Chapter 5

89 12 0
                                    

Missing You

Sazhna's Point of Views


Nakakainis talaga ang dalawang tanga na mga 'yun.

"Sana mawala nalang sila sa buhay ko!" mga salitang aking naisigaw ng malakas sa hangin. Pero, bakit kaya parang may hindi maipaliwanag sa kung anong nararamdaman ko? Bakit parang may kirot sa puso ko no'ng sinabi ko ang linyang 'yon? Basta, naiinis ako sa kanila and so what kung mawala nalang sila?

***

Na-miss ko na si Khazz. Hindi na kami madalas magkita sa school at 'di narin siya bumibisita sa bahay. Paano naman kasi, busy na siya sa boyfie niya. Yes, may boyfriend na pala ang loka, 'di man lang nanghingi ng advice sa'kin. Kung sana tinanong niya ako kung dapat bang sagutin 'yung boyfriend niya ngayon, alam na talaga, sasabihin kong 'wag sagutin, syempre para pareho kaming single. Pero, ako nalang ngayon ang NBSB. Yes, first boyfriend pa 'yun ni Khazz. 'Pag sinaktan niya lang talaga 'yung pinsan ko, malilintikan siya sa'kin. Kahit katiting na luha na tutulo sa mata ng Khazz ko, talagang makikita niya kung paano sumabog sa galit si Sazhna Park Shin.

Nakakainis, ayan na naman si Idiot 1. Ano'ng drama niya? Ba't parang pinagsakluban ng langit at lupa 'yung pagmumukha niya?

Aalis na sana ako nang bigla siyang magsalita.

"Angry bird?" sabi niya.

Lintik naman oh. Paninindigan niya ba talaga 'yung angry bird na 'yan? Bwesit!

Hindi ako sumagot dahil hindi naman angry bird ang pangalan ko.

"Sazhna Park Shin!" sinambit niya ang full name ko.

This time nilingon ko na siya.

"Samahan mo naman ako," sabi niya.

"What? Why would I?" sagot ko na patanong.

"Please," pakiusap niya. He is pouting.

At lumapit na ako sa kanya ulit.

"Ano ba'ng problema?" seryosong tanong ko sa kanya.

"Sa'kin nalang 'yun. Ang gusto ko lang ngayon makasama ang angry bird ko," sabi niya.

What? Angry bird niya? Sino? Don't tell me ako ang tinutukoy niya? Yucks!

"Sino ba ang angry bird mo?" seryosong tanong ko sa kanya.

"Ikaw," seryosong pagkakasabi niya. Sabay pinch sa face ko.

"Aray! Ano ba?" pag-rereklamo ko.

"Sazhna Park Shin bring me into somewhere that can ease the pain in my heart," seryosong pagkakasabi niya.

Gosh! Kinakabahan ako sa kanya ha. Somewhere? Where? Ease? The pain? In his heart? Napano ba siya? (Face palm)

"Saan mo gustong pumunta?" tanong ko pa sa kanya.

"Kahit saan," sagot niya.

"Saan naman 'yun?" seryosong tanong ko.

I'm Falling in Love UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon