Nine

3.7K 96 6
                                    

Chapter 9
Fault

**

Mabilis na lumipas ang mga araw. At sa bawat paglipas ng mga araw, napansin ko ang pagiging close nina Lara at Angelo. Sa totoo lang, parang mas close na nga sila ngayon kaysa sa amin.

Sabay pa rin kaming pumapasok ni Angelo sa trabaho. Pero pagdating ng uwian, si Jay ang naghahatid sa akin sa bahay. Minsan, magdi-dinner muna kami bago umuwi. Minsan naman ay diretso na lang niya akong inihahatid.

Naging close rin kami ni Jay pero kahit ganoon, hindi pa rin nawawala ang nararamdaman ko para kay Angelo. The feeling is still here and I think it won’t be gone soon. Ganoon siya kahirap kalimutan.

Kasabay ng pagiging close namin ni Jay at pagiging close nina Angelo at Lara ay ang pagkakalayo naman ng loob namin ni Angelo. Kung dati ay marami pa kaming napagkukwentuhan o napag-uusapan, ngayon ay halos hindi na kami nag-uusap. He would always call at night to make sure that I’m home but after that, he would just bid goodnight then we’ll hung up. Kahit sa tuwing magkasabay kami sa pagpasok sa office, tahimik na lang kami. Madalas ay music na lang ang bumabasag sa katahimikan namin.

I don’t know what’s happening. Hindi ko alam kung napapansin niya iyon o hindi pero ako, ramdam kong unti-unti nang nawawala sa akin ang best friend ko.

Dahil ba madalas kong kasama at kausap si Jay? O dahil madalas silang magkasama ni Lara? Ano na ba sila? Ano bang nangyayari? What changed? Sino ba ang nagbago? Ako o siya?

“What are you thinking?”

Napatigil ako sa pag-inom ng Zagu nang marinig ko ang boses ni Jay sa gilid ko. Nang lingunin ko siya ay napansin ko ang kuryosidad sa mga mata niya na para bang gustong-gusto niyang malaman kung ano nga ba ang iniisip ko ngayon.

It’s Saturday. Isa ito sa mga araw kung kailan niyaya ako ni Jay na mag-date. We already had our first official date last Saturday and this is the second time. Nanood lang kami ng sine noon at kumain sa labas. Ngayon naman ay dinala niya ako sa seaside sa MOA. Wala naman kaming masyadong ginawa dahil hapon na rin nang yayain niya ako at ang tanging magagawa namin ngayon ay ang panoorin ang paglubog ng araw.

I sighed before looking at the view in front of me. Minsan, nagui-guilty talaga ako kapag nakikita ni Jay na may malalim akong iniisip kapag magkasama kami. But then, I’m also thankful because he’s not complaining. In fact, he’s even more than willing to listen to me. At minsan, siya pa mismo ang nagbibigay ng payo sa akin.

“What do you think of Lara and Angelo?” I asked.

“Lara and Angelo? Hmm… they look normal to me. Why?”

Hindi ako agad sumagot. Kung ganoon, ako lang ang nakakapansin sa pagiging malapit nila? Kung ganoon, ako ang may problema?

Umiling ako. Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya.

“Well, napapansin kong nagiging malapit sila pero tingin ko, wala namang espesyal doon,” aniya.

I chuckled. “Sinasabi mo ba ‘yan para mapagaan ang loob ko?”

“No,” he replied before looking at me. “Wala talaga akong nakikitang espesyal sa kanilang dalawa. Kahit sa simpleng tinginan nila, wala. I think it’s just pure friendship.”

Napakibit-balikat ako at napaiwas ng tingin.

“I don’t know. Bakit iba ‘yong nakikita ko?”

“Are you jealous?” he asked. Pero bago ko pa man masagot ang tanong niya ay siya na mismo ang sumagot no’n. “Who am I kidding? Of course, you are.”

Label: Best FriendsWhere stories live. Discover now