Twelve

3.6K 79 6
                                    

Chapter 12
Hands

**

Hindi ako nakapagsalita. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ito at wala akong ibang magawa kundi ang manahimik.

Gusto kong mag-protesta. I don't want to marry Niel. Hindi naman sa hindi ko siya gusto pero mali na ipakasal ako sa kanya. Maliban sa mali na pilitin nila kami na ipakasal sa isa't isa, si Angelo ang mahal ko. At kahit hindi sabihin ni Niel, alam kong mahal niya ang kapatid ko.

Nasasaktan ako. Nasasaktan ako para sa sarili ko dahil mukhang hindi ko na magagawang sabihin pa kay Angelo na mahal ko siya. Nasasaktan din ako para sa kapatid ko at kay Niel dahil alam kong kahit hindi nila aminin, kitang-kita naman sa mga mata nila na mahal nila ang isa't isa.

What am I going to do? I don't want to be married to someone I don't love. Ano ba kasi ang naisip nina Lolo at nakapagdesisyon sila ng ganito? We're in the 20th century! Hindi na dapat uso ito!

"Pa, sigurado ka ba rito?" tanong ni Daddy kay Lolo makalipas ang ilang sandali.

"Siguradong-sigurado, Rico. Wala naman sigurong mali doon, 'di ba?"

Mayroon. Mali dahil hindi naman namin mahal ang isa't isa!

"Pa, hindi ba pwedeng hayaan na lang natin sila? Malalaki naman na sila para magdesisyon para sa sarili nila. Isa pa, bata pa naman si Bea," sabi ni Mommy.

"Oh, come on, Emie. Wala naman sa edad 'yan. Besides, napansin ko rin na kahit kailan ay wala pang ipinakilala si Bea sa atin na boyfriend niya. Baka naman wala na siyang balak na magka-boyfriend niyan?" sagot ni Lolo.

"Lolo, h-hindi naman po ako nagmamadali," singit ko.

Umiling si Lolo. "Kahit na. Huwag na nating pahabain ang usapan. Nakapagdesisyon na kami. At alam niyong hindi na mababago ang desisyon ko, hindi ba?"

Pagkatapos sabihin ni Lolo iyon ay hindi na nakaimik sina Mommy at Daddy. Alam kasi nila na hindi na talaga mababago ang isip ni Lolo kahit na ano pa ang sabihin nila. Napabuntong-hininga ako at hindi na muling umangal pa.

Sa totoo lang, gustong-gusto kong umangal. I don't like what's happening. Pero kung sina Mommy at Daddy ay walang nagawa, paano pa kaya ako?

Nagulat ako nang biglang tumayo si Lolo.

"There's no backing out. Sinisimulan na namin ni Kiko ang paghahanda sa kasal. Actually, nakapag-imbita na nga kami ng mga dadalo. At bukas ay magpapa-schedule na kami sa simbahan," aniya bago magpaalam kasama si Lolo Kiko para lumabas at magpahangin.

Pagkaalis nila ay nanahimik ako nang ilang sandali. Nang sulyapan ko si Angelo ay pansin kong nakatingin lang siya sa pagkain niya pero hindi na niya iyon ginagalaw. Marahil ay nagulat din siya sa sinabi ni Lolo. Well, lahat naman nagulat. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang kayang gawin ito ni Lolo?

Huminga ako nang malalim bago tumayo. Napatingin sa akin si Angelo sa ginawa ko. Nagpaalam ako kina Mommy na magpapahangin lang at pumayag naman sila. Sinenyasan ko si Angelo na sumunod sa akin kaya tumayo na rin siya at sumunod sa akin.

Pilit kong pinakalma ang sarili ko habang naglalakad. Hindi ko ipinakita kay Angelo na nababalisa ako dahil sa nangyayari. Ayokong makita niya na nahihirapan ako sa mga oras na ito. Kahit ang panginginig ng mga kamay ko ay pilit kong itinatago sa kanya. Sigurado kasi ako na mag-aalala lang siya.

Nauuna akong maglakad papunta sa likod-bahay. Sa loob ng bahay na kami dumaan dahil naalala kong naiwan ko pala ang cellphone ko sa kwarto ko. Nilingon ko siya nang nasa hagdan na kami.

"Mauna ka na sa likod. Kukunin ko lang 'yong cellphone ko sa kwarto. Mabilis lang ako," sabi ko bago tumalikod sa kanya. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay naramdaman ko ang pagpigil niya sa braso ko.

Label: Best FriendsWhere stories live. Discover now