Ch. 14

2.9K 22 0
                                    

 

After nang makapagdamdamin walk out ni Andrei ay hindi na niya ako kinausap. Natapos na akong maghugas ng pinggan, mag-ayos, mag toothbrush at kung ano ano pa pero wala akong naririnig mula sakaniya.

Nandito ako sa sala, nanunuod ng tv. Ano nga ba tong pinapanood ko? Hollywood series eh. About sa mga tsismis na kumakalat mula sa hottest and richest kids ng Manhattan. Mga bata talaga ngayon, di nalang magsikap para makapagtapos ng pag-aaral.

Habang pilit kong iniintindi ang matitigas na ingles ng mga characters ay hindi ko naman maiwasan mapatingin sa lalaking nasa kalapit ko lang. Nasa mahabang sofa kami pero nasa magkabilang dulo. Ako yakap ang unan siya kaharap ang laptop at ilang papeles. Ako ang naiistress sa itsura niya.

Focus na focus siya sa ginagawa niya. Para bang isa lang ako sa mga palamuti ng bahay niya. Swerte tong bahay na ‘to may palamuting dyosa. Umayos ako ng upo. Nag Indian seat ako sa sofa at humalukipkip. Kung ayaw niya akong kausapin edi wag. Magpapaantok nalang ako.

In the first place. Ano na nga ba ulit ang ginagawa ko dito?

Ahh. Hindi niya ako hinatid sa bahay namin at para akong preso na may cuffs – a human demigoid cuff na ayaw akong pakawalan. Tapos ngayon? Ano? Dinededma ako. Magaling!

Nang masiyado na akong nadadala sa pinapanood ko. Ohmigosh, nagpakasal yung maldita sa prinsipe ngayon hindi naman pala siya mahal, iiyak iyak tatakbo sa ex ng bestfriend niya. Tsk. Pinapakumplikado niyo ang mga bagay. Kung sana ay nag stick sa first choice at hindi na pinalala ang iisipin edi happy ending sana kayo!  Haynako. Sana lang ay naririnig ng mga characters ang naghuhumerentado kong opinion.

“tsk.” Napatingin naman ako kay Andrei na inilapag ang laptop sa mesa at ilang nakabuklat na folders naman ang hawak. Nangunot ang noo ko. Laki ng problema nang isang ‘to. walang wala ang problema ko tungkol sa lovelife nitong mga pinapanood ko.

“huy. Okay ka lang?” I carefully asked. Tumingin siya sa akin pero pumikit din agad at isinandal ang ulo sa headrest ng sofa. Pagod na siya. Nakakaawa naman ang isang ‘to.

Dahan-dahan akong tumayo at lumakad sa likod ng sofa kung saan siya parteng nakaupo. Unti-unti kong inilapat ang aking kamay sa kaniyang noo at minasahe ito.

Naramdaman kong nanigas siya sa kaniyang kinaroroonan, nanlalaki ang kaniyang mga mata making me think that it was a surprised gesture kasi hindi niya inaasahan na gagawin ko ito. Pati ako hindi ko ito inaasahan.

“uhh. Nabasa ko ‘to somewhere. Effective daw.” I said and I continued massaging his temple. I heard him moan dahil sa ginhawa na ginagawa ko. Seriously, ang kawang gawa kong ito ay dapat talagang ipagmalaki ng Presidente ng Pilipinas.

“come here.” Sabi niya matapos ng ilang minute kong pagmasahe sa kaniyang ulo. He reached for my hands guiding me to where he was sitting. He pulled me making me taken aback at nalaglag nanaman ako sa kandungan niya.

“t-teka Drei.” Tatayo n asana ako pero iniyakap niya ang mga kamay niya sa akin at ipinagpatuloy ang pagbabasa.

Novelist's RomanceWhere stories live. Discover now