Chapter 25

3 0 0
                                    

"Breakdown"

Khloee's Point of Views

Kanina ko pa hinihintay na makauwi si Ate Khlea. Kasi masyado na akong nag-aalala para sa kanya. Lately, parati nalang siyang nakatulala. Minsan naririnig ko siyang umiiyak sa gabi. Ayaw niya narin akong katabi. Hindi narin siya kumakain ng tama. Masyado na siyang payat. She looks so stressed and depressed. Ayaw naman niya magkuwento kung napaano siya.

Wait...

Si Ate dumating na.

Tulala na naman siya.

Saan siya pupunta?

Sa banyo?

Naku! Baka kung ano'ng gagawin niya sa sarili niya.

Ate Khlea? Ano'ng nangyayari sayo?

Umiiyak na naman siya.

Grabe 'yung iyak niya ngayon a.

One moment...

Si Ate hinimatay!

Sumigaw na ako para humingi ng tulong.

"Yaya Dels!" Natataranta na ako.

"Yaya Chems! Tulungan niyo ako!" Malakas kong pagkakasigaw.

"Manong Dodz! Tulong!"

At maya-maya pa, nagsidatingan na silang lahat.

***

Dinala namin sa hospital si Ate. Tinawagan ko narin sina Mom and Dad. Pati narin ang favorite cousin ni Ate Khlea na si Ate Sazhna.

Actually, ayoko sanang tawagan pa ang babaeng 'yun kasi I really hate her. Kaso, favorite siya ng Ate ko. Mas makakabuti siguro para kay Ate kapag nandito siya.

Third Person's Point of Views

Lingid sa kaalaman ni Khloee na isa si Sazhna sa nagpasama ng kalooban ng kanyang Ate na si Khlea. Kaya naman tinawagan niya ito at pinapunta sa hospital sa pag-aakalang matutuwa ang kanyang kapatid. Ngunit kabaliktaran ang nangyari.

***

Nang malaman ni Sazhna na nasa hospital si Khlea, labis ang kanyang pag-aalala. Kaya naman dali-daling nagtungo ang dalaga sa kinaroroonan ng kanyang pinakamamahal na pinsan.

***

Mas bumuti na sana ang kalagayan ni Khlea, subalit muli itong nag-breakdown nang makita si Sazhna.

"Ano'ng ginagawa mo dito?!" Pasigaw na tanong ni Khlea sa pinsang si Sazhna.

Hindi rin alam ni Sazhna kung ano'ng nangyayari dahil hindi niya pa batid na alam na pala ni Khlea ang tungkol sa mutual understanding nila ni Jazz.

"K-Khazz?" Utal-utal na tanong ni Sazhna.

"Maang-maangan? Kunwari inosente? Pero ahas pala!" pagkumpronta pa ni Khlea sa kanyang pinsan.

"Alam ko na ang totoong namamagitan sa inyo ni Jazz. Kaya 'wag ka na magmaang-maangan pa." Tuluyan na namang umiyak.

Ang kanina pa pinipigilang luha ni Sazhna ay unti-unting bumabagsak.

"K-Khazz, I'm s-sorry." Huling mga salita ni Sazhna bago tumakbo palabas ng kwarto.

***

Dahil sa mga nangyari, nakapagdesisyun na ang dalagang si Sazhna na bumalik ng Korea. Doon ay haharapin na niya ang kanyang mga responsibilidad. Hindi niya kayang harapin pa ang pinsang si Khlea, kaya minabuti niyang umuwi sa bansang kinalakihan niya.

I'm Falling in Love UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon