Ch. 29

2K 18 2
                                    

CHAPTER TWENTY NINE

Damei-god

 

KISS. Kailangan kong linawagin kung ano nga ba ang konsepto ng kiss o para saan nga ba ang kiss. Kung titignan natin ito sa kultura natin, isa itong intimate action na ginagawa lamang para sa mga malalapit sa puso natin or sa mas malinaw na definition, para sa pinakamamahal natin. Pero diba? Hindi naman siguro tayo ganun katanga para hindi malaman na masyado nang diversed ang kultura natin. Siguro nagtungo ang isang ito ng France kaya as a sign of being friendly or greeting iyon para kay Aaron o di kaya’y sa US na para wala lang talaga sakaniya talaga ang mga iyon. Kumbaga normal.

 

Oo tama, normal lang iyon para kay Aaron. Wag ko dapat bigyan ng malisya. Para rin lang yan sa walang kaabog-abog na pagkuha ng pinsan niya sa … sa. Aynako anak ng lahat ng may anak! Eto nalang ba ang kalalabasan ng lahat? Pilit nga akong lumayo sa isang iyon tapos siya at ang ginawa naming picnic lang rin naman ang naaalala ko! naman eh.

After ng movie ay nag-aya na akong umalis. Alas syete na rin kasi ng gabi. At din a pala ako pumasok ng opisina. Ayoko ngang pumasok, baka mamaya bigla nanaman akong manghina at may ibang pasukan na mangyari. AHHHH, shems, ganito ba talaga? pagkatapos mangyari iyon ay napapalitan agad ang kulay ng dugo? Ang dugo kong namumukadkad ang pagkapusyaw ay napapalitan na ng berde. Hay.

 Habang ako ay patuloy na nagtatalo ang isip kung ano na nga ba talaga ang status ng mentalidad ko ay tahimik namang nagmaneho si Aaron palabas ng mall. After ng kiss na iyon ay natahimik kami pareho. Sino nga ba naman kasi ang hindi ma aawkwardan dun?

Simula nang pumasok kami ng mall di ko na namalayan ang phone ko. agad ko itong kinuha at nanlaki ang mga mata ko. May 248 missed calls ako. OHMYGOD. TWO HUNDRED FORTY EIGHT MISSED CALLS? SERIOUSLY?

Tinignan ko agad kung sino ang mga ito. Ang 210 ay kay CEO Andrei Montefuego samantalang ang 20 ay kay Andrea Montefuego may  8 na galing kay Paolin at may ilan kay Sir Leyn, Alen, Azer at sa mga kaopisina ko. Napalunok ako. grabe, ganun ba ako ka in demand o missing in action ngayong araw?

di naman masyadong clingly ang mga Montefuego ano? Tinignan ko ang mga message, pareparehong tao rin lang tulad ng mga tumawag, pero ilan ang kumuha ng atensyon ko.

PAOLIN:

  Saan ka nanaman? Masarap yung tapa!

 Uuwi ka pa ba? Ubusin ko na to!

 

Napalunok ako, oo nga pala yung tapa! may peyborit. Naman eh.

ANDREA:

  Where in hell are you? Kinidnap kananaman ba ni Aaron?

 Anyway, ayaw mo sumagot sa calls pero gimik tayo tonight!

Um-oo na si Paolin. Need girlfriends!

 

ANDREI

  You’re with him.

 

Napalunok nanaman ako. Okay, may gimik ngayon. Kailangan puntahan, kahit ayaw ko ay paniguradong hahatakin ako ng mga iyon. and then, Andrei.

Novelist's RomanceWhere stories live. Discover now