Chapter 7

47 2 0
                                    

Bitterness

Sazhna's Point of Views


I'm still up. It's already 1:54 a.m. Yes, I can't sleep parin. Gustuhin ko man na lokohin ang sarili ko, na kunwari kaya gising padin ako until now, e kasi first dawn mass na mamaya. Kaso alam kong may ibang dahilan kung bakit ako bothered ngayon. What the! Matulog ka na Sazhna. Don't mind them. Don't mind that. Gosh! Why oh why?

And there goes the alarm ringing in my head.
Like somebody said, "don't you trust him, no"
Texting from his ex, what did you expect?
Now you're lying here knowing where he goes.
Now he gotta getcha.
Karma is a bitch, yeah.
Same way they come that's the way they go.
Now he gotta getcha.
Rewinding the picture.
There goes the alarm and the siren's go.

(Alarm clock is ringing.)

Shocks naman 'tong alarm ko, nakakainis ang lyrics. Wala pa nga akong boyfriend, ex agad? Buti pa si Khazz, may Jazz na. Whatever? Mas mabuti narin na wala pa akong boyfriend, hassle lang sila sa buhay ko. Mabubuhay ka ng masagana Sazhna kahit wala kang boyfriend. Okay? Nakakainis naman oh. I feel so pitty for myself. Can't get through of it. Makainom na nga lang ng beer. Daig ko pa ang na-break up nito e. Ba't ang sakit ng dibdib ko? He's nobody. And she's your cousin. And sila na? Oh God. Why do you have to do this to me? Bakit? Ang sakit-sakit. Ang sakit!

***

Here I am, preparing for a date. Yeah, a date with God. Sabi nila kapag nakumpleto mo daw ang 9 dawn mass, pwede kang mag-wish. At ang wish na 'yun ay magkakatotoo. Totoo nga kaya 'yun? Ma-try nga. What should I wish for? Well, saka na 'yun kapag nakumpleto ko na talaga ang mesa de gallo. Marami pa akong pagdadaanan. Maaaring bukas uulan ng malakas and tatamadin akong bumangon ng ganito kaaga. Maaaring bukas late na akong magising. Ngayon nga lang na talagang maaga akong nagising. Nope. Hindi naman pala talaga ako natulog. Hindi ako makatulog sa kakaisip ng mga bagay na hindi ko naman dapat iniisip.

Mamaya nga pala, makikita ko na naman sina Khazz at Jazz. Iniisip ko palang kung paano 'yung titigan nila. Kung paano sila maghawakan. Kung paano katamis 'yung mga ngiti nila. Parang nanghihina na talaga ako sa tuwing iniisip ko palang 'yun. Bakit ba talaga ako nagkakaganito? God please help me.

Hours later...

"Sazhna Park Shin, matagal ka pa ba? tawag sa'kin ni Idiot 2.

"Malapit na. 'Wag atat masyado," sagot ko naman sa kanya.

Atat masyado. If I know, si Khazz naman 'yung dahilan kung bakit ka nagmamadali. Hindi dahil sa dawn mass. Nakakainis kayo. Ang lalandi niyo. (Hoy! Sazhna. Papunta kang simbahan. Ayusin mo 'yang bibig mo.) Saway sa'kin ng konsensya ko. Ano naman ngayon? Hindi ako anghel o santa no. Makasalanan ako. Ma-ka-sa-la-nan.

"Sazhna Park Shin, akala ko ba malapit ka na?" pangungulit ni Jazz.

"Pwede ba? Kung excited ka ng umalis, umalis ka na. I can handle myself," sigaw ko sa kanya.

Nakakainis e. Atat masyado. Wala namang ibang dahilan kung ba't nagmamadali. Gusto lang naman lumandi. Nakakabwesit ha. Parang ayoko na tuloy tumuloy sa pagsimba. Nag-drive in na talaga sa'kin si Evil mind e.

Sazhna kalma. Okay? Pabayaan mo 'yang mga taong nagpapa-highblood sayo.

Minutes later...

Lumabas na ako sa kuwarto ko. Pagmumukha ni Idiot 1 ang bumungad sa'kin. Ginala ko ang aking paningin sa lahat ng sulok pero wala talagang Idiot 2. Nasa'n na ba siya?

"Angry bird? Si Bhro ba ang hinahanap mo?" biglang tanong sa'kin ni Idiot 1.

"Hindi a. Bakit sa'n ba siya?" kunwari ko pa.

"Nauna na siyang umalis. Nando'n na kasi si Khlea sa cafeteria malapit sa church," pagpapaliwanag ni Idiot 1.

Hanep ha. Sila lang talaga ang nag-cafeteria? Grabehan na 'to ha. Well, kaya ko rin mag-cafeteria no.

"Gano'n ba? Oh sige tara na Idiot 1 at pupunta din tayo sa cafeteria," sabi ko kay Idiot 1.

'Yung feeling na, sobrang aga palang pero ang dami-dami mo ng kasalanan. Ang bigat-bigat sa feeling Bes.

Minutes later...

Nandito kami ngayon sa parehong cafeteria kung nasa'n sina Khazz. At ayon kitang-kita ko na silang dalawa. Ang saya-saya naman ng pinsan ko. Siguro kailangan ko ng tanggapin na sila na talaga. At kailangan ko na ding itigil ang pagiging bitter ko sa kanila. Pero as of now lang ha. I'm not sure in the future.

"Khazz! 'Andito din pala kayo. Dito na kayo sa table namin," pagyaya ni Khazz sa'min.

Ay wala Khazz. Joke lang 'to. Actually nasa bahay pa kami. Shocked naman masyado 'to. (Sazhna! Akala ko ba itatabi mo na muna 'yung bitterness mo diyan?) Isa ka pa konsensya ha. Kanino ka ba talaga kampi?

"Sure Khazz," tanging sagot ko.

Right now nakaupo na kami ni Idiot 1 sa tapat nina Idiot 2 at Khazz. Sobrang sweet ni Khazz sa boyfriend niya. Sinusubuan niya ito. Pinapahiran ng kalat sa may bibig. Ang OA naman ng Idiot 2 na 'to. May paayaw-ayaw pa, sakali ginusto naman niya.

"Excuse muna guys ha. CR lang ako," pagpapaalam ko sa kanila.

"Okay Khazz," sagot naman ni Khazz.

"Angry bird," sambit ni Idiot 1 sa mocking name niya sa'kin.

"Ano 'yun?" patanong kong sagot.

Hindi na siya nagsalita at tumayo na lamang siya mula sa pagkakaupo niya. At inayos niya 'yung buhok ko. So sweet naman this Idiot. Pero actually kaya ko naman na. Papunta narin naman sana ako sa Comfort Room no. Pero napansin ko din na parang kakatayin na ako sa talim ng tingin sa'kin ng mga taong nandidito sa loob ng cafeteria. Bakit ba? Akala niyo ang gaganda ninyo? Che!

"Salamat," tanging pagpapasalamat ko kay Idiot 1. At tuluyan na akong nagtungo sa Comfort Room.

I'm Falling in Love UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon