Thirty

4.8K 95 9
                                    

Chapter 30
Promise

**

Ikinuwento ko kay Mommy ang dahilan kung bakit ako umiiyak. Hindi naman lihim ang relasyon namin ni Angelo kaya sinabi ko sa kanya ang nakita ko kanina. I tried to calm myself while trying to tell her what happened but my tears just keep flowing from my eyes.

Nang matapos akong magkwento ay hinayaan pa rin niya akong ilabas ang sakit na nararamdaman ko sa pamamagitan ng pag-iyak. Ni hindi na muna niya pinagtuunan ng pansin si Eunice na nasa tabi namin ngayon.

My Mom didn't say anything about what happened. Hindi niya ako pinayuhan ng kahit ano na pwede kong gawin. Hinayaan niya lang akong umiyak nang umiyak sa bisig niya. After that, she told me to rest in my room.

Sinunod ko ang sinabi niya kaya pumunta ako sa kwarto ko para matulog. Pero bago ako makatulog ay iyak ako nang iyak dahil paulit-ulit na sumasagi sa isip ko ang nasaksihan ko kanina. Mas lalo pa akong naiiyak sa tuwing naaalala ko ang pagmamakaawa sa akin ni Angelo kanina.

Madilim na sa labas nang magising ako. Ramdam na ramdam ko pa rin ang mabigat na pakiramdam sa puso ko pero pinilit ko pa ring bumangon. Nang tingnan ko ang sarili ko sa salamin ay nakita kong namumugto ang mga mata ko. Inayos ko lang saglit ang sarili ko pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto.

Wala akong naabutang tao sa sala kaya dumiretso ako sa dining room. Nakita kong kumakain na roon sina Mommy at Daddy kasama si Eunice. Nang makita ako ni Mommy ay ngumiti siya.

"Gising ka na pala. Hindi na kita ginising dahil alam kong kailangan mong magpahinga. Umupo ka na at kumain," aniya bago tumayo para kumuha ng isa pang plato para sa akin.

Umupo na lang ako sa upuan na nasa gilid ni Daddy saka ko siya sinulyapan. I don't know if Mom told him what happened earlier. Sa nakikita ko naman ay parang wala siyang alam dahil normal lang siyang kumakain. Nang mailagay na ni Mommy ang plato sa harap ko ay nagsimula na akong kumain.

Mga ilang minuto rin kaming tahimik nang biglang tumikhim si Daddy kaya napatingin kami sa kanya. He's now looking at me as if he knew what happened earlier. Now, I'm confused. Alam ba niya ang nangyari kanina o hindi?

"Angelo went here earlier while you were sleeping. Kinausap ko siya at nalaman ko ang nangyari sa inyo," aniya na ikinagulat ko. So, he knows. Bigla akong kinabahan. Ano ang ginawa niya? Sinaktan niya ba si Angelo?

"Dad..."

"Don't worry. Hindi ko siya sinaktan. Kinausap ko lang siya at sinabing saka na siya makipag-usap sa'yo kapag kaya mo na siyang harapin," pagpapatuloy niya.

Tumango ako. "Thank you po."

"Huwag kang magpapadalos-dalos sa desisyon mo, anak. Gusto kong mag-isip kang mabuti kung ano ba talaga ang gusto mo," sabi niya. "I've seen how you both love each other. At sa nakita ko rin kanina, alam kong nahihirapan siya kaya hindi ko akalaing kaya niyang gawin iyon sa'yo."

"But he did, Dad," I said and sighed. "Can we please not talk about it?"

Napabuntong-hininga siya. "Alam kong masakit para sa'yo ang ginawa niya pero ang payo ko lang ay pakinggan mo siya. Sigurado akong may dahilan kung bakit niya nagawa iyon. Kitang-kita ko kung gaano ka niya kamahal, anak. Open your heart and your mind. Dapat parehas na gumagana iyan. Huwag kang magpapadalos-dalos lalo na dahil nakikita kong mahal na mahal mo rin siya."

"Thanks for the advice, Dad. I appreciate it. Huwag po kayong mag-alala. Pag-iisipan ko pong mabuti," sagot ko.

"Also, your Mom and I talked. Naisip naming kumuha ng nurse para mag-alaga kay Eunice. Madalas kaming wala rito ng Mommy mo at ayaw naman naming mag-isa kang mag-alaga sa kapatid mo," sabi niya na ikinagulat ko.

Label: Best FriendsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant