Chapter 6

78 2 0
                                    

Apologize

Renz's Point of Views


Nagkatampuhan kami ni Bhro. Sobrang nakakalungkot at ang sakit. Ayokong sabihin kay Sazhna kung ano 'yung nangyari baka kasi magalit pa siya kay Bhro.

Hindi ko na alam kung ano 'yung gagawin ko. Pipiliin ko bang manahimik nalang. Ayaw din naman ako pakinggan ni Bhro e. Hays. Nakakalito na.

Hindi pa siya pumapasok sa kuwarto namin, pero nakita ko siya sa terrace kanina. Bhro, bakit naman kasi sa dinami-dami ng babae, siya pa? At bakit kailangan mo 'yung gawin? Hays.

Naaalala ko 'yung ginawa ni Sazhna for me kanina. Dinala niya ako sa napakagandang lugar. Pinangiti, pinatawa niya ako. At saglit kong nakalimutan 'yung problema ko.

Hindi ko talaga kakayanin 'to. Ngayon lang ulit kami nagkatampuhan ni Bhro. At sobrang hirap.

May kumakatok. Si Bhro na kaya 'yun?

Agad kong binuksan. Pagkabukas ko ng pinto, bumungad ang nakangiting pagmumukha ni Sazhna.

"Hoy! Kumain na tayo. Tapos na daw sina Jazz at Manang Sita e," magiliw niyang pagkakasabi.

Wow! Ang bait niya sa'kin ha. Nakakapanibago 'to. Kailangan ba talaga magmukha akong kawawa para maging mabait siya sa'kin?

"Sige ba angry bird," sabi ko. Sabay akbay sa kanya.

"Hep! Hep! Hep! Masyado kang touching," saway pa niya sa'kin. At inalis ang kamay ko sa balikat niya.

"Ba't ang bait mo ngayon sa'kin?" tanong ko sa kanya.

"Che!" pataray niyang sagot. At nauna na sa kusina.

Napaka-bipolar talaga ng babaeng 'yun.

***

Jazz's Point of Views

Alam ko naman na may point si Renz. Hindi ko dapat ginawa 'yun. E, kaya lang tapos na. Nagawa ko na. Ang hirap na nga lumabas sa pinasukan kong gulo. Iniisip ko palang 'yung posibleng mangyayari parang sasabog na sa gulo 'yung utak ko. Kasi naman Jazz, ba't mo nga ba ginawa 'yun?

"Ready ka na ba for later? We will win this ha," sabi pa ng girlfriend ko.

Yes, may girlfriend na ako ulit. After how many years na hindi muna ako pumasok sa isang relasyon. Let's say na, after that girl named Meg broke my heart, nasabi ko sa sarili ko na hindi na ako papasok sa isang relasyon. But, 'andito na ako sa point na 'to. Paninindigan ko nalang. Ayokong gawin sa iba 'yung nangyari sa'kin.

"Hoy! Okay ka lang?" pagpukaw niya sa natutulog kong diwa.

"Ah okay lang ako. Tara?" sabi ko.

"Are you sure Babe? May lagnat ka ba? Masama ang pakiramdam mo?" alalang mga katanungan ni Khlea sa'kin. And she caresses my forehead and neck.

"I'm fine. Let's go," tanging sabi ko.

At nagtungo na kami sa Venue ng event.

***

Sazhna's Point of Views

It's been raining since yesterday and I suddenly miss my Khazz so bad. Ayaw na ayaw kasi no'n lumabas ng bahay kapag umuulan. Takot kasi 'yun na baka kasunod ng ulan e kulog at kidlat na. Napaka-advance lang mag-isip no. Why she's so busy with her new boyfriend? She didn't even let me know who's that guy is. Why is she keeping secrets from me right now? We didn't keep secrets from each other like the way she did right now. Sino ba kasi ang guy na 'yan? Actually campus sweetheart naman 'tong Khazz ko. Maraming nanliligaw, nakakapansin, at talagang ideal girl ng lahat. Kabaliktaran ko siya. Ako kasi simple lang at gusto ko invisible ako sa mga tao. 'Yung hindi nila ako mapapansin, kasi I don't like to be the star on the eyes of people. Kagaya nalang sa Korea, flash dito, flash doon. Picture dito, picture doon. Nakaka-stress talaga. 'Yung kahit may PMS (Premenstrual Syndrome) ka kailangan mong magpanggap na masaya ka lang. Ngiti dito, ngiti doon. Faking all the way, kasi may iniingatan kang pangalan. Sucks. Ayoko na nga lang isipin pa. Nakaka-stress talaga e. (Mad face)

You were looking at me like you wanted to stay.
When I saw you yesterday.
I'm not wasting your time, I'm not playing no games.
I see you.

Khazz's calling...

Bahala ka na nga babae ka. Hindi talaga kita sasagutin. Bahala ka. Do'n ka nalang sa boyfriend mo. Magsama kayong dalawa. Hindi mo naman na ako kailangan e. Dahil may knight and shining armor ka na. What ever? Nakakainis ka talaga Khazz ha. Ano naman kaya 'yung kailangan niya? Ay bahala na nga siya.

"Sazhna Park Shin!" familiar voice called my name.

Sinasabi ko na nga ba si Idiot no. 1 na naman.

"Bakit ba?" tanging sabi ko.

"Kailangan mong sumama sa'kin," seryosong pagkakasabi niya.

"Why would I?" sagot ko na naman sa kanya na patanong.

Pero hindi na siya nagsalita pa, hinila nalang ako bigla ng loko.

At sa'n niya ako dadalhin?

Narating namin ang open field. At bumungad ang petals of flowers na nag-form ng word na sorry.

At mula sa aking likuran may familiar voice akong narinig.

"Alam ko na naging busy ako this past few days. Pero bumabawi na ako. Khazz I'm so sorry," sabi pa ng familiar voice.

Pagharap ko si Khazz nga. But, what shocked me the most? The two hands holding in front of me. Is this for real?

"Khazz, I know na gusto mong ma-meet 'yung BF ko. And I know na madaming tatakbo diyan sa isip mo na mga katanungan. Pero, sinasabi ko sayo, hindi ko man masasagot lahat ng mga questions mo, ang masisigurado ko lang sayo ay kami na ni Jazz. At nagmamahalan kami," magiliw niyang pagkakasabi.

Bakas sa pagmumukha ni Khazz ang ang labis na kasiyahan. Na para bang in love na in love talaga siya. Pero, bakit ganon? Bakit parang may kakaiba sa nararamdaman ko ngayon? Why? Umayos ka Sazhna. Ano naman ngayon kung sila na?

"Khazz?"pampukaw diwa sa'kin ni Khazz.

"A-ha? Khazz? Siya pala. Congrats," naiilang kong pagkakasabi.

"Khazz sorry na talaga ha. Alam kong nagtatampo ka sa'kin," she apologized. And then give me a tight hug.

I can't resist this girl naman din. Ako pa ba ang mag-iinarte? E, nag-effort na nga 'yung tao.

So, ayon okay na ulit kami ni Khazz. Pero 'yung puso ko talaga. Parang hindi talaga okay. I think kailangan kong magpa-check up. Charot lang.

I'm Falling in Love UnexpectedlyWhere stories live. Discover now