Chapter 21

16 0 0
                                    

The Moment of Truth


Third Person's Point of Views

Matapos makatulog ni Renz ay bigla siyang napabalikwas sa pagbangon nang magising.

"Ano'ng oras na ba?" tanong agad ng binata sa sarili.

Pagkatingin niya sa wall clock, alas dyes na ng gabi.

Agad siyang tumayo at hinanap si Sazhna. Sinubukan niyang tawagan pero 'di niya ito ma-contact.

May napansin si Renz na umiiyak sa may kitchen. Dali-dali niya itong pinuntahan. Akala niya si Sazhna ang umiiyak. Pero si Khlea pala. Ganoon pa man, he still tries to comfort Khlea.

"Oh Khlea. Ba't ka umiiyak? May problema ba?" tanong niya sa dalaga.

"Sana pala, hindi nalang ako nagpunta dito. Imbes na matuwa, pinagalitan pa ako ni Jazz," sumbong pa ng dalaga.

"Normal lang sa isang relasyon ang ganito. Away-away, misunderstandings, at marami pang pagsubok na dadating. Pero nakasalalay naman sa'tin lahat. Sa mga desisyon natin sa buhay. Dapat 'di mauwi sa hiwalayan. Dapat may magpapakumbaba. Dapat 'di kayo parehong apoy," Renz's said.

***

Sa kabilang banda, magkasama pala sina Sazhna at Jazz. Nagpunta sila sa pinakamalapit na KTV bar na may mga pagkain din.

"Ang sarap ng shrimp at pusit. Mga paborito ko talaga 'to," sabi pa ng dalaga.

Habang si Jazz ay nakangiti lang na nakatingin sa dalaga.

"Hoy! May dumi ba ako sa mukha?" tanong pa ng dalaga.

"Ha? W-Wala. Ang sarap mo lang tingnan habang kumakain. Halatang nag-e-enjoy ka," sabi pa ng binata.

"Alam mo, humanda talaga sa'kin 'yung Bestfriend mo na 'yun. Nag-promise pa siya, tapos tutulugan lang ako," daing pa ng dalaga.

"Pasalamat ka nalang na nakatulog si Bhro. Kasi kung hindi, hanggang fast food lang kayo. Hindi ka makakatikim ng mga kagaya nito," positibong sagot ni Jazz.

"Kung sa bagay. In fairness, ha. May class ka pala. At saka napaka-romantic," sabi pa ng dalaga. Kahit hirap na magsalita.

"Hinay-hinay lang," saway pa ng binata.

"Ang sarap lang kasi talaga. Puro fast food lang ang alam ko e," hirap na pagsasalita ng dalaga.

"Oo na," tanging nasabi naman ng binata. At pinunasan ang pisngi ng dalaga na may ketchup.

"Para kang bata," natatawang 'sabi ng binata.

"Siya nga pala. Ba't mo iniwanan ang pinsan ko?" tanong ni Sazhna sa binata.

"Pinapalamig ko lang 'yung sitwasyon. Masyadong nag-aalab 'yung pinsan mo sa walang kwentang selos na 'yan," sabi pa ng binata.

"Ay grabe ka. Normal lang na magselos kasi girlfriend mo siya. Ikaw ha. Binalaan na kita. 'Wag na 'wag mong sasaktan 'yung pinsan ko," banta pa ng dalaga.

"Kahit naman ayoko siyang saktan. Masasaktan at masasaktan parin siya," Jazz said idiomatically.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" Sazhna asked seriously.

I'm Falling in Love UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon