Ch. 17

2.2K 24 1
                                    

“I am so excited for this issue! Tignan mo oh, the models look great on my clothes, I can’t wait for the actual runway!!!” Tuwang tuwang si Andrea habang sabay naming pinapanuod ang mga models sa kanilang pictorial, magagaling nga sila, totoo. Pero wala rito ang isip ko.

Lumingon ako sa isang malawak na table na nasa ilalim ng isang malaking puno, naroon ang mag lolong Montefuego, they are watching the shoot. At nakita ko ang papalapit na bulto ni Aaron sa amin.

“Zanna, drinks?” sabay abot nito ng isang baso ng mango shake sa akin at kay Andrea

“salamat.”

“good job!” puri nito.

“I know cous! I am so great you know?”

“hindi din, kung wala si Zanna, imposible mo rin magawa ito.” I gazed at him and he smiling fondly at me, I smiled back.

 

“no. scratch that, you really like my cousin.”

Tinitigan ko lang si Azer, hindi ko rin naman kasi alam ang tamang isagot sa pahayag nito, tulad kanina na ako mismo ay naguguluhan sa damdamin ko ay mas pinagulo lamang nito.

 

“I see. You’re confused.” Oo. Ako? May gusto kay… kay.

 

Maya’t maya ay sumilay ang isang ngiti na kay Azer ko lang nakikita, ngiting mukhang may alam na wala kahit sino man ang may-alam. Hindi ko inasahan ang bigla nitong paglapit sa akin mas lalo na ang mga bagay na kaniyang ibinulong.

 

 

“Zanna? Ok ka lang ba? Kanina ka pa tulala.” Hindi ko napigilan ang mapangiti sa himig ni Aaron, nabigla ako ng bigla nalanag niyang inilagay ang kaniyang kamay sa aking noo.

“a-ano Ron, okay lang talaga ako.”

“oh eh bakit tulala ka?”

“wala, nag-iisip lang.”

“ano naman ang iniisip mo?”

“a-ah? A-ano …” hala naman, ano ba? “ano, bagong plot ng nobela.”

“ahh, oo nga! I forgot you’re one of the top writer’s in town.”

“naku nambola ka pa! hindi naman!”

“asus. Totoo kaya. Why don’t you right a story about someone as handsome as me.” He said as he winked at me. I rolled my eyes at him.

“tsk tsk. Too mainstream, maraming MAS pogi sayo!” pang-aasar ko.

“asa! Ako na kaya ang pinakagwapo sa lahat.”

“eh sino nanaman ang nagsabi? Mama mo.” Natatawa na ako.

“ahh ganun ha!”

Novelist's RomanceWhere stories live. Discover now