Epilogue

8.5K 156 21
                                    

Label: Best Friends
'Everything Has Changed' Side Story
Written by: jglaiza

Epilogue

**

Angelo's Point of View

"Angelo, hindi ka ba talaga sasama sa amin bukas ng gabi? Ikaw na naman ang kulang sa atin," pangungulit sa akin ni Lara habang naglu-lunch kami.

It's Friday. Nasa office kami ngayon habang pinag-uusapan ang tungkol sa plinano nilang paglabas bukas ng gabi. They're planning to go to a bar to have a good time.

Noong Lunes pa nila iyon plinano at hanggang ngayon ay kinukulit pa rin ako ni Lara na sumama sa kanila. Ang totoo niyan, ilang beses na silang lumabas noon pero lagi akong tumatanggi kapag niyayaya nila ako. As much as I want to go with them, maybe she still doesn't want to see me.

Ngumiti ako at umiling. "You already know my answer to that, Lara. You also know the reason why."

"Hindi pa ba talaga kayo okay ni Bea? Kailan nga ba 'yong huling beses na nagkita kayo?" tanong ni Luis.

"Two months ago," I replied.

Dalawang buwan na rin ang nakararaan mula nang magpasya si Bea na huwag na muna kaming magkita. Tinupad ko ang kagustuhan niyang iyon kaya sa tuwing nagpa-plano sila na lumabas, hindi ako sumasama. Alam ko kasing sasama siya sa kanila at ayoko namang sirain ang sinabi kong bibigyan ko siya ng space.

Pero ang hindi niya alam, lagi akong nakabantay sa kanya. Sa tuwing lalabas sila nina Lara ay lagi akong nakasunod kahit na nasa malayo. Gusto ko lang makasiguro na lagi siyang ligtas, na okay siya at walang ibang lalaking umaaligid sa kanya habang wala ako.

I miss her so much. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami magiging ganito pero hinihiling ko na sana ay dumating na ang araw na kaya na niya akong tanggapin ulit. But if she still needs time, I'll give it to her as long as in the end, she'll still come back to me.

I'm still holding on to her promise that she'll come back to me.

"Sayang naman kasi kung hindi ka sasama. First time sana na lahat tayo, may partners na isasama. Isasama ko ang boyfriend ko. Jay and Luis will go there with their girlfriends. Si Bea lang ang walang partner kasi hindi ka sasama," nakasimangot na sabi ni Lara.

"Gusto ko rin naman talagang sumama sa inyo pero alam niyo naman ang sitwasyon namin ngayon," sagot ko.

Napabuntong-hininga. "Bahala ka nga. Ipapakilala ko na lang si Bea sa mga gwapong lalaki doon. Baka sakaling may magustuhan siya."

Sinamaan ko siya ng tingin nang marinig ko ang sinabi niya.

"Subukan mo lang. Bago kayo ikasal ng boyfriend mo, mag-o-organize ako ng bachelor's party para sa kanya tapos lalagyan ko siya ng piring saka ko siya iiwan sa isang kwarto na puro mga babae."

"Ito naman! Joke lang 'yong sinabi kong ipapakilala ko si Bea sa iba. Alam mo namang kayong dalawa talaga ang OTP ko, eh," nakasimangot niyang sabi. Napailing-iling na lang ako.

Pagkatapos naming mag-lunch ay bumalik na kami sa kanya-kanya naming trabaho. Nagpaka-busy na lang ako at hindi na inintindi pa ang ibang bagay.

**

Kinabukasan, naghanda ako agad para umalis nang malaman kong papunta na sina Jay sa bar kung saan sila magkikita-kita. Sa kanilang lahat, si Jay lang ang nakakaalam na lihim akong sumusunod sa kanila kapag lumalabas sila.

Pagkatapos kong magbihis at mag-ayos ay umalis na ako ng bahay. Dahil lumalalim na ang gabi ay hindi na masyadong traffic kaya mabilis akong nakarating doon. It was a high-end bar in Quezon City and its known that's why it was easy to find. Agad kong ipinark ang sasakyan ko nang makakita ng space.

Label: Best FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon