Chapter 1

259 29 24
                                    

First Impression

Third Person's Point of Views


Kakauwi lang ng dalagang si Sazhna galing sa kanyang School (Highness International University/HIU).

Pinarada niya muna ang kanyang lumang kotse sa garahe. Sinuri ang mga gamit na dadalhin niya sa loob ng bahay (referring to her bag, cellphone, leather jacket, and headset). Saka siya bumaba sa naturang sasakyan.

Dala-dala ang kanyang mga gamit, ordinaryong naglalakad ang dalaga patungo sa tapat ng isang pintuan. Pagpihit palang niya sa door knob, may naririnig na siyang unfamiliar voices at nanggagaling ito sa loob ng kanyang bahay. Pagbukas niya ng pintuan nagulat na lamang siya nang bumungad ang dalawang lalaking nakaupo sa sofa. (Mala-Attorney ang out fit ng mga ito.)

"Manang, who are they?" agarang katanungan ng dalaga sa kasambahay.

May gut feeling na si Sazhna kung ano ang nangyayari. Pero, minabuti niyang pakinggan muna ang isasagot ng kanyang kasambahay bago siya mag-re-react.

"Hija! Pinadala sila ng iyong Ina," malumanay na sagot ng kasambahay.

At dito na nakumpirma ng dalaga na tama nga ang kanyang hinala. Eomma na naman niya ang may pakana ng lahat.

"I'm Renz Ardiente," biglang sabi ng lalaking naka-black suit. Saka tumayo mula sa pagkakaupo at yumuko sa harapan ng dalaga.

"And I'm Jazz Dela Vega," kasunod na sabi naman ng lalaking naka-gray suit. Katulad noong naunang lalaki, tumayo din ito mula sa pagkakaupo at saka yumuko sa harapan ng dalaga.

"We are the knights of the Royal Princess," sabay na pagkakasabi ng dalawang lalaki. At yumuko ulit sa harapan ni Sazhna.

"Eomma! Ano na naman ba 'to?" pasigaw na tanong ng dalaga sa hangin. Napakamot pa ito sa ulo.

Agad hinugot ni Sazhna ang kanyang cellphone sa bulsa ng bag niya.

She dialed her mothers number and it's ringing. It took three minutes before her mother pick up her cellphone on the other line.

"Eomma! Ano na naman ba 'to? Ba't nagpadala ka na naman ng mga alipores dito?" pasigaw na tanong ng dalaga sa kanyang ina. At hindi na maipinta ang kanyang pagmumukha.

"My ba-" naputol ang dapat sasabihin sana ni Camia mula sa kabilang linya.

"Eomma! I don't need them. 'Di ba kaya nga ako dito nag-aaral sa Pinas e. Kasi gusto kong ma-experience ang mamuhay ng ordinaryo. Heto na naman tayo e," sabi pa ng dalaga.

"I saw the news, and it's being reported that there's a lot of missing teenagers in your School. I'm your mother. How can I stop myself from being worried about you?" sabi naman ni Camia mula sa kabilang linya.

"Come on. I know that you're just worried. But Eomma, I honestly don't need a body guard. I can handle myself," pangangatwiran pa ng dalaga.

Bigla namang sumabat ang binatang nagngangalang Renz.

"Ma'am, kung 'di niyo po kailangan ng body guard, kami kailangan po naming gawin 'to," malumanay na pagkakasabi ng binata.

I'm Falling in Love UnexpectedlyWhere stories live. Discover now