Chapter 8

50 1 2
                                    

"Shocked"

Jazz's Point of Views

I saw Sazhna on the terrace. Lalapitan ko na sana siya nang nauna ng lumapit si Bhro. Well, back off nalang ako. Ewan ko ba. Naturingang may girlfriend na akong tao pero ba't ako nasasaktan ng ganito, sa tuwing nakikita kong magkasama sina Renz at Sazhna. Para bang nagseselos ako. Okay, I admit na may gusto naman talaga ako sa babaeng 'to, noon pa. Oo na, childhood crush ko siya. Talaga bang hindi man lang niya ako naaalala?

Baby, I'm dancing in the dark with you between my arms
Barefoot on the grass, listening to our favorite song
When you said you looked a mess, I whispered underneath my breath
But you heard it, darling, you look perfect tonight.

Khlea is calling...

Sorry Khlea kung ikaw pa ang ginamit ko. I'm so sorry.

"Hello! Babe?" Khlea on the other line.

"Yes?" sabi ko.

"Babe, did you forget that our presentation will be today? Nasa'n ka na ba? Kailangan pa nating mag-prepare," sabi ni Khlea.

Oo nga pala, ngayon ang presentation namin sa HIU Master Chiefs edition. Nakalimutan ko na tuloy dahil dito sa gulong pinasok ko.

"Sige, I'll be there," tanging sabi ko.

***

Khlea's Point of Views

Nasa'n ka na ba Babe? Malapit na magsimula 'yung competition. Sabi'ng dapat mas maaga pa e. Kailangan ko na mag-prepare. Kung 'di lang talaga kita loves, talagang nagtampo na ako sayo. Babe naman e. Nakapag-set na ng mga gamit ang mga contenders. Lord, bigyan niyo naman ako ng ala-flash power. Oo guys. Sobrang hinhin ko talaga na babae. 'Yun bang parang 'di makabasag pinggan. Pinggan nga 'di babasagin, puso mo pa kaya? Ay! Ano na ang nangyayari sa'kin? Epekto na talaga ito ng love potion.

Pero sige, total wala pa naman talaga si Babe, My Loves, My King, Jazz ko, magkukuwento nalang ako. Ganito kasi 'yun ha. 'Di ko talaga akalain na magiging kami ni Jazz my loves ko. Aamin na ako. Kasi naman si Renz talaga 'yung crush ko sa simula. Napaka-caring naman kasi. Gentleman siya na gwapo pa. Actually, pareho naman silang gwapo ng Babe ko. Magkaiba sila ng karisma, pero parehong malalaglag panty mo at bra 'pag nakita mo sila. Sobrang gwapo talaga nila.

Balik tayo do'n sa'ming dalawa ni Jazz. Ganito kasi 'yun. Syempre 'di ko naman ini-expect na pareho kami ng course. So, ayon. Naging magkaklase kami. And inaamin ko guys. Talo ako sa pagalingan ng luto nito. Sobrang sarap niya magluto. Mas masarap pa kaysa sa'kin. Hindi nga kasi. Palagi siyang nakakatanggap ng awards dahil sa mga dishes niya. 'Di ba bongga?

Ang swerte ko sa kanya. 'Pag mag-asawa na kami, kaming dalawa ang maghahanda ng pagkain para sa mga aideul namin. (Chuckles)

Masyado ba akong advance? Si Jazz kasi ang unang boyfriend ko. So, gusto ko siya na talaga. Siya na ang magiging ama ng mga aideul ko. Siya na ang magiging asawa ko. Siya na sana. Basta gagawin ko ang lahat ng pag-aalaga ng isang anae. Magiging mabuti akong anae at eomma sa magiging mga aideul ko.

Ang sarap lang mag-imagine. Alam ko naman na hindi magiging madali ang pag-aasawa. Pero kung si Jazz 'yun, I'm willing to take a risk. Sobrang O.A. ko na ba? Yeah, O.A. na kung O.A. E, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito no. And wala na akong paki kung parang kailan lang. Para talaga akong nagayuma nito. Pero, 'di naman totoo 'yung gayuma no. Asa naman ako na gagayumahin ako ni Jazz. Pero, curios din talaga ako kung bakit siya nanligaw bigla sa'kin. Siguro crush niya na ako no'ng nakita niya ako na nagpupunta ako kina Khazz. Tapos no'ng naging magkaklase na kami, mas nakilala pa niya ako. At mas minahal niya pa ako. Char!

Speaking of minahal. Nasa'n na kaya 'yung minamahal ko? Ang tagal ha.

***

Jazz's Point of Views

Grabe naman 'yung traffic dito. Mas mabilis pa 'yung lakad ko kaysa sa pag-usad ng mga sasakyan. Sana makaabot ako. Ito pa naman 'yung pinaghahandaan namin ni Khlea. Saksi ako sa pagpupursige niya para sa araw na 'to. Paano kung ma-disqualify kami dahil wala ako? Kung ako lang 'di ko naman kailangan 'yun. Passion ko lang talaga ang pagluluto, pero 'di ko naman gusto maging achiever.  Hilig ko lang magluto, pero ayokong sumasali-sali sa pa-contest. Kung 'di lang naman dahil kay Khlea, hindi talaga ako sasali. At kung 'di din dahil sa may kasalanan at otang na loob ako sa kanya, hindi din talaga sana ako papayag na makasama niya sa competition. Hindi naman dahil sa ayaw ko siyang kasama, it's simply ayoko masyadong na-e-expose ang kagwapohan ko. 'Wag kayong mag-re-react kung ayaw niyong masapak. (Chuckles)

Buti naman at umusad din kahit papano. Kailangan kong umabot sa competition. Wait for me Khlea. And I'll be there.

***

Third Person's Point of Views

While Khlea is waiting for Jazz, someone approached to her. And she even feels the bad energy comes from within.

"Hey!" Meg said.

"Po?" maamong pagkakasabi ni Khlea.

"Don't you dare po po me. I'm hotter than you," ani Meg.

"So! Ikaw pala ang ginawang rebound ng ex boyfriend kong patay na patay parin sa'kin hanggang ngayon," dugtong pa ni Meg.

Walang alam si Khlea sa mga sinasabi ni Meg kaya nakatayo lang ang dalaga na clueless.

"Miss, I don't know what you're talking about. Can you make it specific and direct to the point?" sabi ni Khlea.

"I'm Meg. At ako lang naman ang nag-iisang babaeng minahal ni Jazz," sabi naman ni  Meg.

Khlea was shocked sa kanyang narinig mula kay Meg.

I'm Falling in Love UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon