Four

5K 105 5
                                    

Chapter 4
Questions

**

Jay taught me all the things I need to know about my work the whole morning. Tama si Luis. Magaling nga siyang magturo dahil nage-gets ko agad ang sinasabi niya. Mabuti na lang din at mabilis akong matuto kaya hindi siya masyadong nahirapan sa akin.

It was also a good thing that I have a little experience when it comes to hotel reservations and booking flights. Nakatulong iyon para mas mapabilis ang trabaho ko.

There’s just one little thing that I noticed about Jay. He’s so shy. Kahit sa simpleng pag-approach niya sa’kin ay nahihiya siya. Kapag may gusto siyang sabihin ay napapansin ko sa peripheral vision ko na nagdadalawang-isip pa siya kung dapat ba niya iyong sabihin o hindi.

But then, at least he still has the courage to talk to me. Ganoon yata talaga siya. Anyway, I’m sure I’ll get used to it soon. Or maybe he’ll get used to me soon.

Pagdating ng lunch break, niyaya kami ni Luis na sumabay sa kanilang kumain. Pumayag naman kami ni Angelo. Dahil wala namang cafeteria sa office at wala rin naman kaming baon na dala, sa labas na lang kami nagpasyang kumain.

Mayroong mga karinderya sa tapat ng office kaya tumawid na lang kami para doon kumain. Doon din daw madalas kumain sina Luis kaya alam nilang masarap daw ang pagkain doon. Nang makita ko naman ang mga pagkain ay agad akong natakam. They all look delicious.

Nang makapag-order na kami ng kanya-kanya naming pagkain ay umupo na kaming apat sa isang pabilog na mesa. Bago kami kumain ay napansin kong magkakaiba kami nang piniling ulam. Nagdasal lang kami saglit pagkatapos ay nagsimula na kaming kumain.

While eating, Luis kept on telling stories about him and Jay. Tahimik lang naman si Jay na kumakain at paminsan-minsan lang magsalita. Ikinuwento ni Luis na dalawang taon na pala silang nagtatrabaho ni Jay sa travel agency. Parehas daw silang bago ni Jay noon kaya silang dalawa ang nagkasundo.

Nalaman kong matanda lang sila sa amin ni Angelo ng dalawang taon. Siguro dahil na rin magkasing-edad sila kaya raw sila nagkasundo.

“Kayo? Mag-boyfriend ba kayo?” biglang tanong ni Luis na siyang ikinatigil namin ni Angelo sa pagkain. Mabilis akong umiling bilang sagot samantalang si Angelo naman ang sumagot.

“Nope. We’re just childhood best friends,” he said.

Best friends. Well, at least we have a label.

“Childhood best friends? Kung ganoon, ilang taon kayo noong nagkakilala kayo?” tanong ni Luis.

“We’re both four years old when we first met,” I replied.

“Wow! So, ang tagal niyo na rin palang magkaibigan. Do you have a boyfriend or a girlfriend?”

“Wala. Noon, oo pero hindi naman nagtatagal,” sagot ni Angelo.

Totoo ang sinasabi niya. Apat na beses nang nagka-girlfriend si Angelo pero lahat iyon ay hindi naman tumatagal. Lahat ng niligawan niya at naging girlfriend ay mga naging crush niya. Unfortunately, his longest relationship only lasted for three months. Hindi ko naman alam kung bakit. Sa tuwing tinatanong ko siya, hindi lang daw talaga sila meant for each other kaya sila naghiwalay.

“Ikaw, Bea?” tanong ni Jay na ikinagulat ko dahil bihira siyang magsalita. Pero kahit ganoon ay sinagot ko pa rin iyon.

“Wala. Hindi pa ‘ko nagkaka-boyfriend since birth,” nakangiti kong sabi. Gulat namang napatingin sa akin si Luis at Jay na para bang hindi sila makapaniwala sa sinabi ko.

Napabuntong-hininga na lang ako dahil sanay na ako sa ganoong reaksyon. Hindi ko rin talaga alam kung bakit sa tuwing sinasabi ko sa iba na hindi pa ‘ko nagkaka-boyfriend since birth ay mukha silang hindi makapaniwala. Para bang masama na hindi pa ‘ko nagkaka-boyfriend kahit kailan.

Label: Best FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon