Ch. 30

1.9K 27 0
                                    

CHAPTER THIRTY

Actions speak louder than … shouted words

 

Pagpasok sa BarLoft ay bumungad na sa amin ang neon lights na malilikot na sumasayaw sa isang sikat na techno music, puno ito ng mga nagsasayawan, halakhakan, inuman at kung ano-ano pang tipikal na nagaganap sa loob ng isang bar. Kahit na madilim ay pinilit kong sundan kung ang tinutungo nila Andrea. Mahirap na, medyo may kalakihan ang bar na ito at ayokong mawala sa dagat ng mga tao. Maraming nagsasayaw sa gitna. Ang iba ay napansin ang pagdaan namin at nakilala si Andrea at Damon kaya hindi pa rin matapos tapos ang batian ng mga ito, ang iba rin ay napapansin kong napapansin na rin ang kagandahan namin ni Paolin, well, I can’t blame them for that.

Maya’t maya ay tumigil si Damon sa harap ng isang mesa na kinalulugaran ng sa tingin ko ay apat na lalaki at dalawang babae, nagbatian ang mga kalalakihan at sa tingin ko ay yung dalawang babae ay mga naharot lang nung dalawang katabi nilang kaibigan ni Damon dahil hindi man lang tumingin ang mga ito sa pagdating namin.

“sorry about that.” iling ni Damon pero nakangisi dahil sa ginagawa ng mga kaibigan. Mukhang delikado kami sa mga ito ah? Hinde. di naman ako iinom ngayon eh. Ako ang magiging gwardya sibil ng dalawang ito. Ayokong matulad sila sa akin!

GULP. On the second thought, mukhang kakailangan ko nga ata ng maiinom.

Tinapik ni Damon ang dalawang lalaking nakangiti na nakatingin sa amin at pinakilala kami. Si Marco yung chinito na may dimples at si Oliver yung isang medyo Moreno na fresh looking. Nakipagkamay kami sakanila at mukha naman silang okay. Medyo seryoso si Marco at boy-next-door ang dating nitong si Oliver.

Pinaupo nila kami sa may table nila na agad din naming tinanggap. Si Paolin ay tahimik pa rin at alam kong namumula nanaman ito ng bongga kasi sinadya ni Damon na sakaniya tumabi. Medyo naaasiwa nga ako kasi sa harap ko pa talaga nakikipag make out yung dalawa pa nilang kasama na wala pa rin atang balak na pansinin kami. Pero like I care, ayoko din naman. Nakakatakot sila, mukhang walang pinapalampas basta nakapalda, buti nakapants ako. Napag-alaman kong si Kurt yung lalaking nakikipagchorvahan kay ateng na naka red dress at si Ivan yung sa kay ateng na naka pink dress.

Mukhang naasiwa din si Paolin at medyo naiinis si Andrea kahit ineentertain na kami ni Marco at Oliver kaya naman tinapik ni Damon ang isa sa mga lalaking mukhang nag-uumapaw ang libido sa katawan.

“Dude! pang-ilan mo na yan? hinay-hinay!” halakhak ni Damon sa nakikipag MOMOL na kaibigan niyang si Kurt. Tinabig lang nung lalaki ang kamay ni Damon at ipinagpatuloy ang pakikipaghalikan dun sa babaeng may harlot red na tapis. Mukhang  tapis kasi sa sobrang ikli.

Andrea looked at us and I can see a grim line over her mouth. Mukhang kilala rin niya yung lalaki. Nagulat nga ako ng lumapit siya rito at pinikot ang tenga at hinila patayo na ikinabigla nito.

“FUCK! what the hell!!” handa na sanang hambalusin ni Kurt ang tumigil sa kaniyang panghaharot nang nakita ang nakasimangot na mukha ni Andrea na nakahalukipkip sa harap niya. Nagtawanan naman sila Damon, Marco, Oliver at napaangat na rin ang tingin ni Ivan. Nakita ko ang pagkakalaglag ng panga ni Kurt pagka kita kay Andrea.

Novelist's RomanceOù les histoires vivent. Découvrez maintenant