Chapter 3

108 17 3
                                    

First Day in HIU

Jazz's Point of Views

Three a.m. pa pala. Ba't ang aga ko namang nagising? 'Di bale na nga lang. Maghahanda nalang ako ng agahan. Para naman may breakfast na si Royal Princess pagkagising niya. LT siya masyado kahapon. Talsik lang pala ng mantika ang katapat. May pa ayaw-ayaw pa siyang kumain ng mga niluto kong pagkain kahapon. Pero nasasarapan naman. Hay naku sayo Sazhna Park Shin. Wala ka paring pinagbago.


Magkasama kami ni Renz sa iisang kuwarto. At ayon hilik na hilik pa pati puwit. Ako naman pababa na downstairs. I rubbed my eyes kasi may umagaw ng attention ko. Isang babae na nasa terrace? Naka-white dress siya. Jazz kalma. Pero, parang nakita ko na 'to sa TV a. May babaeng magpapakita at this time. Si Lucia Joaquin? Erase erase Jazz. Hindi totoo ang mga multo. Susuriin ko nga. Curiosity strike na naman.

Naglakad na ako nang dahan-dahan patungo sa terrace. Nakakapanindig balahibo naman 'tong malamig na simoy ng hangin na dumampi sa balat ko. Parang horror movie scene lang? Nakatalikod ang babae. Nakalugay ang kanyang buhok. Akmang hahawakan ko na sana siya. Pero pareho kaming nagulat nang bigla siyang humarap.

"Aaah!" parehong all out scream naming dalawa.

"Ba't ka sumigaw?" galit na tono ng pagtatanong niya sa'kin.

"Ikaw nga din Ma'am e. Sumigaw ka nga din," mahinahon na sagot ko sa kanya.

"Hanggang sa mga oras ba naman na ito, gising ka pa? At hanggang dito ba naman sa terrace kung saan ako nagmumuni-muni, sinusundan mo ako? Wala na ba talaga akong karapatang mapag-isa? Gano'n nalang ba talaga ako kabantay-sarado?" pagpapaulan niya ng mga katanungan.

"Ma'am easy lang. Isa-isa lang. Mahina ang kalaban," sabi ko pa.

"Will you please leave me alone?" sigaw niya sa'kin.

"Sige po. No problem," sagot ko naman sa kanya.

Iniwan ko na si Sazhna at nagtungo nalang ako sa kusina.

Nang marating ko na ang kitchen, agad kong sinuri ang laman ng refrigerator. Marami namang laman. Lahat ng kailangan ko para sa mga plano kong lutuin ay nandidito naman. Kumuha ako ng pork legs, ripe banana(saba), kalabasa at pechay. Hinugasan ko ang saging, kalabasa at pechay. Habang binabad ko muna sa tubig ang pork legs. Frozen kasi ang mga ito dahil sa freezer ito nakalagay. Matapos kong hugasan ang saging, kalabasa at pechay, dinala ko na ang mga ito sa mesa. Binalatan ko 'yung saging at kalabasa. Pagkatapos hiniwa ko hanggang sa satisfied na ako sa desired kong size. Ang pechay naman, hiniwalay ko lang ang nagdikit-dikit na leaves. By the way, 'yung lulutuin ko ay Pata Pochero.

***

Pagkatapos kong magluto, bumalik na ako sa kuwarto namin ni Renz. Tulog na tulog parin siya. Maliligo na nga lang ako. Akmang papasok na sana ako sa banyo nang biglang sumigaw si Renz.

"'Wag! 'Wag niyo akong patayin. 'Waaag!" sigaw pa niya.

"Hoy! Gising. Bhro, nananaginip ka lang," paggising ko pa sa kanya.

At napabangon siya ng wala sa oras. Hinahabol niya ang kanyang hininga. May water despenser naman dito sa kuwarto naming dalawa. Hindi siya 'yung kuwarto para sa mga tauhan. Well, hindi din naman gano'n kabongga ang bahay na ito, pero sakto lang na masasabi mong maaliwalas. Nag-abot ako ng tubig kay Renz. Agad niya namang nilagok ang tubig.

I'm Falling in Love UnexpectedlyWhere stories live. Discover now