Chapter 11

50 4 0
                                    

When a Bitch Get Mad

Meg's Point of Views

Kung akala mo Jazz maloloko mo 'ko, nagkakamali ka. Matagal tayong nagsama at kilalang-kilala na kita. Alam ko na wala kang katiting na nararamdaman sa sinasabi mong girlfriend mo ngayon. At si girl naman masyadong assuming, akala niya mahal talaga siya ni Jazz. Hinding-hindi ako titigil hangga't 'di napapasa'kin ulit si Jazz.

"Hey! Girl konti nalang at matutunaw na 'yung ex mo sa mga titig mo na 'yan," Messy said.

"Shut up!" I shouted.

"'Wag na kasi magalit. Sige ka, papangit ka niyan. Mas lalong hindi ka na babalikan pa ni Jazz," Messy teased me more.

Ayaw mo talagang tumigil ha. I poured my juice into her uniform. And she was shocked sa ginawa ko. Hindi lang 'yan ang kaya kung gawin sa mga taong ayaw makinig sa'kin.

"Hey! Ba't mo ako binuhusan ng juice?" she complained.

"Nagtatanong ka pa talaga? When I said stop, you should have stop then," I said.

"Girl naman, hindi ka na mabiro ha. Grabe ka," she said.

"Grabe na kung grabe. Umalis ka sa harapan ko!" pagpapaalis ko sa kanya.

"Oo na. Aalis na ako. At magpapalit pa ako ng uniform. Eeew..." she said. Before she quickly gone into my sight.

Nakakainis kasi e. Alam naman niyang inis na inis na ako dito na nakatingin sa mga asungot, dumagdag pa talaga siya.

***

Sazhna's Point of Views

'Andito ako ngayon sa favorite tambayan namin ni Khazz no'ng araw. Wala na talagang time for me si Khazz. Masyado na siyang busy kay Jazz. Ano nga ba'ng panama ko sa boyfriend niya. Boyfriend niya 'yun e. Ako? Cousin lang niya ako. Cousin na pabigat pa sa kanya. I think it's the time na matuto akong tumayo sa sarili kong mga paa. No, it's really about time.

"Sazhna Park Shin!" Renz called my name.

"Ano ba 'yun?" I said.

"Okay ka lang ba?" tanong niya sa'kin.

"Oo naman," I lied.

"I know you're not," he disagreed.

"Tae ka pala e. Magtatanong ka pa kung alam mo naman pala ang sagot," I said philosophically.

"Bakit ka ba nagkakaganyan?" pangungulit niya sa'kin.

"Magtanong ka pa Idiot 1, at hinding-hindi na talaga kita kakausapin," banta ko sa kanya.

"Oh sige na, mananahimik na. Ito naman oh," he said cowardly.

"Alam mo ikaw, loyal ka talaga sa trabaho mo no? Palagi kang naka-on duty e," sabi ko pa.

"You're not just my duty, you're my priority," sabi niya.

"Tae 'to. Pinapakonsensya mo ba ako? Kung gusto mo din magka-love life tulad no'ng BFF mo, gora lang. Wala naman akong paki. In fact, I don't really need a bodyguard from the start," sabi ko sa kanya.

He sighed deeply.

"Para sayo bodyguard lang talaga ako no. Kami ni Jazz actually. Hindi ba pwedeng itrato mo kaming tao, and na kaibigan mo. Kami 'yung maaasahan mo kapag may problema ka o nasa mahirap na sitwasyon," he said so dramatically.

"Ang drama naman nito. Sa tingin mo maaasahan ko pa 'yung mokong mong kaibigan? Masyado na nga siyang busy sa girlfriend niya 'di ba? Alam mo hindi ko lang maintindihan kay Eomma kung bakit ayaw niya parin kayong tanggalin sa trabaho. Paano ba kayo pinapasahuran ni Eomma? Ano ba'ng pinag-usapan niyo bago niya kayo pinadala para bantayan ko? Talaga bang ang bantayan lang ako 'yung pinapagawa niya? Saka magkano ang rate niyo?" mga katanungan ko kay Idiot 1.

"Lahat ng mga katanungan mo ay masasagot pagdating ng tamang panahon," he said calmly.

"Kailan naman ang tamang panahon na 'yan?" tanong ko sa kanya.

"Kapag nakabalik ka na sa Korea," sagot naman niya.

"Speaking of pagbalik sa Korea. Parang ayoko ng bumalik pa do'n. Hindi naman dahil sa gusto kong takasan 'yung mga responsibilities ko, but we could have a simpler life 'di ba? Alam ko naman na maraming nangangarap ng buhay na meron ako, but hindi naman nila alam kung gaano kahirap sa posisyon ko. I don't have regrets o pagrereklamo na sina Eomma at Appa 'yung naging mga magulang ko, pero sana nga lang simple nalang 'yung buhay namin," I said dramatically.

"Tama ka, wala silang alam kung gaano kahirap ang mga pinagdadaanan mo. Kahit naman simple, mahirap, mayaman ka man o kahit ano pa, gagawin ng mundong laro ang buhay ng tao. Kaya wala kang pamimilian kun'di makisabay sa agos ng buhay. Pero 'wag kang magpapatangay sa mga lumbay," Idiot 1 said.

Shocks 'yung mga linyahan niya, pangtelenobela. (Chuckles)

"Ang lalim no'n Idiot 1 ha," I said. In a teasingly way.

"Mas tinamaan ka sa'kin dahil do'n no?" he said. With matching seductive face while staring at me.

Eeew... Why not? Why not giving myself a try to fall in love with someone who's better than anyone else? Pero, kay Idiot 1 pa talaga? Paano kung seryoso nga talaga siya? Seryoso ba talaga siya? May gusto kaya siya sa'kin? Posible ba?

"Seriously?" tanging nasagot ko sa kanya. Matapos kong matameme.

"Tameme ka nga diyan e," pang-aasar pa niya sa'kin.

"Idiot 1? Do you really like me?" seryosong tanong ko sa kanya.

Napatitig siya sa akin. At dahan-dahan niyang nilapit sa mukha ko ang kanyang mukha. Napalingiw ako.

"Angry bird talaga oh. Napaka-assuming mo naman. Hindi kita type no," he said.

And it's ouch. Wala na ba talagang magkakagusto sa'kin? Dahil ba sa pormahan ko? Dahil ba makaluma ako? Pwes humanda kayo. Who you kayong lahat sa akin kapag nag-transform na ulit ako.

As in tawa parin siya nang tawa. As if naman may nakakatawa sa sinabi niya. Engot talaga e. Napakaengot mo Idiot 1.

"Asa ka din naman e. Never akong mag-a-assume sa isang kagaya mo no. At saka may mahal na akong iba. Kahit may mahal na siyang iba, siya parin ang natatanging mahal ko. Dahil hindi naman kailangan na kapag nagmahal ka, dapat may kapalit. Minsan nga mas mabuting itago mo nalang kaysa sa masaktan ka lang dahil hindi kayo pareho ng nararamdaman," mahaba kong speech. Bago ko iniwanan si Idiot 1.

I'm Falling in Love UnexpectedlyWhere stories live. Discover now