Three

5.9K 121 2
                                    

Chapter 3
Trainer

**

We enjoyed our stay in Palawan. We spent most of our time swimming for two days. Tingin ko nga ay naging tan na ang kulay ko dahil sa init ng araw. But it's okay. Minsan lang naman.

Sa tuwing magsu-swimming kami, lagi akong nakasuot ng sando at shorts bilang panligo. Paano ba naman ako makakapagsuot ng swimsuit kung sa tuwing magbabalak kaming maligo ay tinatanong ni Angelo kung anong isusuot ko? Kapag sinasabi kong magsu-swimsuit ako, lagi siyang umaangal kaya wala na akong magawa kundi ang magsuot ng ibang panligo. Hindi naman ako makahindi dahil ayaw niya akong palabasin ng kwarto hangga't hindi ako nagpapalit.

Ewan ko ba sa lalaking 'yon! Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang pansinin pati ang suot ko samantalang dati ay wala naman siyang pakialam. O baka dahil masyado nang revealing ang suot ko kaya niya pinakikialaman?

Bahagya akong nalungkot nang umabot na kami sa last day namin sa Palawan. Gusto ko pa sanang mag-stay kami kahit isang araw pa pero hindi pwede. Dad and Lolo still have to work.

Napaisip din ako isang gabi bago ako matulog. Pakiramdam ko ay mabo-boring lang ako kung magbabakasyon ako sa bahay. Wala na rin naman akong maisip na puntahan para makapagbakasyon. Nakakatamad din kasi.

Maybe I'll ask Angelo to talk to his uncle about the job he's talking about. Mas okay siguro kung magsisimula na akong magtrabaho kaysa mag-stay lang sa bahay.

After lunch kami bumiyahe papuntang Puerto Princesa International Airport para sumakay ng eroplano pauwi sa Manila. As usual, I spent most of my time sleeping on the van and on the plane. Namalayan ko na lang na nasa Manila na kami nang gisingin ako ni Eunice.

Sinundo kami ng driver namin sa airport. Nang makarating kami sa bahay ay pinapasok muna namin sina Angelo at Niel para makapagpahinga saglit bago umuwi samantalang sina Saff at Bree naman ay diretso nang umuwi sa kanila dahil katabi lang naman ng bahay namin ang bahay nila.

Because Angelo is still here, I have a chance to talk to him. Nagpaalam lang ako saglit na magbibihis at sinabi kong may sasabihin ako sa kanya bago siya umalis. Bago naman ako magbihis ay pinakiusapan ko ang katulong namin na maghanda ng maiinom para kina Angelo at Niel.

Mabilis lang naman akong nagbihis. Bumaba rin ako agad saka ko niyaya si Angelo sa labas para doon kami mag-usap. Kasama naman ni Niel si Eunice sa sala kaya hindi siya mabo-bored.

"Ano bang pag-uusapan natin?" tanong niya nang makarating kami sa labas.

"It's about the job you're talking about. Okay lang ba kung kausapin na natin ang Tito mo?"

"Yes. Pwede naman. Pero 'di ba magbabakasyon ka pa? Bakit kailangan na nating kausapin si Tito?" kunot-noo niyang tanong.

Napakamot ako sa batok. "Ayun nga, eh. Feeling ko mabo-bored lang ako kung patatagalin ko pa ang bakasyon ko. Instead of one month vacation, I'm going to make it one week. So, okay lang ba kung next week na natin kausapin ang Tito mo?"

Napatango-tango naman siya.

"Okay, if that's what you want. I'll talk to him first then I'll call you when we can both talk to him regarding the job," he replied. I nodded and smiled.

"Thanks."

"No worries," he said. "By the way, I need to go home now."

Tumango ako. "Oh, sige. Hindi ba kayo sabay ni Niel na lalabas?"

"Hindi na. Magkaiba rin naman kami ng daan pauwi," aniya. "Magpapaalam muna ako at magpapasalamat sa Mommy at Daddy mo."

Tumango ako at nauna nang naglakad papasok sa bahay. We went straight to the kitchen. After muttering his thanks and bidding goodbye to everyone, he immediately went home.

Label: Best FriendsWhere stories live. Discover now