Chapter Twenty-One - Suite

42.2K 653 19
                                    

For a digital copy of the book, check the following:

https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ

https://www.smashwords.com/books/view/509824

**********************************************

Wala akong sinabihan bukod kay Rhea na sasamahan ko sa Pilipinas si Brian. Pero naamoy pa rin nila Ricardo at David ang dahilan ng ora-orada kong pag-uwi. Hindi ko pinansin ang panunukso nila. Pero siyempre sa kaibuturan ng aking puso iniisip ko na sana nga'y magdilang anghel silang dalawa. 

Dahil alas nuweba y medya nang umaga ang alis ng sasakyan naming eroplano papuntang Pilipinas, nagpasya kami ni Brian na mag-hotel na lang malapit sa Kansai Airport para hindi kami magahol sa oras. Nag-shinkansen (bullet train) kami papuntang Osaka at nag-JR Rapid Train na pagkatapos hanggang sa nasabing paliparan. Pagdating namin sa hotel, nag-check in kami kaagad.

Nakita ko na nakikipagdiskusyon si Brian sa receptionist. Hindi ko sila maintindihan dahil parehong nagja-Japanese pero halatang medyo naaasar si Brian sa babae. Kaya di ko naiwasang magtanong. 

"What's wrong?" Medyo nababahala na rin ako. 

Sumulyap lang sa akin ang mokong at hinarap uli ang babae. Naawa ako sa receptionist. Kasi hirap na hirap na itong magpaliwanag kay Brian. Mukha kasing uminit agad ang ulo ng huli. Pero after a few minutes, mukhang nagkasundo rin. Nakita kong tinanggap ni Brian ang card ng room namin. Teka, isang card lang?

"Where's my key?" tanong ko habang naglalakad kami papuntang elevator. Kabuntot namin ang bellboy na may dala ng mga bagahe namin.

Walang kibong tinaas ni Brian ang nag-iisang card.

"But that's your room card, right?" naguguluhan kong tanong. Tumango siya at pumasok na sa kabubukas na elevator. Sumunod ako sa kanya. Tapos ang bellboy.

"Then, where's mine?" pangungulit ko.

Hindi na naman siya sumagot. Sumulyap lang sa akin tapos tumingin sa harap. Pagbukas ng elevator, naunang lumabas ang bellboy. May sinabi dito si Brian at tumango naman ito. Nauna na ito sa aming dalawa. Mayamaya pa tumigil kami sa harap ng isang pintuan. Inislayd ni Brian ang card sa gilid ng doorknob at bumukas ito. Pinasok ng bellboy ang mga gamit namin sa loob tsaka umalis na rin.

Napasulyap ako sa isang malaking kama sa gitna ng kuwarto at napakunot-noo.

"Don't tell me we're going to share a room tonight?" tanong ko. 

"You've seen me argued with the receptionist, right? This is the reason why. I booked for two single rooms for tonight online and it went through. I don't know why they're giving us this suite for honeymooners," walang ka emo-emosyong sagot sa akin ni Brian. 

Kaya pala mainit agad ang ulo niya nang kinakausap kanina ang receptionist. Papano na kami ngayon? Nanay ko, ano po ang gagawin ko? Baka ako po ang hindi makapagpigil. Pinilig-pilig ko ang ulo. Ano bang pinag-iisip ko. 

"Don't worry," sabi sa akin ni Brian nang sumulyap uli ako sa nag-iisang kama sa kuwarto. 

"Are you sleeping on the couch?" tanong ko nang makita ang malapad na couch sa di kalayuan. Okay na rin itong tulugan. Kasya din si Brian doon. Siyempre, ako na sa kama no? Ako ang babae, dapat lang. 

"No way! I paid for this room so I will sleep on the bed," sabi nito agad.

"But I want to sleep on the bed, too!" himutok ko.

"No one's stopping you. It's a huge bed. It can even accomodate four people in it. So it's okay."

"With you on the bed?" tanong ko. Naiinis. 

THE JILTED BRIDE (ALEX AND BRIAN'S STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon