Chapter Eleven - Stealth Looks

44.4K 643 26
                                    

For a digital copy of the book, check the following:

https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ

https://www.smashwords.com/books/view/509824

The PRINTED COPY is available on Lazada and Shopee. Simply look for The Jilted Bride by Gretisbored.

***************************

Sinadya kong magpaiwan sa meeting room nang magbreak time na. Kinuha ko ang iPad sa bag at nagbukas ng email. Medyo kabado ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon pag nakita na nga sina Laurie at Anton. Sabi kasi ni Benz pinadalhan niya ako ng stolen pictures ng mga ito. Yan ay kung kaya ko na silang tingnan. Sabi ko naman, matagal na yon. Limot ko na siya. Iba na ang nagpapagulo sa isipan ko gabi-gabi.

Nang buksan ko ang email, yong galing kay Benz ang unang bumulaga sa akin. Awtomatikong nagrigodon ang puso ko. Parang may pagka-suspense pa kasi dahil ang tagal ma-download ng mga pictures. Ang unang tumambad sa akin ay ang nakatawang mukha ni Anton. Nakaramdam agad ako ng pagkamuhi. Pero natuwa naman ako na hindi na sumisirko ang puso ko sa kilig habang nakatingin sa maganda niyang mga mata. In fairness, kahit na apat na taon na ang nakaraan walang nabago sa hitsura niya. Guwapo pa rin.

Nang tuluyan nang iluwa ang kabuuan ng larawan, nakaramdam ako ng kalungkutan. Nakatunghay pala si Anton kay Laurie at sa batang babae na siguro'y mga tatlong taong gulang. Kumakagat ng chicken joy ang bata habang nakamasid ang masayang mga magulang. Hindi ko namalayan, pumatak na pala ang mga luha ko. This woman could have been me. This little girl could have been mine...

"Are you alright?" narinig kong tanong ng kung sino mang intruder sa likuran. Napaupo ako nang matuwid. At pinahiran ko ang mga luha sa pisngi. Nilingon ko ang nagsalita. Si Brian. Nakabalik na pala ito mula sa cafeteria.

Nakita kong sinulyapan niya ang larawan sa iPad ko. Naglog-out ako sa gmail account ko at pinatay na ang gadget. Tsaka binalik ko na ito sa bag.

"You missed your family," nasabi nito nang hindi pa rin ako sumasagot. Anong family ka dyan?

"No," iling ko. "They were not my family."

"You were crying over people who were not your family?" Parang naguguluhang tanong nito.

"It's a long story," sagot ko.

"Oh, I get it. Your former boyfriend? Did he get married while you are here?"

Sinulyapan ko ito. Hindi pa rin ba ito titigil sa kakapang-usisa? Kita naman niyang nag-e-emote ako dito, a. Napaka-insensitive.

"It's none of your business," sabi ko sabay tayo. Ayaw kong pag-usapan ang nakaraan ko. Si Benz lang ang pinapayagan kong mang-usisa tungkol doon.

Tumayo ako at nagtungo sa pintuan. Kailangan kong ayusin ang aking hitsura para hindi halatang galing ako sa pag-iyak. Mayamaya nang konti alam kong magsibalikan na ang mga kasamahan namin para ipagpatuloy ang meeting.

"If its any consolation, you're a lot better looking than the girl your former boyfriend married," pahabol na komento nito bago ako makalabas sa pintuan. Napatigil ako sa pagbukas ng pinto. Nilingon ko siya. Seryoso ang mukha nito. Mukhang sincere naman. Kahit papano gumaan ng konti ang aking pakiramdam.

Naghilamos ako ng mukha pagkapasok ko ng ladies' room. Tiningnan ko ang sarili. Maganda ba ako? Sinipat ko ang mukha sa salamin.

Ni sa panaginip hindi ko inisip na ipagpapalit ako ni Anton sa best friend kong si Laurie. Tingin ko kasi dati, mas hamak na maganda ako sa babaeng yon. Mas maputi lang siya. Hindi naman ako masasabing morena. Siguro kung dito sa Japan, oo. Medyo darker nga ako kung ikompara sa mga Haponesa. Pero kapag sa Pilipinas, mas maputi ako sa karaniwan. Hindi nga lang kasing puti ni Laurie. May lahing intsik yon e. Pero yon lang ang lamang niya sa akin.

THE JILTED BRIDE (ALEX AND BRIAN'S STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon