Fourteen

3.5K 85 22
                                    

Author's Note:

Happy Valentine's Day! Spread the love! Love youuu!

**

Chapter 14
Utang

**

“You’re getting married?”

Iyon ang unang tanong na narinig ko matapos kong ibigay kay Jay ang wedding invitation ko. Siya ang una kong binigyan ng invitation dahil siya ang unang dumating sa office sa araw na ito. Wala pa rin sina Lara at Luis pati na rin ang ibang officemates namin na balak ko ring bigyan ng invitation.

Kasalukuyan namang nasa pantry si Angelo para magtimpla ng kape para sa amin. Kinuha ko iyong pagkakataon para kausapin ngayon si Jay. Sumagi na rin kasi sa isip ko na baka magtanong si Jay at naisip kong mas mabuting hindi na iyon marinig ni Angelo.

Si Jay lang naman kasi ang nakakaalam ng tunay kong nararamdaman para kay Angelo. Or maybe some of my officemates knew but decided to be quiet about it.

“Yes. Iyon ang sabi ni Lolo, eh,” sagot ko sa tanong ni Jay.

Napakunot-noo siya. “Sabi ng Lolo mo? What do you mean?”

I sighed. “It’s an arranged marriage.”

Nanlaki ang mata niya nang marinig ang sinabi ko. Napaiwas ako ng tingin. Umupo ako sa table at ganoon din siya. When I looked at him, his eyes are already full of curiosity.

“Bakit? Para saan ang arranged marriage? Kanino ka ikakasal? Kay Angelo ba?” sunod-sunod niyang tanong. Bahagya akong natawa.

“I wish. Pero hindi, eh. I’m going to marry my sister’s best friend,” I replied. “Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung ano ang rason kung bakit kailangan naming makasal. Basta ang sabi ni Lolo, matagal na raw nilang napag-usapan iyon ng Lolo ni Niel.”

“Who’s Niel?” he asked.

“My sister’s best friend,” I replied. “Bakit kasi hindi na lang sila ang ipakasal tutal mas halata namang gusto nila ang isa’t isa? Bakit kailangang ako?”

“Well, why don’t you suggest that to your grandfather?”

I shook my head. “I can’t. Alam na ng lahat na kami ni Niel ang ikakasal. Anong sasabihin ng mga inimbita ni Lolo kapag biglang nabago ‘yon? They’ll realize that it’s just an arranged marriage. Besides, hindi ko alam kung papayag ba si Lolo na si Eunice at Niel ang ipakasal.”

Huminga siya nang malalim.

“What about your feelings for Angelo? Kakalimutan mo na lang?” tanong niya.

Napayuko ako. “Mukhang ganoon na nga. Wala naman akong magagawa.”

Sabay kaming napabuntong-hininga at nanahimik. Feeling ko tuloy sobrang hopeless ko.

Sinabihan ko si Jay na isama niya ang girlfriend niya sa kasal at pumayag naman siya. Mga ilang sandali lang ay dumating na rin sina Luis at Lara. Parehas silang nagulat nang malamang ikakasal na ako. Like Jay, they also asked me a lot of questions. Pero sa huli, hindi ko na rin nasagot ang iba sa mga iyon. Mukhang naintindihan naman nila iyon kaya sa huli ay nanahimik na lang sila.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Habang papalapit nang papalapit ang araw ng kasal ay mas lalo akong pinanghihinaan ng loob. Patuloy pa rin akong umaasa na may mangyayaring maganda na magiging dahilan para huwag nang matuloy ang kasal.

I’m still waiting for Eunice and Niel to tell everyone about their relationship. Or at least find a way to stop the marriage. Pero habang tumatagal, unti-unti kong na-realize na mukhang maski sila ay walang magawa.

Label: Best FriendsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora