Ch. 04

3.1K 24 1
                                    

Lunes nanaman at nakatunganga lang ako sa mesa ko dito sa opisina. Wala na kasi akong gagawin dahil natapos ko na last week pa. Ganito kasi ako pag sinipag. SIPAG talaga, tatapusin ko kahit ano yan. Pero pag tinatamad ako tulad ngayon ay TAMAD talaga ako.

Nakadukmo lang ako sa mesa ko. Wala akong balak tumayo dito ngayon. Sana lang ay walang iutos si Sir Leyn sa akin dahil jusko. Tinatamad talaga ako.

Pero kakasabi ko palang na tinatamad ako at ayoko gumalaw ni isang daliri ko ay biglang may kumatok sa pinto ng opisina ko. Tamad na tamad kong pinapasok ang kumatok at di ito tinignan.

“ Zanna? Are you okay?” Napaangat ako ng tingin nang narinig ang isa sa mga associate editor ng kumpanya. Kunot noo ko siyang tinignan at tamad na tumango, ayoko magsalita eh. Tinatamad talaga ako. Pinaningkitan ko lang siya ng mata at pinarating thru mental telepathy kung ano ang kailangan niya sa akin.

“a-ano. Mukhang masama pakiramdam mo ha? Pero kasi, ikaw daw kailangan eh.” Napakamot pa siya sa ulo niya. Tinitigan ko ng maigi si Karlo. Di ko alam kung anong era siya pinanganak at saang kulto niya nakuha ang sense of fashion niya. Green pants and Pink shirt with nerd glasses and spiky sneakers. Funky pakinggan pero iba ang dating sa personal.

Di siya bakla. Tuwid na tuwid siya kaso di ko alam kung ano ang problema ng fashion hormones niya.

Itinaas ko ang kamay ko signaling him to wait for a minute, ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata at sumandal sa aking swivel chair, pinapakiusapan ko ang aking kasipagan na makipagkita muna sa akin ngayon. Pinakamamahal kong kasipagan, kailangan kita ngayon. Wake up ... for a while? ples?

Nagmulat ako at napakunot ang noo ng makita kong nakatitig sa akin si Karlo. Napakunot naman ang noo ko at tumayo sa aking upuan at unti unting lumipat sa harap ng mesa ko pero nakatitig pa din siya. Anong problema ng isang 'to? exorcist ba? biglang sinaniban ng ligaw na kaluluwa? Agad naman akong kinilabutan sa napiling teorya ng aking nagmamagandang pagkatao. Just then, I snapped my fingers in front of him, at nanlalaki ang mata niyang tumingin sa akin at napaatras ng konti.

“K-kanina ka pa ba nandiyan?” may tunog ng niyerbos sa kaniyang boses pero nagkibit balikat lang ako habang pinaniningkitan siya ng mata. Ano ba talaga ang problema nito? Napatingin ako sa relo ko, malapit na mag-lunch break. Ah, baka gutom. Tama, gutom lang 'to.

Humalukipkip naman ako at sumandal sa aking mesa habang tinititigan siya. Wala. Trip ko lang na titigan siya. Actually, I’m finding a way para mailigtas sa kalugmukan ang fashion ng lalaking ‘to. Tama naman ang iniisip ko eh, bilang isang employee ng isang fashion magazine, aba! dapat una na sa listahan namin ang maging huwarang fashionista diba? Tumango-tango naman ang kunsensya ko sa akin, mukhang nagkakasundo kami ngayon. Well,  gwapo naman tong si Karlo eh, kaso hindi alam kung nasaan ang tuwid na daan.

Nakita ko siyang napalunok at nag-iwas ng tingin, tinaasan ko naman siya ng kilay. Teka? Bakit nga ba nandito to?

“what brought you here again?” Saka lang bumalik ang tingin niya sa akin pero umiwas ulit siya. May mali ba sa itsura ko? Kinapa ko ang mata ko baka may muta ako kaso wala naman, sumilip ako sa bintanang kita ang reflection ko kaso ganun pa din naman maganda pa din naman ako. Ano kayang problema nito?

Novelist's RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon