Chapter 4

99 15 3
                                    

Ex & Why's

Renz's Point of Views

'Di parin ako maka-move on sa mga nangyari kanina. Bakit gano'n ang reaction ng mga students na 'yun nang makita nila kami ni Bhro? Ngayon lang ba nagkaroon ng transferee dito? OA lang sila masyado e.


Nandito na ako sa loob ng classroom. Tahimik naman dito. Ang weird ng mga kaklase ko. Lahat sila ang mature na tingnan. Ito ba epekto ng kursong ito. Pero, may nakaagaw ng attention ko. Isang babae na familiar sa'kin. Kahit nakatalikod siya. Alam na alam kong siya 'to. Para masigurado, nilapitan ko siya and it's confirmed. Siya nga. Hindi niya ako napansin. Pareho pala kami ng course. Kahit papano napanatag na 'yung loob ko. Biglang may pumasok sa classroom namin. And it looks like he's our Professor.

"Good morning Students! By the way, before we started for our class discussion. I heard that we have a new family member?" sabi ng Professor. At napadako sa'kin ang tingin.

"Can you introduce yourself?" sabi pa sa'kin ng Professor.

Tumayo naman ako.

"I'm Renz Ardiente," simpleng pagpapakilala ko.

Napatingin sa'kin si Sazhna. Gulat na gulat siya. At 'di na maipinta ang kanyang pagmumukha. Pero, tinapunan ko lang siya nang tingin at nakakalokang ngiti.

"And I'm Professor X. Yes, it's X. 'Cause I love finding X. Well anyways, let's start our discussion with X. Find the x intercept of the graph of the equation 2x - 4y = 9. I'll give you guys one minute to solve for this equation," Professor X said.

Mentally I solved the equation. Lahat ng mga kaklase ko abala na sa pag-write down ng solution sa papers and notebooks nila. Kahit 'yung halatang mali-mali naman ang mga sinulat, nagtiyaga rin na mag-solve kunwari. Napansin ako ng Professor namin na parang walang ginagawa.

"You! Kabago-bago mo pa lang dito, pero ang tigas mo na. I said solve this equation," galit na tono nang pagsasalita ni Professor X. At tinuro niya ang kanyang mga isinulat sa pisara.

Ako naman, parang wala lang.

"Stand up Mr. Ardiente. Give me the exact answer," sabi ni Prof.

Tumayo naman ako.

"The X Intercept is at the point of (9/2,0)," I said confidently.

Napanganga ang mga kaklase ko maging si Prof. Pero si Sazhna, parang wala lang siya. Para bang may sarili din siyang mundo.

***

Lunch time na, hindi na nakawala pa sa'kin si Sazhna. Sabay na kaming nag-lunch. At nasa canteen kami ngayon.

"Hoy! Sinadya mo ba talagang kumuha ng course na CE? Para maging kaklase kita?" biglang sumbat sa'kin ni Sazhna.

"Mukha bang sinadya ko lang 'yun just for you? For future 'to. Future ang pinag-uusapan natin dito. Ba't ko naman ibabase sayo ang magiging kinabukasan ko?" sagot ko sa kanya.

Natahimik siya at halatang inis na inis.

Natapos kaming kumain na walang imikan. Lakad siya nang lakad. Sunod naman ako nang sunod sa kanya. Para na nga akong buntot nito e. Naisip kong bigyan muna siya ng freedom kahit for the meantime lang. Kaya naman, hindi ko na siya sinundan pa. Nagtungo nalang ako sa field. Dito nanonood ako ng cheering squad. Isang familiar na babae ang pumukaw ng aking atensyon. Hindi ako maaaring magkamali. Siya nga.

I'm Falling in Love UnexpectedlyWhere stories live. Discover now