Chapter 22

14 0 0
                                    

"Heartbreak"

Third Person's Point of Views

Maya-maya pa, magmula nang dumating si Sazhna sa pension house, nakabalik na din ang binatang si Jazz. At agad hinila ng dalaga ang binata sa may madilim na sulok ng kanilang unit.

"Jazz. 'Wag mong ituloy 'yung balak mo," sabi pa ng dalaga.

"Anong balak?" inosenteng tanong ng binata.

"Alam ko na hihiwalayan mo na 'yung pinsan ko. Kaya 'wag mo na ituloy 'yan," sabi naman ng dalaga.

"I'm so sorry Sazhna. Pero kailangan kong gawin 'to," sagot naman ng binata.

"Sa oras na gawin mo 'yun, hinding-hindi kita mapapatawad Jazz. Pinasok mo ang gulong 'yan, kaya ayusin mo ng walang masasaktan. Nananahimik 'yung tao tapos dadating ka para gamitin at pagkatapos saktan lang siya? Gago ka!" pagbubunganga pa ni Sazhna sa binata.

At saka umalis patungo sa unit nila.

***

Matapos ng ginawang iyon ni Sazhna kay Jazz, lumabas ang binata sa Hotel. Umalis ulit ito na lutang ang isip.

Nagtatalo ngayon ang puso't-isipan ng binata. Sigaw ng puso niya na tapusin na ang kung ano mang namamagitan sa kanilang dalawa ni Khlea, pero utos ng isipan niyang 'wag saktan ang dalaga pati narin ang babaeng pinakamamahal niya.

***

Napansin ni Renz na balisa si Sazhna. Batid ng binata na may malalim itong iniisip. Nilapitan niya ang dalaga at tinanong kung ano'ng problema nito.

"Angry bird? Ang lalim ng iniisip natin a. May problema ba?" pagtatanong ng binata.

"Wala," maikling sagot naman ng dalaga.

"Obviously something's bothering you or someone?" sabi pa ni Renz.

"Alam mo nakakainis 'yung kaibigan mo. Ginagamit niya lang pala 'yung pinsan ko. Gago siya!" galit na galit na pagkakasabi pa ng dalaga.

"So alam mo na pala?" mahinang pagkakasabi pa ng binata.

Pero narinig parin ito ng dalaga.

"What did you just say? Na alam ko na pala? Ibig sabihin alam mo rin? Kung sa bagay. Ba't pa ako magtataka kung alam mo 'yung kalokohan ng kaibigan mo? E magkaibigan nga naman kayong dalawa. Ang nakakainis lang, hindi mo man lang siya pinigilang gawin 'yun," ani Sazhna.

"Ofcourse I did. Kaya nga rin kami nag-away noon. Never pa kaming nagkasamaan ng loob. Pero dahil sa ginawa niya kay Khlea, nagkaroon kami ng 'di pagkakaunawaan. Nauwi pa sa pagtatampo sa isa't-isa. Hanggang sa ngayon, alam kong ibang-iba na 'yung dating kami sa ngayon. Ilang beses kong pinigilan si Bhro, pero ayaw niya talaga. At kaya hindi ko sinasabi sayo o kay Khlea dahil wala ako sa posisyon para magsabi no'n. Kung meron mang dapat magsabi sa inyo ng katotohanan, si Bhro lang 'yun at wala ng iba," ani Renz.

Hindi alam nina Renz at Sazhna na narinig ni Khlea ang pag-uusap nilang dalawa.

"So totoo nga? Totoong ginagamit lang ako ni Jazz?" mangiyak-ngiyak na pagtatanong ni Khlea.

Nagulat naman sina Renz at Sazhna sa biglaang pagsabat ni Khlea. Hindi nakapagsalita ang dalawa.

"Kaya pala gano'n. Parang may kulang sa relasyon naming dalawa. Kasi in the first place pala hindi naman niya ako minahal talaga," ani Khlea. Saka nag-walk out.

"Khazz saglit lang. Sa'n ka pupunta? Khazz?" sigaw pa ni Sazhna sa pinsan niya.

Pero hindi na nakinig pa si Khlea. Susunod na sana si Sazhna sa kanyang pinsan nang pigilan siya ni Renz.

"Hayaan mo na muna siyang mapag-isa Sazhna," sabi pa ng binata.

At hindi narin nagpumilit pa ang dalaga.

***

Nag-iimpake na ng gamit si Khlea ng madatnan siya ni Jazz.

"Hey Khlea," ani Jazz.

"Stop talking to me!" sigaw naman ng dalaga.

At patuloy parin ito sa pag-iimpake.

"What's wrong?" inosenteng tanong ni Jazz.

Isang malakas na sampal naman ang sinagot ng dalaga sa binata.

"What's wrong? Talagang wala kang alam? Ano 'to ginamit mo lang ako ng 'di mo sinasadya? Napakasama mo!" panunumbat pa ng dalaga.

Niyakap naman siya ng binata.

"Bitiwan mo ako!" sigaw naman ng dalaga.

Narinig nina Sazhna at Renz ang ganap sa pagitan nina Jazz at Khlea, pero minabuti ng dalawa na makinig na lamang.

One week later...

Isang linggo ng iniiwasan ni Khlea sina Renz, Jazz, at Sazhna. Isang linggo narin magmula ng maghiwalay ang magkasintahan. Kahit isang linggo pa lang ang nakakalipas, kapansin-pansin na ang malaking pagbabago sa pangangatawan ng dalaga. Halatang wala itong maayos na tulog. Namumugto ang mata at nangangayayat ang katawan ng dalaga. Masyado na ring maiitim at malalaki ang mga eye bags nito.

I'm Falling in Love UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon