Twenty-One

3.5K 94 1
                                    

Chapter 21
I Love You

**

Hindi naman agad ginawa ni Angelo ang sinabi niyang liligawan niya ako. He still wanted to make sure that everything’s already settled before making a move. Mahirap nga namang kumilos lalo na kapag alam mong komplikado pa ang lahat.

The days passed by in a blur. Sa paglipas ng mga araw, unti-unti na talaga kaming bumalik sa dati ni Angelo. May mga pagkakataong nahihiya ako sa kanya pero sa tingin ko, hindi na talaga mawawala iyon lalo na at alam naming pareho pala kami ng nararamdaman para sa isa’t isa. Masasanay na lang din siguro kami pagdating ng araw.

As for the annulment, sa tingin ko ay malapit na naming malaman ang resulta no’n. Paminsan-minsan naman kaming inu-update ni Angelo tungkol doon at minsan ay si Atty. James naman ang nakakausap ko.

Kasalukuyan akong nasa bahay ngayon kasama ang mga magulang ko. Nandito rin sina Eunice at Niel pero nasa labas naman sila ng bahay ngayon. Ka-text ko naman si Angelo at ayon sa kanya, kakausapin daw siya ni Atty. James mamaya. Hopefully, malalaman na namin ang resulta ng annulment mamaya o bukas.

Hindi ko alam kung ilang oras ko nang kausap si Angelo sa text nang bigla akong makarinig ng ingay sa labas. I heard my Mom’s voice. Tumayo ako at lalabas na sana pero natigilan din nang lumabas si Daddy galing sa kusina.

“Sino ‘yon?” tanong niya. Marahil ay narinig niya rin ang mga boses sa labas.

“Hindi ko po alam,” sagot ko. Nauna akong lumabas habang nakasunod naman sa akin si Daddy. “Mom?”

Paglabas namin ay nakita ko si Mommy na kaharap ngayon sina Eunice at Niel. Napakunot-noo ako nang makita ko ang takot sa mga mata ni Eunice habang nasa likod ni Niel. Si Mommy naman ay mukhang galit.

“Anong nangyayari rito, Emie?” tanong ni Daddy kay Mommy.

It took me a while to realize what’s happening. Shit! Sa tingin ko, alam na ni Mommy ang kalagayan ngayon ni Eunice!

“Mom, sa loob tayo mag-usap. Huwag dito,” sabi ko. Hindi makapaniwalang napatingin sa akin si Mommy.

“You know something about this, Bea?”

“Wait. What’s happening? Ano ba ang mayroon? And why is Eunice crying?” Dad asked while looking at me and Mommy.

Hindi ako sumagot. Sinubukan kong pakiusapan si Mommy para sa loob na mag-usap dahil ayoko namang dito pa kami sa labas magkagulo. It’s better to talk about this calmly.

“Mom, please. Sa loob na lang natin pag-usapan. We’ll tell you everything,” I said.

Sa huli ay wala namang nagawa si Mommy kundi ang sumunod. Pero bago pumasok sa loob ay nakita kong nilingon pa niya sina Eunice at galit itong tiningnan. Pagkatapos no’n ay nauna na silang pumasok ni Daddy. Nilingon ko naman sina Eunice at sinenyasang pumasok na rin.

I’m actually thankful that Lolo isn’t here. He’s currently in Cebu for a business meeting. Kapag nandito siya, siguradong malala ang mangyayari. Baka nga nasa labas pa lang kami ay puro sigawan na ang maririnig namin. That’s how scary he is.

Nang makapasok kaming lahat ay saka namin hinarap sina Mommy.

“Now, tell me, Eunice. I want you to tell me the truth. Buntis ka ba?” diretsong tanong ni Mommy kay Eunice. Gustuhin ko mang sumagot ay nagpasya akong hayaan ang kapatid ko na siyang magsabi ng tunay niyang kalagayan.

Nang malaman nila ang katotohanan, nakita ko ang panghihina ni Mommy at ang pagsalampak niya sa sofa na para bang hindi siya makapaniwala sa nalaman. She’s crying. Si Daddy naman ay biglang humarap kina Eunice at galit na tinanong kung sino ang ama ng batang dinadala niya.

Label: Best FriendsWhere stories live. Discover now