Chapter Forty-One - Red Box

37.6K 626 37
                                    

For a digital copy of the book, check the following:

https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ

https://www.smashwords.com/books/view/509824

********************************

Ilang beses ko nang pinindot ang receive new mail button baka sakaling nagloko lang ang mail notification function ng smartphone ko, pero consistent pa rin ang lumalabas sa screen - no new mail. Nag-aalala na ako. Nasaan na kaya si Brian? Ang alam ko, dapat kanina pa siya nakabalik from Kyoto. 

Pilit kong iwinawaksi sa isipan ang mga di magandang dahilan ng kanyang pagkakaantala. Pinapagalitan ko na ang sarili dahil kung anu-ano na ang naiisip ko. Mabuti na lang walang napabalitang vehicular accident ngayong araw dahil kung meron no'n, palagay ko kanina pa ako naihi sa nerbyos. 

Nang mag-alas dies y medya na, nagdesisyon na akong iligpit na ang mga hinain kong dinner namin. Palagay ko di na siya darating. Nakakapanlumo man pero anong magagawa ko? Alangan namang titigan ko buong magdamag ang Christmas cake. Tinakpan ko ang lasagna at binalik na sa ref ang cake. Nawalan na rin ako ng ganang kumain. 

Pumasok ako sa kuwarto at nahiga. Naalala ko noon, palpak din ang first Christmas namin as a couple ni Anton. Hindi siya nakarating sa amin sa Cebu dahil nakansela ang flight from Davao gawa ng bagyo. Kaya imbes na magsaya ako sa pasko dahil naging boyfriend ko ang lalaking mahal na mahal ko, para akong nagluksa. At naalala ko pa, lahat ng naging boyfriends ko na hindi ko nakasama sa first Christmas namin together, iniwan lang ako - pinaiyak ako. Kaya kinakabahan ako na baka gano'n din ang ending namin ni Brian. Dati, hindi naman ako mapamahiin. Pero nang sunud-sunod na nangyari yon sa akin, naniwala na ako na malas kapag you don't get to spend Christmas with the person you love. Malas sa relationship. Pero siyempre, sarili ko lang na paniniwala yan dahil hindi naman totoo para sa lahat.

Hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako. Kasi parang naalimpungatan ako nang tumunog nang sunud-sunod ang buzzer. Kinusut-kusot ko pa ang mga mata para mawala ang antok. Nang silipin ko sa monitor kung sino ang dumating, napasirko nang ilang beses ang puso ko. Si Brian! May hawak-hawak pa itong isang bucket ng Kentucky Fried Chicken. Nawala lahat ng galit ko at himutok sa kanya. Kaagad kong binuksan ang pintuan at niyakap siya nang mahigpit. He came.

"Hey," natatawang bati niya sa akin at niyakap din ako ng isang kamay. Nabigla ito sa sobrang init ng pagsalubong ko sa kanya. Buti na lang di niya natapon ang hawak-hawak na bucket ni General Sanders. Nang nalanghap ko ang bango ng KFC, bigla akong nagutom. Kaya pinapasok ko na siya. Tiningnan ko ang oras sa wall clock. Eleven fifty five. Umabot siya. Ang saya-saya ko.

Hindi ko siya sinumbatan. Nag-uumapaw ang kasiyahan sa puso ko. At least umabot siya sa curfew. Yon ang mahalaga.

"I'm sorry for coming late, babe. I never thought my interview would last for hours," kaswal na kuwento niya habang nilalapag ko sa mesa ang iba pang pagkain. "I actually called you several times. But your phone was busy."

Interview? Saan? Natigil ako sa ginagawa at napatingin sa kanya. Hindi na nga masyadong rumehistro sa isipan ang iba pa niyang sinabi. Sa salitang 'interview' ako natigilan.

"I actually went for a job interview in Kyoto. I thought it would only be for an hour but it went for more than three hours, including my demo teaching," pagpapaliwanag nito.

Kung gano'n, seryoso nga itong iwan na ang Muromachi. Nakakapanlumo. Ganunpaman, ayaw kong bigyan siya ng alalahanin dahil mukhang masaya. Baka malaki ang chance na makuha niya ang trabaho. Kaya imbes na maging malungkot sa narinig na balita, pinilit ko ang sariling maging masigla. Afterall, nakarating siya just in time for noche buena.

THE JILTED BRIDE (ALEX AND BRIAN'S STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon