal na sagot ni Brian sa akin habang hinihiwa niya for me ang steak na inorder ko. 

Napatanga ako. Naunahan na naman ako ng bruha? Nanggalaiti na naman ako sa galit. Pilit ko lang tinitimpi. Nabwisit din ako sa reaksyon ni Brian. Yong parang wala lang sa kanya ang lahat samantalang heto ako at parang sasabog na. 

THE JILTED BRIDE (ALEX AND BRIAN'S STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon