Chapter 26

2 0 0
                                    

"Heartbeat"

Sazhna's Point of Views

Mahal na mahal ko ang aking pinsan. Kaya kung nasasaktan man siya sa mga nangyari, gano'n din naman ako. Kung pwede lang sana turuan 'yung puso e. Sana hindi ko nalang minahal pa si Jazz. Ang idiot na 'yun. Bakit nga ba mahal ko siya?

Dahil sa mga nangyari, here I am.

I'm back in Korea.

Si Eomma ang pinakanatuwa sa aking pagbabalik. Sa sobrang tuwa, here we go again. Buong bansa nagdiwang sa aking pagbabalik. Formal narin akong ipinapakilala bilang Royal Princess. Sa hindi ko inaasahang pangyayari, may isang prinsipe ang dumating.

Sa isang sulyap, parang tumigil ang mundo ko.

Habang pinagmamasdan ko siya, meron akong naaalala.

Flashback...

"You'll always be my Princess." Ang sabi ng batang lalaki sa'kin.

"Why do you have to go?" Sabi ko habang umiiyak.

"Don't worry, I will come back here. I just need to go for now. But, I promise to be with your side when everything is okay." Nakangiti ang isang bata.

Bago tuluyang umalis hinalikan niya ako sa pisngi.

Oo, ang batang 'yun ay walang iba kun'di si Jazz.

Sa sobrang tuwa, ako ay napaluha.

Alam kong selfish man kung isipin, pero it's time na ako naman. Sarili ko naman ang papasayahin ko. Kaya sa pagkakataong ito, hindi ko na pinigilan pa ang aking damdamin.

Mahigpit na yumakap ako sa lalaking noon pa man nakatadhana na para sa'kin.

Habang nagyayakapan kami ni Jazz, naghiyawan ang mga tao.

Kasabay ng pagtugtug ng sweet and mellifluous music ay ang pagbagsak ng mga rose petals mula sa itaas.

Kasabay ng pagpatay-sindi ng mga colorful lights, matamis naming pinagsaluhan ni Jazz ang aming first kiss.

This is me praying that.
This was the very first page.
Not where the storyline ends.
My thoughts will echo your name.
Until I see you again.
These are the words I held back, as I was leaving too soon.
I was enchanted to meet you.

Habang sumasayaw kami ng lalaking mahal ko, bigla nalang niya akong niyakap ng mahigpit. Sa kanyang pagyakap, ramdam ko ang hirap ng kanyang paghinga.

Ano'ng nangyayari sa kanya?

Ramdam ko na ang kanyang bigat.

Unti-unti na siyang bumibitaw.

What the hell is happening?

Alerto naman ang mga staffs, at dali-dali nilang tinulungan si Jazz.

Dinala siya sa pinakamalaking hospital dito sa Korea.

Habang ni-re-revive, napatanong ako sa aking sarili kung hindi ko ba talaga deserve maging masaya?

Bakit sa tuwing sumasaya ako, kapalit ay pagluha?

Bakit kung kailan handa na akong lumaban sa ngalan ng pag-ibig, saka naman sumusuko 'yung katawan ng taong mahal ko?

Alam kong hindi siya susuko basta-basta.

Kinaya nga niya ng maraming taon.

Kaya pala siya umalis noon, ay sa kadahilanang naghahanap sila ng expert na pwedeng gumamot sa kanyang karamdaman.

Jazz has a cardiomyopathy. It is a disease in which the heart muscle becomes weakened, stretched, or has another structural problem. It often contributes to the heart's inability to pump or function well. Many people with cardiomyopathy have heart failure.

Bakit naman gano'n?

Sa bawat pagtibok ng puso niya para sa akin, ay siya ring paghina ng pintig nito.

Alam kong lumalaban siya para sa mga taong mahal niya.

Pero kung nahihirapan na siya, hahayaan parin ba naming makita siyang nagkakaganyan?

Masakit man i-let go 'yung taong mahal mo, pero kung ito ang magpapalaya sa kanya sa lahat ng paghihirap, dapat handa kang masaktan.

Nagsisimula pa lang magtagpo ang ating mga bituin na pilit pinaglalayo ng tadhana, subalit nakatadhana yata talaga tayong paghiwalayin.

Sana sa susunod na habangbuhay, sana'y tayo ng dalawa hanggang sa huling pagkakataon.

I'm Falling in Love UnexpectedlyWhere stories live. Discover now