Sixteen

3.6K 84 8
                                    

Chapter 16
Civil

**

"Angelo."

I snap out of my reverie when I heard someone calling my name. Nang mag-angat ako ng tingin ay napansin ko si Jay na nasa harap ko at nakakunot ang noo. I cleared my throat.

"Yes? What is it?" I asked.

"Kanina pa ako salita nang salita rito pero hindi ka naman pala nakikinig. Are you okay?"

Tumango ako. "I'm fine. I'm sorry. May iniisip lang. Ano nga ba 'yong sinasabi mo?"

Nanliit ang mata niya sa akin na para bang hindi siya naniniwala na ayos lang ako. Sa huli ay napabuntong-hininga na lang siya bago ibinigay sa akin ang mga hawak niyang papel.

"This is supposed to be Bea's work but since she's not going to work for three days, Lara told me to give these to you. Alam mo na raw ang gagawin mo diyan," aniya.

Right. Katatapos lang ng kasal ni Bea kahapon at sinabi niya sa aming tatlong araw siyang hindi makakapasok. Obviously, she's on her honeymoon. Pero sa tingin ko, hindi naman talaga sila magho-honeymoon ni Niel dahil hindi naman nila mahal ang isa't isa. So, I assume she's just going to rest for three days.

Kinuha ko ang mga papel na iniabot ni Jay sa akin. Mas mabuti pang magpaka-busy na lang ako sa trabaho kaysa ang isipin pa ang nangyari sa amin ni Bea kagabi. It's too depressing. Nakakapanghinayang na isiping saka lang namin nasabi ang nararamdaman namin para sa isa't isa kung kailan huli na ang lahat. Ang sarap manuntok.

Akala ko ay aalis na si Jay pagkakuha ko ng mga papel pero nanatili lang siyang nakatayo sa harap ko. Napakunot-noo ako.

"Do you still need anything?" I asked.

He sighed. "Did you tell Bea about your feelings?"

Nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi. How did he know about that? Walang sinuman ang nakakaalam tungkol sa nararamdaman ko para kay Bea kundi si Eunice. Imposible namang sabihin ni Eunice iyon sa kanya dahil hindi naman sila close.

Maliban kay Eunice ay si Bea na lang ang nakakaalam tungkol sa nararamdaman ko. Alam kong close sila ni Jay pero hindi naman siguro niya agad masasabi ang tungkol sa napag-usapan namin kagabi, 'di ba?

"You're in love with Bea, right?" Jay asked again when I didn't respond.

"How did you know?"

"Kahit sino naman siguro sa opisinang 'to mapapansin na mahal niyo ang isa't isa," aniya. "So, did you tell her?"

I sighed. Mukhang wala na rin naman akong magagawa kundi ang umamin tutal tama naman ang hinala niya.

"I did," I replied.

"Kaya ba parang wala ka sa sarili mo ngayon? Kung nasabi mo sa kanya na mahal mo siya, sigurado akong nasabi na rin niya sa'yo ang tungkol sa nararamdaman niya. What happened after that?"

I shrugged. "We let each other go."

"What? You didn't fight for her?"

"How can I fight when it's already too late?"

He creased his forehead. "What do you mean? Kailan mo ba sinabi sa kanya na mahal mo siya?"

I sighed. "Last night... after the wedding."

Napanganga siya sa sinabi ko. Umiwas ako ng tingin at nag-focus na lang sa mga papel na ibinigay niya. Pero agad din akong natigilan nang marinig ko si Luis na nagsalita sa tabi ko.

"P're, pwedeng pasuntok lang kahit isang beses?" aniya na ikinakunot ng noo ko. Kanina pa ba siya nakikinig?

"Huh?"

Label: Best FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon