Five

4.4K 114 5
                                    

Chapter 5
Drink

**

After dinner, we went to a high-end bar in BGC. Hindi pa man kami nakakapasok sa loob ay sinabihan na ako ni Angelo na huwag lalayo sa kanya. Tumango na lang ako dahil kahit naman nakapunta na ako sa isang bar, natatakot pa rin ako. Kahit papaano naman, alam ko kung anong klase ng tao ang iba rito.

Nakahanap kami ng isang bakanteng sofa kaya doon kami umupo. Luis immediately ordered drinks for us. He didn’t even ask us what drinks we want. Pumili na lang siya ng kahit ano at hinayaan na lang namin iyon.

Anyway, hindi naman ako mahilig uminom kaya okay lang. Nang dumating ang drinks namin ay nagsimula na kaming mag-inuman.

I was caught off guard when Angelo suddenly leaned in to me. I froze. Akala ko ay kung ano ang gagawin niya pero iyon pala ay may ibubulong lang siya sa akin.

“Don’t drink too much,” he whispered.

I nodded. “I won’t,” I replied. Lumayo na siya pagkatapos no’n. That’s when I realized that he did it to make sure that I can hear him because the music is too loud.

Napabuntong-hininga na lang ako at nagpatuloy sa pag-inom. Inuunti-unti ko ang pag-inom dahil maliban sa hindi nga ako sanay uminom, hindi rin ako sanay uminom ng vodka.

“So, ano? Uupo na lang ba tayo rito? Come on! Let’s dance!” masayang yaya ni Luis sa amin saka tumayo. Bumaling siya kay Jay na nasa kabilang gilid ko. “Tara!”

“Kayo na lang. Dito lang ako,” sagot ni Jay bago uminom sa basong hawak niya.

“Loosen up, man! Kaya nga tayo nandito para magsaya tapos uupo ka lang diyan? Come on! Maraming girls dito. You should find yourself a girlfriend,” Luis said, still trying to persuade Jay.

Umiling si Jay. “No, thanks. I don’t need a girlfriend as of the moment.”

“Then, you should at least get laid tonight,” Luis said before pulling Jay. Hindi ko naman maiwasang mapangiwi dahil sa sinabi ni Luis habang si Angelo at Lara ay parehong natawa.

Nagpumilit pa rin si Jay na magpaiwan na lang doon pero sa huli ay nahila pa rin siya ni Luis.

“Okay, fine! I’ll try to have fun but I’m seriously not going to get laid tonight,” Jay replied.

“Bahala ka,” sagot ni Luis bago bumaling naman sa amin. “Kayo? Huwag niyong sabihing diyan lang kayo?”

Napatingin kami kay Lara nang bigla itong tumayo. “I’ll go!”

Tumingin sa’kin si Angelo na para bang tinatanong niya ako. I smiled.

“Sumama ka na. I’ll stay here,” I said. Ibinalik niya ang tingin kina Luis at nagulat ako sa sunod niyang sinabi.

“Go ahead. Dito lang muna kami. Susunod na lang kami mamaya.”

Nagkibit-balikat lang sila at tumalikod na para pumunta sa dance floor. Pinanood namin silang magsayaw roon. Nakita ko kung paano pilitin ni Luis si Jay na makipagsayaw sa mga babae pero nakakunot lang ang noo nito.

Napailing na lang ako at napabaling kay Angelo na kasalukuyang pinapanood din ang tatlo.

“Dapat sumunod ka na rin sa kanila kaysa ma-boring ka rito. I’ll just stay here. I’m not going anywhere. You can go with them,” I said.

He shook his head. “Nope. Dito lang ako,” aniya bago ininom ang vodka na hawak niya.

Napabuntong-hininga ako at hinayaan na lang siya sa gusto niya. Okay na rin siguro iyon kaysa naman mag-isa ako rito. But if he wants to dance, he can. Kahit papaano naman, gusto kong mag-enjoy siya sa gabing ito. At hindi siya mag-e-enjoy kung nandito lang siya sa tabi ko.

Label: Best FriendsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant