Twenty-Seven

3.4K 90 2
                                    

Chapter 27
Jealous

**

A lot of things happened after what happened to Eunice. Tulad ng payo ng doktor na tumingin sa kapatid ko, nagpasya kaming ipatingin sa psychiatrist si Eunice. Ayon sa kanya, mukhang tinamaan daw ng depression si Eunice.

It’s like she decided not to talk to anyone anymore. Para bang nawalan na siya ng gana sa lahat ng bagay. Para bang para sa kanya ay nawalan na ng saysay ang buhay niya pagkatapos ng mga nangyari.

Masakit para sa buong pamilya ang makitang nagkaganoon si Eunice pero wala naman kaming magawa. Ibinilin ng doktor na dapat daw naming alagaan nang mabuti si Eunice. Kailangan naming iparamdam na nandito kami para sa kanya. She needs attention most of the time. Hindi namin alam kung hanggang kailan siya magiging ganoon pero ang payo ng doktor ay dapat namin siyang kausapin tungkol sa mga masasayang bagay.

Alam kong masakit pa rin hanggang ngayon para kay Eunice ang pagkawala ng anak niya at ang pag-alis ni Niel kaya siya nagkaganito. Maaaring makatulong para sa kanya kung nandito ngayon si Niel para alagaan siya pero hindi naman namin siya pwedeng pauwiin.

Pinakiusapan ko si Angelo pati na rin ang mga magulang ni Niel na huwag sabihin sa kanya ang tungkol sa kalagayan ni Eunice ngayon. Alam ko kasing sa oras na malaman niya ay agad siyang uuwi rito. Ayos lang din naman iyon. Pero kung uuwi siya, paano ang mga plano niya para sa kanila ni Eunice? Mas mabuting mag-focus na muna siya sa pagtupad sa mga pangarap niya bago siya bumalik para sa kapatid ko.

Sana lang ay magaling na si Eunice sa oras na bumalik siya.

Mabuti na lang at nandiyan ang mga kaibigan ni Eunice para tumulong sa pag-aalaga sa kanya. Paminsan-minsan ding bumibisita si Angelo hindi lang para sa akin kundi para rin kay Eunice. Madalas kasi ay hindi na ako nakakalabas ng bahay dahil sa pag-aalaga sa kanya kaya si Angelo ang pumupunta sa bahay. May trabaho kasi sina Mommy at Daddy pati na rin si Lolo.

Four months after what happened to Eunice, our Lolo died. Nalungkot ang lahat dahil sa nangyari pero si Eunice, nanatili lang na walang pakialam. Hindi namin alam kung dahil ba iyon sa sakit niya o dahil hanggang ngayon ay galit pa rin siya kay Lolo. I just hope it’s not the latter. But I know Eunice. Hindi naman siya marunong magtanim ng galit nang matagal.

So far, wala pa namang mas masamang nangyari sa kanya. Patuloy pa rin kami sa pag-aalaga sa kanya at sa ngayon, wala pa rin kaming nakikitang pagbabago. Still, we’re not losing hope that someday, she’ll come back to us.

Kasalukuyan akong nasa bahay ngayon kasama si Mommy at Eunice. Walang pasok si Mommy sa trabaho kaya siya ang kasama ko ngayon maliban pa ang mga katulong namin. Si Daddy lang ang nasa hotel ngayon dahil Sabado at bukas pa ang day-off niya.

I’m actually waiting for my friends to arrive. Isang beses sa isang buwan ay dumadalaw rito sa bahay sina Lara para bisitahin ako. Ang sabi sa akin ni Angelo nang mag-usap kami kahapon ay bibisita raw sila ngayon.

Mga ilang sandali lang ay nakarinig kami ng pagtunog ng doorbell. Nang lumapit sa akin ang katulong namin at sinabing dumating na ang mga kaibigan ko ay nagpaalam na muna ako kay Mommy. Pinakiusapan ko rin ang katulong namin na maglabas ng makakain namin.

Napangiti ako nang makita sina Lara, Jay at Luis sa sala. Bahagya pa akong nagtaka kung bakit wala pa si Angelo pero naisip kong baka mamaya ay dumating na rin siya. Medyo malapit lang naman ang bahay niya sa bahay namin.

“Hi, guys!” bati ko sa kanila. Nakangiting tumayo naman sila para salubungin ako ng yakap at beso.

“Hi, Bea,” bati sa akin ni Lara bago nakipagbeso sa akin.

Label: Best FriendsWhere stories live. Discover now