Chapter 12

39 3 0
                                    

In the Rain

Jazz's Point of Views

Fucking shit that Meg! Ang kapal ng face. Wala na ba talagang natirang kahihiyan sa katawang lupa niya? Bakit pa ba kami nagkita ulit? Bakit sa dinamidami ng School, dito pa talaga siya nag-aaral? Fuck her face off.

She knows me very well huh? And so? Akala niya hindi nagbabago ang tao? Kung dati sunod-sunuran ako sa kanya na parang aso, ibahin niya na ako ngayon. I'm not that shitty Jazz before he used to know.

Sawa na akong magpaalipin sa mga babae. Pagkatapos mong mahalin ng sobra, lolokohin ka pa. Pagkatapos mong umasa tapos iiwanan ka lang pala. Akala mo siya na, akala mo okay kayo, akala mo she's the one, but nope, she's the worst nightmare you've ever had. Shit!

***

Sa sobrang panggigigil ko sa galit kay Meg, hindi ko na namalayan that I hit someone. And fucking shit, that someone is...

"Pwede ba tumingin ka naman sa dinadaanan mo?" she shouted at me.

"Ikaw din naman a, hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo," I said.

"Fuck you," she said.

"I love too," I said with matching seductive face expression.

"Eeew...kadiri ka Idiot 2," natatawang pagkakasabi niya.

But, there's something that caught my attention. It was her face. Her cheeky rosy face is blushing. What does it mean? Hoy Jazz 'wag mag-assume. Pero, posible ba na magkagusto ang isang Sazhna Park Shin sa'kin?

"Hoy! Okay ka lang? Tulaley sa beauty ko?" she said confidently.

Kapal face din pala ang isang 'to e.

I grabbed her and looked into her eyes. Pero hindi siya makatingin ng diretso. Confirmed! Gusto niya rin ako. Yes!

"Bitiwan mo nga ako. Baka may makakita pa sa'tin. Baka ano pa ang iisipin e. Lagot ako kay Khazz nito,"  sabi pa niya.

Pero pulang-pula na talaga 'yong pagmumukha niya.

Hinawakan ko ang kaliwang kamay niya at saka tumakbo na hawak-hawak ang kamay ni Sazhna.

Wala siyang nagawa kun'di ang tumakbo kasama ako. Kasabay ng bawat hakbang naming dalawa na para bang magkasama naming tinatakbo ang dulo ng walang hanggan ay ang pagpatak ng mala-diyamanteng butil ng ulan.

Ano ba 'yan? Nagiging makata na ako.

To make it simple, sobrang saya ko at this very moment. Lahat ng galit sa puso ko naglaho na parang bula. Pinalitan ito ng tuwa.

Salamat Sazhna, aking mahal. Sana kaya kong sabihin sayo ang mga katagang 'yun ng malakas. Sana kaya kong ipagsigawan sa buong mundo kung gaano kita kamahal. Sana ikaw nalang 'yung babaeng inilaan ng maykapal para sa'kin. Sana ikaw nalang 'yung babaeng makakasama ko sa habangbuhay. Sana mahal mo din ako. Sazhna tayo nalang please. Akin ka nalang, ako nalang at 'wag na si Renz.

Ang drama ko na. Hindi ko talaga kayang sabihin sayo ang totoong nararamdaman ko. Lalo pa ngayong kami na ni Khlea. Isa pa 'yun. Hirap na hirap ako. Hindi ko na alam kung paano pa ako lalabas sa gulong pinasok ko. Hindi ko na alam kung itatama pa ba o tama na. Ang hirap. Ang gulo. Sana nakinig nalang talaga ako kay Bhro. Hindi sana ako mahihirapan sa gulong pinasok ko ngayon.

I'm Falling in Love UnexpectedlyWhere stories live. Discover now