Ch. 02

4.2K 36 3
                                    

Nagtataka na talaga ako sa kung gaano kalaki ang sweldo ni Andrea dahil ng mapapayag niya akong dumalaw sa bar ay agad agad niya akong dinala sa isang boutique na mukhang suki na siya. Sa batang edad niya ay di ko akalain na kumikita na siya ng ganun.

Nanlaki ang mata ko sa presyo ng iniabot niya sa aking makislap na itim na strapless na blouse, puting leather jacket, puting skinny jeans at mababang boots na ng sumahin ko ang presyo ay tumataginting na sampung libo.

“t-teka Andrea! Ang mahal naman ng mga ‘to! Hindi ko kayang bayaran ang lahat ng iyan” sabay balik ko ng mga iyon sakaniya, pero tinaasan lamang niya ako ng kilay at humalukipkip sa harapan ko.

“ha? Di ko naman pinapabayaran sayo ha?”

“kahit na! ang mahal kasi talaga, mayroon namang mga mas mura diyan na afford ko naman sigurong bilhin.” May pera pa naman ako dito, yung natanggap ko sa bagong manuscript na ipinasa ko pero hindi ko isusugal iyon para lang sa pares ng damit at sapatos.

“sige, isipin mo nalang regalo ko for you. And pasasalamat na din kasi pumayag kang sumama sa akin sa bar.”

“p-pero kahit na.”

“ZAN! Oh gosh, could you just accept and get over it?” nagulat ako sa inasta niya, ngayon ko lang nakita ang mataray na side niya at sinasabi kong nakakatakot iyon.

Mukha namang napansin niya ang pagkagulat ko at agad na humingi

paumanhin sa inasal niya.

“I’m so sorry Zanny! Ang kulit mo kasi eh, tanggapin mo nalang please?” tumango nalang ako sakaniya na agad naman niyang ikinagalak. Sumusunod nalang ako sakaniya dahil ayokong magsungit nanaman ito dahil nakakatakot talaga.

Maya’t maya pa ay tumigil ang taxi na sinakyan namin sa harap ng isang bar na ayon kay Andrea ay ang pinaka sikat na bar sa Kamaynilaan. Sabi niya ay dapat bongga daw ang lugar na kabibinyagan ng aking innosenteng pag-iisip kaya dito niya ako dinala.

“So Zannalee Rosario Asuncion! Welcome to Montefuego Group of Companies’ World.” She said with a wide grin. Napailing nalang ako sakaniya habang sumusunod sakaniya papasok sa loob. Napansin ko namang tinanguan siya ng mga bouncer at napaisip na talagang suki nga ito ng lugar.

Ano ba itong pinasok ko? Gusto ko lang naman makakain ng tatlong beses sa isang araw, kasama ba talaga sa package ng pagsurvive sa buhay ang mapadpad sa lugar na ito? I don’t know. Nabuhay naman ako ng maraming taon na hindi nararanasan ang ganito.

 

Aish! Tumigil ka na nga sa kadramahan mo! Just have some fun girl! Sigaw ng nagmamaganda kong katauhan. Ewan ko ba at biglang sumulpot ‘to. Habang ang konsensya ko naman ay iniiling ang kaniyang ulo sa pagtutol sa gawaing ito na labag sa aking religious beliefs.

Novelist's RomanceWhere stories live. Discover now