Two

6.4K 150 3
                                    

Chapter 2
Sexy

**

“Ate, nasaan na si Kuya Angelo? Sasama pa ba siya?” tanong ni Eunice sa akin habang inilalagay nila ni Niel ang gamit nila sa loob ng sasakyan.

Ngayon ang flight namin papunta sa Palawan. Kasalukuyan na naming inilalagay ang mga gamit namin sa isang van na siyang gagamitin namin papunta sa airport. Maliban sa buong pamilya namin, kasama rin namin sina Saff, Bree, Niel at si Angelo.

Sa ngayon, kumpleto na sana kami kung nandito na rin si Angelo. Pero ang loko, wala pa rin hanggang ngayon. Siya na lang ang hinihintay namin.

I sighed and looked at Eunice.

“Don’t worry. He’ll be here in a few minutes,” I said before looking at my phone. Napabuntong-hininga na lang ulit ako nang makita ang huling reply niya na nagsasabing paalis na siya sa kanila.

Mabuti na lang at dito rin naman sa village ang bahay nila kaya mga ilang sandali lang ay nakita ko na siyang tumatakbo palapit sa amin. Mabuti na lang din at hindi pa nailalagay nina Mommy at Daddy ang mga gamit nila na nasa loob pa ng bahay kaya hindi pa siya late.

“Good morning! Am I late?” he asked.

Balak ko na sanang pagalitan siya dahil ngayon lang siya dumating pero bago ko pa man iyon magawa ay naunahan na ako ni Eunice.

“Good morning, Kuya Angelo! Hindi ka naman late. Mom and Dad are still inside. Kami pa lang ang lumalabas.”

“Good to know,” Angelo replied. Tinanguan at nginitian naman niya sina Saff, Bree at Niel bago siya bumaling sa akin. “Hindi pa naman pala ako late, eh.”

Inirapan ko siya. “Oo nga. Hindi ka late pero late ka sa sinabi mong oras na darating ka.”

Tinalikuran ko siya para simulan nang ilagay sa loob ng van ang mga gamit ko. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin. Bumalik naman sa loob ng bahay sina Eunice kaya kaming dalawa na lang ang nasa labas ngayon.

Inilapag ko ang bag ko sa loob at itinabi naman niya ang gamit niya sa akin. Habang inaayos niya iyon ay nilingon niya ako.

“Sorry na. Nandito naman na ako, ‘di ba?” aniya.

I sighed before looking at him. “Oo na. Kaysa naman hindi ka pumunta, ‘di ba? Anyway, iyan lang ba ang gamit mo?”

Napansin ko kasing isang malaking bagpack lang ang dala niya samantalang ako ay isang malaking bagpack at mayroon pang maliit na bag.

“Yup. Three days lang naman. Hindi naman ako katulad niyong mga babae na napakarami ng dala,” sagot niya. Ngumisi siya na ipinagtaka ko. “So, did you bring your swimsuit? O baka naman nagbago na ang isip mo? Sabagay. Baka bilbil lang ang makita nila sa’yo.”

Nagtaas ako ng kilay nang marinig ko ang sinabi niya.

“Sino naman ang may sabing nagbago na ang isip ko? Humanda ka sa’kin pagdating natin doon. Ipapahanda ko na kay Eunice ang camera para makuhanan ka niya ng picture habang nakatingin sa akin at nakanganga,” sagot ko.

Napapailing na tumawa na lang siya sa sinabi ko. Inayos na namin ang mga gamit namin sa loob ng van para may mapaglagyan pa sina Mommy at Daddy ng mga gamit nila. Pagkatapos no’n ay pumasok na rin kami sa loob ng bahay.

Hindi rin naman kami nagtagal dahil maya-maya lang ay nasa biyahe na kami papunta sa airport. Nang makarating naman kami sa airport ay inasikaso na namin ang mga dapat naming asikasuhin at naghintay hanggang sa dumating ang oras ang flight namin.

Maya-maya naman ay nasa biyahe na kami sakay ng eroplano papuntang Palawan. Since we’re going to El Nido, we still need to travel by van as soon as we arrive in Puerto Princesa.

Label: Best FriendsWhere stories live. Discover now