Ch. 23

2.2K 21 0
                                    

Gorgeous.

Tinitigan ko ang kaniyang malalamlam na mga mata, pakiramdam ko ay ang mga titig nito’y pumapaloob pa sa kaibuturan?? Urgh! Bakit kinaibuturan? Ang lalim!

Napasabunot na ako sa buhok ko at pakiramdam ko ay pinagtitinginan na ako ng mga tao sa paligid ko dahil mukha akong baliw na kinakausap ang sarili o di kaya ay nakatunganga sa kawalan.

Malapit ko nang sakalin ang sarili ko. Bakit hindi na ako makasulat ng kwento? Na writer’s block nanaman ba ako? Pero matagal na nang huli ko ‘tong naranasan. At ayoko nang maulit iyon, inabot ako ng taon bago maka move on.

Napabuntong hininga ako, paano nalang kung ganun nanaman ang mangyari? Saan na kaya ako pupulutin? Nako naman.

Sakto naman matapos ng ikalima kong buntong hininga sa loob ng tatlong minuto ay tumunog ang cellphone ko sinyales na may nagtext.

From: Andrea

Zanny! Nandito na sa house yung gown niyo ni Pao! J yey! Should you just come here and dito nalang din kayo mag-ayos? Lovelots! :x

“oh? Bakit nakasimagot ka hija?” napasulyap ako sa itaas kung saan sa tingin ko narinig ang nagsalita. Mas lalo naman akong napasibangot nang makita ang taong kanina ko pa hinihintay. Tinawanan naman ako nito.

“ang tagal mo naman.” Sabi ko rito at ibinalik ang titig sa telepono ko. Saang bahay ba ito?  

“sino ba yang ka text mo?” 

“aba akala ko walang kakayahan ang mga madre maging tsismosa.” Tumawa naman ito ng pagkalakas-lakas.

“grabe, makatawa ito! Madre ka ba talaga? Sumbong kaya kita kay mother superior.”

“eto naman! Joke lang, natutuwa lang ako at dinalaw mo kami! Tagal mong di nagpakita ha!”

Nandito ako sa kumbento ng simbahan kung saan ako naglalagi dati. At ang kausap ko ngayon ay si Winona, kababata ko siya, sabay na kaming lumaki nito at nagkahiwalay lang ng umalis ako upang mag-aral at siya naman ay nanatili na sa kumbento. Hindi na ako nagtaka ng nalaman kong pumasok na ito ng opisyal sa kumbento at talagang tinupad na ang kaniyang matagal nang pangarap, ang pagmamadre.

“oo nga eh, nahihiya na nga ako kila mother superior at mukha silang nagtatampo. Kamusta na ba kayo dito?”

“magtatampo na talaga sila. Buti at dumalaw ka na. ganun pa rin naman dito, ikaw dapat ang tanungin ko niyan, kamusta ka na?”

Kamusta na ako? Hmm, pisikal? Maganda pa din. Pinansyal? Aba’y gipit pa din. Emosyonal?

“uhhh.” Kamusta nga ba ako? Emotionally?

“c’mon Lee.” Napangiti ako sa palayaw niya sa akin, matagal ko rin itong hindi narinig “Alam ko, there’s something going on. Alam ko na bawat kaluskos ng bituka mo. Eto ba ang gusto mong pag-usapan nung tumawag ka kagabi?”

Novelist's RomanceWhere stories live. Discover now