Ch. 07

3K 23 3
                                    

Pagkarating sa opisina ay tahimik kaming naghihintay sa elevator. May mga kasabay kami, ilan ay ang mga tsismong konti nalang ay isusunod ko na ang landas sa tatlong paring martyr, lapit ko nang pugutan ang mga ‘to. Nang bumukas ang elevator na walang laman ay unang pumasok si Andrei na sinundan ni Andrea at Sir Leyn. Nakatingin sila sa akin, pero napatingin din ako sa iilan pang kapareho kong empleyado na hindi gumagalaw sa kinatatayuan nila at pilit na iniiwasan ang tingin ng mga boss namin. Luminga pa ako ng konti at nakita ko ang isa sa mga editor ko na si Gill na nanlalaki ang matang umiling that made me suddenly remembered ang isang usapan naming dalawa

“ang bait pala ni Mam Andrea?” Sabi ni Gill ng minsan ay magkasabay kami sa snack break.

 

“ha? Bakit? Di mo alam?”

 

“oo. Kasi pinasabay niya tayo sakaniya sa elevator.”

 

“ha?” big deal pala yun?

 

“bawal ba?” takang tanong ko.

 

“oo ano.Yung mga big bosses, never kaming sumasabay sakanila, it seems like it’s already too much for us na makalapit ng ganun ang mga ito lalo na sakanilang mga apo ng may-ari. Pero ang pinakamalala si CEO. Harap-harapan niya talagang sinabi na ayaw niyang may kasabay na empleyado lang.”

 

Nabalik ako sa pagsesenti ng narinig ko ang boses ng lalaking kinakatakutan nilang lahat, except me. Naiintimidate lang ako sakaniya.

 

“are you going in? or not?” Naiirita na ang boses niya. Pero tinaasan ko lang siya ng kilay. He narrowed his eyes at me, challenged by the thought na tinatarayan siya ng empleyado niya. I don’t care! Kung tanggalin man niya ako dito. FINE. Mabubuhay rin naman ako sa pagsusulat ng nobela, di ngalang matatapos ang homily ni Paolin pero I guess, I can live with it.

 

“no Sir.” I smiled sweetly at him and I pressed from the inside the call botton to close at nagmadaling lumabas. I waved enthusiastically at Andrea and Sir Leyn and ignored the growling presence of the CEO.

Lumapit naman ako kay Gill at binati ito. Di ko namalayan na nandito na pala kami sa opisina dahil sa sarap ng kwentuhan naming dalawa. Nagpaalam na siya na tatapusin na daw niya ang mga naiwan niyang trabaho kaya pinalaya ko na. Ako? Anong gagawin ko? Ah tama, ipagpapatuloy ko nalang ang naudlot kong katamaran kanina. Nagmadali akong maglakad patungo sa opisina ko kasi excited na akong makipagdate ulit sa katamaran ko ng bigla akong harangin ni Karlo.

“Zan, pinapatawag ka sa taas.” Sabay turo nito sa ceiling.

“sino ka para sabihing oras ko na?!” singhal ko sakaniya. Anong pinapatawag? Di ko pa nga nakikita si kamatayan para sunduin ako eh, nauna pang dumating si Papa God?

Napakamot naman siya sa batok niya ng ma gets ang sinabi ko. He looked exasperated by my sense. Why? Is there something wrong about it? Para sa akin, walang problema. I’m living peaceful with it.

Novelist's RomanceWhere stories live. Discover now