Ch. 01

8.4K 50 1
                                    

Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Samuel. Hawak lang niya ang kamay ko at marahan akong hinahatak sa isang direksyong hindi ko alam kung saan patungo. Ilang beses ko na siyang tinanong pero isang matipid na 'basta' o di kaya'y nakakalokong ngiti lang ang isasagot niya sa akin hanggang sa hindi naglaon ay nasagot na ang lahat ng aking katanungan.

"Naalala mo ba ang puno na iyan?" Napangiti ako sa aking nakikita, it was the same old mango tree we used to play at. Naroon pa din ang tree house na ginawa ng kaniyang ama para sa amin, it was still the same like the last time I saw it. 

"salamat sa pagdala sa akin dito" aking batid na may ngiti sa aking mga labi ng lumingon ako sa aking likuran kung saan naroon ito. Pero unti-unti nawala ang aking ngiti ng makita ang pangingitim ng kaniyang mga mata. Isang tingin na tumatawag sa isang bahagi ng aking pagkatao.

He still has the same effect on me. It's been years yet mas lalo atang lumalim ang nararamdaman ko sakaniya. Before I know it, nasa loob na kami ng tree house at pinagsasaluhan ang matatamis na halik na nagsasaad kung gaano namin na-miss ang isa't isa. 

Alam kong di tama ito, may asawa na ako at  alam ko sa sarili ko na mahal ko siya. Pero ano itong ginagawa ko? B-bakit nagpapadala pa din ako sakaniya. Naguguluhan ako, bakit ako nagpapadala sakaniya? bakit ko pa din nararamdaman ang ang bagay na pilit ko nang kinalimutan. Bakit lahat ay nagbabalik pa din?

"oh Ana, hindi mo lang alam. ang sarap mo --- [delete]  ba yan! anong ang sarap? tengene. ang pangit ilagay sa libro.

"oh Ana, bakit parang mas lalo kang sumexy? --- [delete] duuh? ang kengkoy ng dating! gosh, the last time I check hindi jejemon si Samuel.

"oh Ana, what should I do with you? -- [delete?] keri bang umingles mala Christian Grey ang magsasakang si Samuel?

URGH! napasabot na ako sa gulo gulo kong buhok na hindi ko na ata nagawang suklayin matapos kong maligo dahil sa stress sa dialouge na 'to! nakakaloka. Ano bang magandang ilagay? ang hot mo? wala pa ding papatay sa sarap mo? urgh. nakakaloka! pwede bang Samuel! ipasok mo nalang!

Kailangan ko nang bago! ilang beses na akong sinabihan na laging parepareho ang laman, kailan

gan daw unique and extensively erotic. erotic their face! pag pag-ibig, libog agad? nakakaloka.

Hindi ko namalayan na nakatulugan ko na pala ang pagsusulat ng manuscript na kinapigaan n

g utak ko at salamat sa diyos ay natapos ko din. 

Kailangan ko na ipasa iyon ngayon dahil due date na at baka mapagalitan pa ako ng editor ko. Naloka ako sa libog ni Samuel, walang itulak kabigin.

“Hoy Zanna! Lumabas ka na diyan!” Natutop ko ang unan sa aking tenga ng walang sawa nanamang sumisigaw ang kabahay ko na si Paolin. Diniin kong mabuti ang unan sa aking tenga at sumigaw ng “Five Minutes pa Pao! Please!”

“ZANNA! Ano ka ba! Baka malate ka sa opisina! Masisante ka na ng tuluyan!” Mas lalo namang napadiin ang aking pagpikit ng mabanggit ni Paolin iyon. Napagdesisyunan kong tumayo na at mag-ayos dahil mahaba habang usapan nanaman ito

Novelist's RomanceWhere stories live. Discover now