Twenty-Four

3.4K 85 3
                                    

Chapter 24
Mahal

**

Kinagabihan, kasama ko si Mommy sa kwarto ni Eunice para bantayan siya. Until now, hindi pa rin siya nagigising. Mga ilang sandali lang ay dumating naman sina Daddy at Lolo para bumisita. They brought dinner for us. May dala rin silang mga prutas para maipakain kay Eunice kapag nagising na ito.

Hindi pa rin nagigising si Eunice kaya hindi ko maiwasang mas mag-alala. Pinakalma naman ako ni Mommy at sinabing maya-maya lang ay siguradong magigising na ang kapatid ko.

Hindi nga siya nagkamali dahil maya-maya lang ay napansin ko ang unti-unting pagdilat ng mga mata ni Eunice. Pareho kaming napatayo ni Mommy at hinintay na makapag-adjust si Eunice sa liwanag.

“Eunice,” tawag ko sa kanya. Napalingon siya sa akin bago siya sumulyap kay Mommy.

“Kumusta ang pakiramdam mo, anak?” tanong ni Mommy sa kanya.

“Ayos naman po ako. Ilang oras po ba akong tulog?”

“Hindi oras, Eunice. Isang araw ka nang tulog.”

Mukhang natigilan siya matapos marinig ang sinabi ni Mommy. Bahagya pa siyang napakunot-noo na parang may inaalala.

“Isang araw? Ano po bang nangyari?” tanong niya na ipinagtaka namin ni Mommy. Nagkatinginan kami ni Mommy bago ko ibinaling ang tingin ko kay Eunice.

“Hindi mo ba natatandaan ang nangyari, Eunice?” tanong ko.

Mas lalo naman siyang napakunot-noo dahil sa sinabi ko. Sa tingin ko ay pilit na niyang inaalala ang dahilan kung bakit nga ba siya nandito. Maya-maya ay napansin kong nanlaki ang mata niya at napansin ko rin ang bigla niyang pagkabalisa. Napahawak siya sa kanyang tiyan.

“Mommy, Ate, ang baby namin? Okay lang ba siya? Nandito pa naman siya, ‘di ba?” sunod-sunod niyang tanong.

The moment she asked that, I felt my tears starting to fall from my eyes. Nagkatinginan kami ni Mommy at maski siya ay umiiyak na rin ngayon. Tahimik naman sina Daddy at Lolo na nakatayo ngayon malapit sa pinto. Walang nangahas na sagutin ang tanong ni Eunice.

“Mommy, Ate… Please, sagutin niyo ako,” pakiusap ni Eunice.

Nahihirapan man ay pinilit kong magsalita para sagutin ang kanyang tanong.

“Eunice, ang baby mo… I’m sorry. Hindi nakaligtas ang baby mo. Wala na siya,” humihikbing sabi ko.

Hindi ko maiwasang mas mapaluha nang makita kong tila nawalan ng kulay ang mukha ni Eunice dahil sa sinabi ko. Unti-unting tumulo ang luha niya hanggang sa nagtuloy-tuloy iyon.

“N-Nagbibiro lang kayo, ‘di ba? Nandito pa ang baby ko. Alam ko. Nandito pa siya,” umiiyak niyang sabi.

Lumapit si Mommy sa kanya saka siya niyakap. Umiyak naman si Eunice sa dibdib ni Mommy habang ako naman ay lumapit para haplusin ang kanyang likod.

“Anak, I’m sorry,” Mom said. Walang ibang maririnig sa kwarto ngayon kundi ang paghagulgol ni Eunice na naging dahilan para mas lalo kaming maiyak para sa kanya.

I know how much she loves her child. Hindi pa man nito naipapanganak ang bata ay alam kong sobra niya itong inalagaan sa kanyang sinapupunan. I know how excited she is while waiting for her child to be born. At ngayong wala na ito ay siguradong labis na pagdadalamhati ang nararamdaman niya.

Mga ilang minuto pa siyang umiyak bago siya humiwalay sa pagkakayakap kay Mommy. Humihikbi pa rin siya nang itanong niya ang isang bagay na akala ko ay hindi na niya itatanong.

Label: Best FriendsWhere stories live. Discover now