Twenty-Eight

3.6K 90 15
                                    

Chapter 28
Tuloy-tuloy

**

“Mahal, labas naman tayo. I miss going out with you,” Angelo said while we’re outside my house. Kagagaling lang niya sa trabaho at naisipan niyang dumaan dito sa bahay.

Ilang buwan na rin ang nakalipas mula nang malaman ko ang tungkol sa bago nilang officemate na si April. So far, mukhang hindi ko naman pala siya kailangang problemahin dahil tulad nga ng sinabi sa akin nina Lara noon, walang espesyal na namamagitan sa kanila.

Sa ilang buwan na relasyon namin ni Angelo, kahit kailan ay wala naman kaming malalang pinag-awayan. Iyon nga lang, halos bihira naman kaming magkita. Madalas kasi ay busy siya sa trabaho at ako naman ay busy kay Eunice. Kapag may pagkakataon ay pumupunta siya rito sa bahay pagkatapos ng trabaho o ‘di kaya naman ay bumibisita siya kapag bakante ang weekends niya.

Paminsan-minsan ay niyayaya niya akong lumabas kami ng weekends pero kadalasan ay hindi ko iyon napapaunlakan dahil busy ako kay Eunice. Medyo naging busy na rin kasi sa hotel namin kaya madalas na wala sa bahay sina Mommy at Daddy.

I actually feel guilty because I know that Angelo is trying his best to have time for me but here I am, always refusing him. Gusto ko rin naman siyang makasama pero hindi ko magawa dahil sa kapatid ko.  Hindi ko naman pwedeng pabayaan si Eunice. Alam niya iyon.

Nilingon ko si Angelo at tumango.

“Sure. Kailan ba? I miss going out with you, too,” I replied.

“You know I’m only available on weekends. Can’t you go out with me this weekend?”

I shrugged. “Hmm… I don’t know. I’ll have to ask Mom about that later. Tapos babalitaan na lang kita. Alam mo naman na hindi ko pwedeng pabayaan si Eunice lalo na kapag wala sina Mommy, ‘di ba?”

“Nandiyan naman ang mga katulong niyo kung sakaling wala ang Mommy at Daddy mo, ‘di ba? It’s just one day… with me. Ipagkakait mo pa ba sa akin iyon?” tanong niya habang nakatingin sa akin.

“Angelo, hindi naman sa ganoon. I want to be with you, too. Pero hindi ko pwedeng ipagkatiwala si Eunice sa mga katulong namin kung sakali ngang wala sina Mommy. Mag-aalala lang ako kapag ganoon. I want to be there for my sister. Naiintindihan mo naman ako, ‘di ba?”

Tumango siya at napabuntong-hininga.

“Yeah. I understand you. Pero sana intindihin mo rin ako. I need you, too,” he said.

Tinitigan ko siya. May isang bagay na pumasok sa isip ko dahil sa sinabi niya at kahit na ayaw ko ay nagpasya akong itanong pa rin iyon sa kanya.

“Are you asking me to choose between you and my sister?” I asked.

Nanlaki ang mata niya nang marinig ang sinabi ko. Agad siyang umiling ng paulit-ulit at kitang-kita ko sa kanyang mukha ang pagkataranta. He held one of my hands before pulling me in for a hug.

“No, that’s not what I meant. I’m sorry. Hindi iyon ang ibig kong sabihin. I just want you to make time for me, that’s all. I’m sorry,” he said.

Tumango ako at tinapik-tapik ang balikat niya.

“It’s okay. I’m sorry, too. Gustong-gusto kitang pagbigyan sa gusto mo dahil gustong-gusto kitang makasama. I miss you so much, do you know that? Sobrang miss na miss na kita pero hindi ko naman pwedeng iwanan na lang bigla ang kapatid ko,” sagot ko.

“I know. I’m sorry,” he said before releasing me from the hug. He held my hand and kissed it while looking at me. “I miss you, too. I really want to go out with you.”

Label: Best FriendsWhere stories live. Discover now