Chapter 18

30 2 0
                                    

Unexpected Reaction

Jazz's Point of Views

Sa'n na naman kaya sila nagpunta? Hindi ko na nagugustuhan 'yung namumuong closeness nina Bhro at Sazhna. Trabaho namin na protektahan siya. Hindi kasali do'n na papatusin din.

Ano'ng oras na hindi parin sila dumadating. Humanda ka talaga sa'kin mamaya Sazhna.

May naririnig na akong kaluskos. Sila na kaya 'yun?

"Magpalit ka na do'n. Basang-basa pa naman 'yung ano mo," natatawang sabi ni Sazhna.

"Sazhna Park Shin!" taas boses kong sambit sa pangalan niya.

At halatang gulat siya sa ginawa ko.

"Yes Bhro?" sabat naman ni Renz.

"Hindi ikaw ang kausap ko," inis kong pagkakasabi.

"E ba't ka nagagalit? Sige na Idiot 1 magpalit ka na do'n. Ako na ang bahala dito," sabi pa ni Sazhna.

"Ba't madalas kayong magkasama ni Bhro? Akala ko ba ayaw mong magpahalata na bodyguards mo kami? Kaya nga hindi na ako masyadong lumalapit sayo. Kasi ang sabi mo, 'wag kaming didikit sayo. Pero bakit magkasama kayo palagi ni Bhro. Ano ba ang namamagitan sa inyong dalawa ha? Ano? Sumagot ka!" galit kong pagkakasabi sa kanya.

At sampal ang inabot ko mula sa kanya.

"Bakit Jazz? Sino ba 'tong lumimot sa mga tungkulin niya dahil sa lecheng pag-ibig na 'yan? No'ng mga sandaling kailangan kita, nasa'n ka? 'Di ba nakikipaglandian ka? Tapos ngayon kung makaasta ka parang hindi ikaw 'yung unang nakalimot," mangiyak-ngiyak niyang pagkakasabi. At saka nag-walk out.

Parang dinurog 'yung puso ko sa mga salitang narinig ko mula kay Sazhna. At higit sa lahat parang sasabog 'yung damdamin ko nang makita ko siyang lumuha. Pinaiyak ko ang babaeng mahal ko. Damn you Jazz!

***
Sazhna's Point of Views

Nakakainis! Akala mo kung sino? Paki' niya kung close kami ni Renz? Nakialam ba ako no'ng syinota niya 'yung pinsan ko? Hindi naman a. Tapos ang lakas ng loob niya para sumbatan ako. Sino ba siya sa akala niya? Bwesit siya! Bwesit! (cries like a baby)

Ang sakit-sakit na nga ng dulot sa'kin no'ng mga pinaggagawa niya. Akala niya madaling magmahal ng patago? Ang hirap kaya. Lalo na kapag nakikita ko siyang kasama si Khazz. At masaya sila sa piling ng isa't-isa. Nakakainis talaga e.

Bakit 'di ka nalang mag-resign? Iwan mo na ako. Umalis ka na dito. Nakakainis ka! Wala ka namang kwenta. Hindi kita kailangan!

***
Third Person's Point of Views

Pagkatapos ng pangyayaring iyun, mas lalong lumayo ang loob ni Sazhna kay Jazz. Pati kay Renz o sa kahit na sino, pilit na lumalayo ang dalaga. Mas gusto  niyang mapag-isa sa halos lahat ng oras.

Habang si Jazz, lahat gagawin niya para magkaayos lang sila ni Sazhna. Ang ginawa niya, sekreto niyang pinakiusapan lahat ng eco-staff na ibigay sa kanya at kay Sazhna ang eco-mission na gagawin sa Cebu. Ito ang nakitang pagkakataon ni Jazz para makabawi sa dalaga. At pumayag naman ang mga staffs.

Ngunit walang kaalam-alam si Sazhna na si Jazz ang makakasama niya sa mission.

***

I'm Falling in Love UnexpectedlyWhere stories live. Discover now