Ch. 27

1.5K 15 2
                                    

CHAPTER TWENTY SEVEN

The Montefuego Effect

 

Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan ng makitang malayo na kami sa apartment. Bakit nga ba ulit ako tumatakbo? Hay, di ko kinaya ang pagkatalo ko. Bakit ko ba kasi isinuko? Hay, I have to clear my mind. I should have a plan kung paano na ako mabubuhay ngayon.

“Zanna. you okay?” Nakita ko ang nag-aalalang mga mata ni Aaron na pabalik-balik ang tingin mula sa akin at sa kalsada. Papunta kami ngayon sa publishing house na nagpapublish ng mga storya ko. Sakto kasing paglabas ng kalye namin ay nagtext ang publisher ko para ifinalize ang draft bago irelease.

“ha? haha! oo naman, b-bakit ako hindi magiging o-okay?” Oo Aaron, okay ako! Okay lang talaga ako sa pagkakawarak ng bataan matapos kong sumuko nang kulbitin lang ang kuko ng Mala Diyos mong pinsan.

 

“sigurado ka? mukha kasing hindi eh.”

“hahaha! ano ka ba, okay lang talaga ako. medyo kinakabahan lang kung papatok ba ang bagong librong sinulat ko.” Totoo naman, nag-aalala talaga ako pero mas nag-aalala ako sa kabaluharang ginawa ko kagabi.

Muli nanamang umilaw ang phone ko. Matapos kasi ng sunod sunod na tawag ni Andrei ay sinilent ko na ito gusto ko mang i-off ay hindi pwede dahil sa mga pwede kong matanggap na tawag about work.

“You don’t have to be Zan. I’m sure it’ll be a hit.” He said as he reached for my hand and squeezed it reassuringly which I gladly accepted with a smile.

**

As we reached the publishing office ay din a ako magtataka kung halos magbalian na ang mga leeg ng mga nag oopisina dito kasi alam kong ang gwapong nilalang na naka sunod sa aking likuran ang siguradong tinitignan nila. Naningkit ang mga mata kong inobserbahan ang mga nakangangang malalapit sa akin at ang masasabi ko nalang ay ang sarap nilang batuhin ng tissue dahil sa mga laway nilang walang pakundangan kung maka flow.             Well, hindi ko sila masisisi that’s the Montefuego effect. Very deadly.

Yeah, it’s really deadly. I’m a living proof.

AHHHH! gusto ko nang iumpog ang sarili ko sa lahat ng pwedeng pag-umpugan grabe! kailan ba ako makakaget-over? Lahat nalang ba ang related sa Diyos na iyon na pumatay sa virginity ko? huhuhu. grabe, ang OA ko na! di na ito healthy.

I should think of ma happy place. My very own happy happy place.

hmmm, happy place a bed to rest. A bed with a smirking Andrei Montefuego on it. hmmm, Happy place. A bed with Andrei Monte ----

 

AAAH! ano ba yan! Bago ko pa literal na naihampas ang ulo ko ay napagtanto kong andito na kami sa harap ng opisina ng publisher ko. At ngayon ko lang din namalayan na mahigpit nap ala ang pagkakahawak ni Aaron sa kamay ko.

“Zanna, namumula ka ata? may sakit ka ba? are you really okay?” Nakokonsensya na ako kay Aaron, pati siya ay nadadamay sa kabulastugan ng isipan ko. I smiled at him and squeezed his hand. I feel sorry for him, I should really try my best to stop thinking about him!

“pasensya ka na ha? medyo naistress lang sa trabaho. you know? the magazine and this.”

“you should take a break sometimes Z, Aanhin mo pa ang trnabaho mo kung sa gamot rin lang mapupunta, right?”

I giggly smiled at him. “oo na po, Sir.”

Tumawa naman ito at nabigla naman ako ng hinila niya ako palapit saknaiya at agad hinalikan ang noo ko. Nanlalaki ang mga mata ko at the same time ay naramdaman ang pag-init ng aking pisngi dahil sa ginawa niya. “good girl.” he added.

Hindi nakaligtas sa akin ang pagbubuntong hininga ng mga nasa paligid namin, I can see in my peripheral vision na the way they look the God in front of me. Parang gusto nilang tanggalang saplot eh. Kaya naman bago pa bumaba ang kanilang tingin sa pantaloon ay hinatak ko na siya papasok sa opisina.

**

Matapos ng engkwentro namin ni Aaron sa mahaderang publisher ko ay hindi na matapos tapos ang pagtawa ni Aaron. Halos ngumawa na nga siya sa kakatawa niya eh ako naman ay di malaman kung magagalak that he finds my work so amusing o gusto ko siyang isabit patiwarik dahil sa walang kagatol gatol niyang komento about it.

Paano ba naman kasi sabi nung publisher eh parang pare-pareho nalang palagi ang katangian ng mga karakter ko. Naiiba lang ang description ng pagkatao pero meron at merong paraan na napapansin nilang din a unique ang pagkakasulat. At eto pa! walang humapay ang puri ng mahaderang iyon kay Aaron na halos ialay na nga niya ang puri niya sa lalaking ito samantalang kapag ako na ang topic ay sasabihing masiyado akong pa virgin, in writing man or personal.

Sabi na eh, masyadong insecure yon sa kagandahan ko! Aynako, since maganda naman ako ay hahayaan ko nalang sakaniya iyon. hay.

“oh Aaron. Ang kabag paparating na.” I said to him while gritting my teeth pero mas lalo lang talaga siyang tumawa. Grabe ang humor ng isang ito. Walang standards.

“HAHA! I-I’m sorry. Nakakatawa talaga kasi!” sagot nito at saka nagpark sa mall. Sabi niya babawi daw siya, ililibre daw niya ako ng lunch. Aba dapat talaga siyang bumawi ano.

“Iiwan talaga kita dito Aaron. Ipapakalat ko pa number mo. ge ka.” pananakot ko sakaniya, natahimik naman kahit papaano pero mukhang namimilipit yung mukha niya pa din sa pagpigil ng tawa. Mukhang natakot na ipakalat ko cellphone number niya.

Pagdating sa mall ay natapos na ang tawa niya about sa nangyari sa publishing house pero napalitan naman ito ng iba’t ibang asar. Syempre! Di ako papatalo! I am not Zannalee Asuncion for nothing. I was born to be the next Gabriela Silang.

Pinagtitinginan din kami ng ibang nagmamall, siguro mukha kaming mga baliw. Bigla bigla naman kasi manyayakap ang isang ito ako naman hahampasin siya ng bonggang bongga! Ewan ba at hindi kami nilalapitan ng security guards.

“We look like couples, you know?” he said.

“asa ka. masyado akong maganda para sa mga ganiyang bagay.” I said at inirapan siya.

“woah, what’s with the confidence Asuncion?” he playfully asked me. Napansin ko lang, Playful Montefuego is really charming. It can actually lift the mood of everyone that’s near them.

“hayaan mo na ako! etong self-confidence na ngalang ang mayaman ako eh.” sabi ko na ikinatawa nanaman niya.

seriously? Am I a clown to him?

Novelist's RomanceWhere stories live. Discover now